Chapter 01

108 3 2
                                    

Amora Cameron
****

"Isda, isda kayo riyan. Oh ayan presko pa yan katulad ng nagtitinda fresh na fresh!" Malakas kong sigaw habang nagpapagpag upang itaboy ang iilang langaw sa paligid,

"Magkano?" Tanong ng babaeng may bakod ang ngipin

Matamis akong ngumiti, "Isang Daan po ang kilo, magkano ba?"

"Isang kilo nalang eneng" anito sa akin, mabilis ko namang tinimbang ang isdang bibilhin nito

"Salamat po, balik balik" nakangiti kong sabi sabay abot sa kanya ng sukli,

Napabaling ako kay Sheena ng ilapag nito ang dalang plastic bag "Oh buntis anong ginawa mo Dito?" Turan ko sa kanya habang nagpapagpag ng mga langaw

Inangat nito ang kanyang dala sabay ngiti sa akin, "Pinadala ni Mama" napakunot nalang ang noo ko, saka ako nagpa salamat sa kanya,

Patuloy lang ako sa pag sisigaw upang kumuha ng attention ng mamimili sa tinitinda kong isda. Lumaki akong sanay na sa ganitong hanap buhay, Elementary graduate lamang ako dahil simula noong iwan kami ng magaling kung ama ay hindi na ako nakapag skwela ng high school dahil sa walang wala kami ni Mama

Labing dalawang taong gulang ako ng maranasan kung maging Isang labandera sa kilalang mayaman Dito sa bayan namin, ang pamilyang Chan, na kalaunan ay tinakasan ko dahil sa kalupitan nila at mata pobre pa, marami na akong napag daanan na trabaho matulungan ko lang si Mama nag-iisang anak lang rin ako. Dahil ayon kay Mama limang taong gulang pa lamang ako ng iwan kami ni Papa,

Wala na akong balita sa kanya, at wala na akong panahon para alamin kung nasa'n na siya "Oh siya, Kumain kana buntis bawal kang magpa gutom" aya ko kay Sheena habang naka upo lang ito as usual nakatulala at malalim ang Iniisip

Tinapik ko ito ng hindi man lang ako nito narinig, lumingon siya sa akin at humingi ng tawad kaya naman pinaghandaan ko nalang siya. "Si Mama, sa tingin ko may sakit siya" na udlot ang dapat kong pag subo dahil sa biglaang sabi nito,

Napakunot ang noo ko. "Anong sabi mo?"

Malungkot siyang bumaling sa akin, "Nakita ko siya kanina sa may likod bahay, sumusuka ng dugo hindi ko siya nilapitan dahil baka mag-alala siya. Tapos nung tawagin ko mabilis ang galaw niyang tinabunan ng buhangin yung dugo–"

"–bakit mo siya iniwan?!" Basta ko nalang na sigaw, tumayo ako't walang pasabing tumakbo pauwi. Kinakabahan, ilang metro lang naman ang layo ng Bahay namin sa palengke kaya hindi na ako sumakay pa,

Pagkarating ko sa bahay naabutan ko si Mama na ubo ng ubo habang pilit na inabot ang pinapaarawan naming Dilis "Ma!" lumingon ito sa akin mabilis akong lumapit sa kanya't inalalayan siyang makababa "Ano ba naman yan Ma, hintayin mo nalang kasi ako. Paano kung mapa'no ka diyan?" Panenermon ko rito

Singkwentay nuebe na si Mama, kaya naman todo trabaho na ako para kahit papaano makapag pahinga naman siya "Amora, anak. Bakit mo iniwan ang pala isdaan?" Inalalayan ko lang siya patungong pintuan,

Pinaupo ko ito't inabot ang dilis na balak niya sanang kunin, "Andun naman po si Sheena, babalikan ko rin po ang buntis. Inuwi lang kita ma, Kumain kana ba?" Pangdadahilan ko nalang, dahil gusto ko si Mama mismo ang magsasabi sa akin na may sakit siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RUTHLESS MAFIA#2: DANGEROUS AGREEMENTWhere stories live. Discover now