Panimula

22.2K 305 74
                                    

Prologue





"Baby, gising na. " marahang hinaplos ni Chynna ang pisngi ng anak.


Umungol lang ito at tumalikod.


Napangiti ang ina.


Lumipat sya sa harap nito at nahiga.


Pinagmasdan ang maamong mukha ng anak na himbing na natutulog.


Naaaliw sya habang pinapanuod ang paggalaw ng tyan ng bata.


"He's like an angel right ?. " tanong ni Vincent.


Napalingon si Chynna saglit at ngumiti.


Dahan dahan syang bumangon.


"It's too early, why don't you take some sleep ?. " tanong ni Chynna.


Ngumiti si Vincent at umikot sa kabila ng kama ng anak.


Naupo sya sa kama at sumandal sa headboard.


"It's okay baby. Nagising kasi ako ng maramdaman kong wala ka na sa tabi ko. Akala ko'y iniwan mo na ako. " pag iinarte ni Vincent.


Napangiti si Chynna at sinara ang pinto ng kwarto ng anak.


Bumalik sya sa kama, sa harap ng bata at ginaya ang kabiyak.


Sumandal din sya sa headboard ng kama.


..


"Di ba kayo magsisimba? . " tanong ni Vincent.


Ngumiti si Chynna at nginuso ang anak.


"Look at your son, he's sleeping like an angel. Sinong walang puso ang gigising sa kanya ?. " bulong nya.


Napangiti din si Vincent at tuluyan ng nahiga sa kama.


Gumaya si Chynna, tinukod nya ang siko sa kama at inalalayan ang ulo.


Hinarap nya ang mag ama.


..


"Kamusta ang bidding ?, what time kang nakauwi ?. " tanong ng babae.


Natawa ng mahina si Vincent habang hinihilot ang sentido.


"Akala ko makakaligtas na ako. " biro nya.

Kwadro Alas - Ace of ClubsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon