Kabanata 1 - Ace of Clubs

18.9K 343 209
                                    

Kabanata I - Ace of Clubs




Marahang pag ugoy sa balikat ang nagpagising sa natutulog pang diwa ng anim na taong gulang na si Rhoi.

Unti unti nyang dinilat ang mga mata at marahang sumandal sa kama.

"Wake up na baby. " rinig nyang bulong ng isang boses.

Nakita ni Rhoi ang inang si Chynna na hinahawi ang kurtina sa kanyang bintana.

Napangiti ang bata.

"Morning Mom. " bati nya habang kinukusot ang mga mata.

Bahagya syang nasilaw ng pumasok ang liwanag mula sa haring araw.

Ngumiti ang ina.

"Morning baby. How's your sleep ? " tanong nito.

"Sarap po. Uhm, where's Dad ? " balik tanong ng bata.

Bago sumagot, isa isang pinagdadampot ng ina ang mga laruan sa sahig.

"I told you to return your toys to your box after you played. Nakaalis na si Daddy, nagpunta na sya sa work. " sagot nya.

"But, it's my first day Mommy! " angal ng bata.

Napangiti ang ina.

"Of course baby. Hindi naman nakalimutan ni Daddy yon. Sya nga ang nagpagising sayo, kakaalis lang nya actually. Don't forget to call him daw. " bilin nya.

Napangiti din ang bata.

Pero bigla syang natigilan ng kapain ang katabing pwesto.

"Mommy. Where is she ? " tanong nya sa ina.

Saglit na napahinto sa pagliligpit ng mga laruan si Chynna.

Pagkuwa'y pilit ang ngiting nilingon ang anak.

"U-umuwi na sya. Sinundo sya ng Mommy nya. " sagot nya.

Napanganga si Rhoi.

Dali dali syang tumalon sa kama at lumabas ng kwarto.

"Anak! Wait! " pigil ni Chynna.

Nabitawan nya ang hawak na laruan dahil sa ginawang paghabol sa anak.

. . . . .

"Ay, nakaalis na ho sila Ma'am. Di ho nagpasabi si Senyora kung saan sila pupunta ng bata. " wika ng katulong.

"Ah ganun ba ? Salamat ha ? " nakangiting sambit ni Chynna.

Nagpaalam na ang katulong at muli itong pumasok sa loob ng bahay.

Pasimple syang napabuntong hininga pagkuwa'y pumorma ng ngiti at nilapitan ang anak na kasalukuyan nakaupo sa gutter.

Tumabi sya sa bata.

"Umalis daw sila baby eh. " imporma nya.

Napatingala ang batang si Rhoi.

"San sila punta Mommy ? " tanong nya.

Nagkibit balikta ang ina.

"I d-don't know baby. Maybe namili sila ng things for school. Remember, it's her first day as well. " sagot nya.

Natahimik ang bata.

Nag isip.

Maya maya ay tumayo at inaya ang ina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kwadro Alas - Ace of ClubsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon