Merry Christmas!

11.1K 327 116
                                    

Sunshine's POV

"Cloud, aalis kami ng girls later. Ikaw muna ang bahala sa mga bata, ha?" Sabi ko sa asawa ko na busy sa pag-aayos ng mga music gamit ni Rivo. "Pakainin mo na si Rivo tsaka 'yung gamot sa sugat ni Sky, ha? Don't forget,"

"Yes, Lab," Sabi ni Cloud at hinalikan ako. Nagpaalam na ako at umalis dahil ayokong ma-late. Ayaw pa naman ni Ate Milana nang late. 

Noong isang gabi ko pa rin napapansin ang pagpapaalam sa akin ni Cloud na aalis siya kasama sila Seven at Kuya Lucas. Minsan ay sinusundo pa siya ni Trevor. Sabi niya ay mag golf lang sila o kaya ay pupunta sa auction pero tuwing umuuwi ay pawis na pawis. Kung basketball naman ang ginagawa niya ay sasabihin naman niya iyon sa akin at isasama niya si Sky pero hindi, e.

"Bakit kaya alis nang alis ang mga asawa natin?" Tanong ni Thalia. "I asked Seven if he's playing baskteball and he said no daw,"

"Hindi rin naman sila amoy alak, 'no?" Tanong ni Letizia.

"They're not cheating on us, 'di ba?" Napalingon kami kay Thalia nang sabihin niya 'yon.

I heard Autumn chuckle. "Mag cheat na lahat ng lalaki sa mundo pero hindi si Azrael. Takot lang no'n," 

"Not my husband. He's a man of God. Half of his life is in church. He will never ever do that to me," Ate Milana defended her husband.

"Feeling ko rin hindi si Saint. Tamad nga makipag usap 'yon, e," Sabi ni Letizia.

"Lalo na si Seven. Hindi no'n kaya nang wala ako," Thalia said in her confident manner.

I smirked at them while entering at Gucci store. "Si Cloud ang lalo na, hindi pupwedeng hindi ako nakikita no'n. Praning 'yon kapag wala ako sa bahay, lalo na kapag hindi kami nagkikita," Sabi ko. 

"E, kung ganoon? Saan nagpupunta ang mga 'yon? Sa gym? Pawis na pawis si Saint pag-uwi, e, tapos lagi pang mukhang iritable," Sabi ni Letizia habang tumitingin ng bag.

"Maybe they're doing something on their own. Hayaan na natin, malalaki na sila. Mukha lang silang walang isip but they have," Thalia said while trying the green shoes. 

Sabagay. Kaya na nila 'yon. Matatalino naman sila. Kung ano man ang ginagawa ni Cloud  ay sana ikakatuwa ko kundi ay sa labas ko siya patutulugin. 

After namin dito sa Gucci ay lumipat kaming off-white dahil may bibilhin daw na medyas si Ate Lana. At nanghina ang tuhod ko nang malaman ko na nasa limang libo ang isang pares. Binilan din niya kami dahil magagamit daw namin iyon sa US dahil winter doon. 

"May bagong labas ang Autumn's closet for winter pero hindi siya ganoon ka kapal since mainit dito sa Philippines. Pero 'yung flagship sa Singapore and Korea doon kami mas nag focus," Sabi ko sa kanila. "I'll send your chosen outfit nalang tomorrow or before the calendar photoshoot," 

"That's great! You're very hands-on talaga, Ate Sunshine," Thalia said while fixing her bangs. 

"Next week na ang calendar photoshoot?" Letizia suddenly asked.

"Yep, it's on my schedule na. Why, Letizia? Is there any problem?" Autumn asked Letizia.

Letizia bit her lower lip. "Hindi ko nasabihan si Saint. Ayaw pa naman non ng biglaang photoshoot," Worried na sabi ni Letizia.

"Haynako. Baka mag tantrums na naman ang asawa mo," Thalia said and slightly rolled her eyes.

"I'll tell Lucas to tell Trevor about the calendar photoshoot," Ate Milana suggested. 

Galvez series (Special Chapter)Where stories live. Discover now