Chapter 2

2 0 0
                                    

Please don't be a silent reader. It means a lot if you vote. Thank you and enjoy reading.

_

Kinabukasan ay maaga ako nagising. Kumain ako ng agahan at nagbihis. Maagang nagising din si tatay para maka pagpasada. "Nay, aalis na po ako" pagpaalam ko sa aking inay. Nauna ng pumasok sina Mick at Makoy. "Sige anak. Mag iingat ka" sabi ng aking ina sabay halik sa aking pisngi. Napa ngiti ako doon. Simula bata pa ako ay hinahalikan na ng aking ina ang aking pisng kapas pumapasok ako ng paaralan.

Mabilis lang ako nakarating sa La Salle dahil malapit lang bahay naming dito. Nakita ko sina Savi at Zen sa Entrance. "Bakit di pa kayo pumapasok?" tanong ko sa kanila. Para kasi silang mga ewan diyan. "Hay nako, girl. Hinihintay naming ka-chat niya" Sabi ni Savi. "Sino? Yung bang Mark?" tanong ko sa kanila. Tumango naman siya. "Ah oo. May ibibigay daw siya sa akin" kilig na sabi ni Zen.

"Kilig now, iyak later" sabi ni Savi na tumawa pa. Ito na naman. "Hoy, anong pinagsasabi mong iyak later? Hindi ako iiyak no. Maybe, you'll fall in love with him if you see him. He's just mine" angal naman ni Zen. "Possessive yarn. May pa he's mine, he's mine ka pa. Bakit may label na kayo?" tanong ni Savi. Hindi naman nakasagot si Zen at namula. Don't tell me meron na.

"May label kayo?" sigaw na tanong ni Savi na naka kuha ng atensyon ng mga estyudante pumapasok. Yumuko ako dahil sa kakahiyan na ginawa ni Savi. Ayaw ko kasi ng attention. "Bunganga mo, Savi" kinirot ko tagiliran niya na nagpa aray sa kaniya. "Sakit non ah, Val. Pero totoo na may label kayo?" tanong pa ni Savi. "Oo. Nililigawan niya ako" namumula si Zen ng sinabi niya iyon.

"Akalain mo iyon. May papatol pa sayo" sabi ni Savi na ikinatingin ni Zen sa kaniya ng masama. "Malamang. Nabighani sila sa aking ganda" Zen flipped her hair.

"Aba" tutuloy pa sana ni Savi sasabihin niya ngunit sumingit na ako. "Tumigil na kayong dalawa. Mag aaway na naman kayo" sabi ko sa kanila. "Siya na una eh" tinuro si Savi. "Totoo naman eh" sabi pa ni Savi. Hindi nila naituloy ang pag aaway dahil may tumawag kay Zen.

"Yan na siya" umalis si Zen para puntahan ang tumawag sa kaniya. Tumingin ako kung saan pumunta si Zen. May Nakita akong tatlong lalaki. They're tall, handsome, at parang mayaman dahil sa mga suot nila. Nilapitan ni Zen yung isang lalaki na naka pantalon at white shirt na may dala ng bulaklak. Siguro siya si Mark. Yung isa naman ay naka pantalon din at black shirt. Pero may kumuha ng atensyon ko.

Naka trouser siya with white polo. May bitbit siyang bag at bola sa kaliwang kamay niya. Isama mo pa na naka shades siya na nagpagwapo pa sa kaniya ng sobra. Matangkad siya at matangos ang kaniyang ilong. Aakalain mo talaga na may lahi siya.

Agad akong napa iwas ng tingin ng magtagpo ang aming mga mata. I feel my blood went to my face because of embarrassment. Lumapit sa akin si Savi. "Sis, bet ko yung naka black. Gwapo niya" sabi niya sa aakin na ikina tango ko.

Di ko alam kung guniguni ko lang to pero nang tinignan ko ulit yung handsome guy ay tinitignan niya ako at kumindat pa siya.. My eyes widen and look away.

"Halika. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko. Sama mo Narin friends mo" rinig kong sabi ni Zen. Kinalabit ako ni Savi na parang kinikilg dahil lalapit ang crush niya.

"Val, Savi, ito pala si Mark. Nanliligaw sa akin. Ito naman sina Savi at Zen, mga kaibigan ko" Sabi ni Zen. "Hello. I'm Mark Zane Gonzales, Zen's suitor. Nice to meet you" inilahad ni Mark ang kaniyaang kamay. Tinanggap ko iyon, pati Narin si Savi.

"I'm Saviannah Marie Magsalin" ni Savi.

"Nice to meet you. I'm Valerie Venice Villaraza"

Ngumiti lang ako sa kaniya. Medyo naiilang ako kasi kanina pa naka titig yung handsome guy sa akin. "Ah Mark, pakilala mo naman samin yung mga kasama mo" kapag talaga nakakakita si Savi ng mga gwapo ay g agad siya. Natawa ako ng konti nung kumindat siya sa naka black na guy. I saw Zen glared at her that made me shake my head. "Sure" pinalapit ni Mark ang kaniyang mga kasama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ANDINO SERIES 1: SIPINGWhere stories live. Discover now