Chapter 3

0 0 0
                                    

UNTI-UNTING umaangat ang magkahalong init at enerhiya mula sa kaniyang kaibuturan.

Kasabay nito ay ang paghulagpos ng huling katinuan ni Alec. Subalit, kahit pa batid na niyang wala na siyang malay ay pakiramdam naman niya ay may kung anong entity ang pumalit at nagmaniobra sa kaniyang katawan.

Pakiramdam niya naging isa na lamang siyang pasahero sa isang pampublikong sasakyan. At ang sasakyang ito ay ang kaniya mismong sariling katawan. At ang nag sisilbing drayber ay ang kung ano mang nilalang na pumalit sa kaniya.

Hindi niya maunawaan ang mga nagaganap. Kahit kasi alam niyang pinanawan na siya ng ulirat ay nakikita pa rin niya ang mga bagay na nakikita niya kanina habang siya ay gising pa.

Lalo na ang nakakikilabot na lalaking umaatake sa kaniya kanina na sa hindi niya malamang dahilan ay bigla na lamang tumalon palayo sa kaniyang katawan.

Naging alerto pa ito habang mataman na nakatingin sa kaniyang katawan.

“A-Apo Sitan…”

“Lapastangang alipores ni Bathala!” wika ng nilalang na siyang kumokontrol sa kaniyang katawan sa mababa at malamig na boses.

All of a sudden Alec saw a swirl of black smoke coming from his own body despite the darkness. It took few more minutes before he could realize what was happening.

The mysterious man in front of his body suddenly glowered to his surprise. Despite the coldness of the night he felt intense burning. The night sky started to show several lightning and started to roar.

“Ipagpaumanhin mo Apo, subalit kinakailangan kong pigilin ang muling pagkapukaw ng iyong hilagyo!”

Kitang-kita ni Alec kung paanong umatake ang misteryosong lalaki sa kaniyang katawang lupa. Pero sa hindi niya malamang kadahilanan ay bigla na lamang siyang napunta sa alapaap.

Kitang-kita na niya mula sa kinalalagyan ng kaniyang katawang tao ang kabuuhan ng syudad. He was amazed yet terrified. What if mahulog siya mula roon?

Hindi nag tagal ay muli niyang naramdaman ang enerhiya mula sa kaniyang kaibuturan. Muling lumabas ang mga kulay itim na usok mula sa kaniyang katawan habang naka-focus ang tingin ng nilalang sa loob niyon sa lalaking nasa ibaba nila.

Unti-unti nang pumipikit ang kaniyang mata na animo’y nauubusan siya ng lakas sa hindi niya malamang kadahilanan. Pilit niyang iminumulat ang kaniyang mga mata subalit higit na mas malakas ang tawag nang magkahalong pagod at antok ng kaniyang katawan hanggang sa tuluyan na siyang lamunin ng pamilyar na kadiliman.

NAGISING si Alec mula sa malalim na pagkakahimlay dahil sa init ng araw at naririnig na bulungan sa paligid.

Kagyat siyang napabangon at natagpuan ang sarili sa gitna ng mga nagkukumpulang tao. Agad pa siyang napahilot sa kaniyang sentido nang makaramdam siya ng kirot mula rito.

“Sir, okay ka lang ba?” tanong sa kaniya ng isang binatang sa tingin niya ay nag-aaral sa kolehiyo base na rin sa unipormeng suot nito.

“Uhh… yeah!”

Inalalayan naman siyang makatayo ng binata. Bigla naman niyang naalala ang mga kaganapan kagabi. Pero napabalik sa kasalukuyan ang kaniyang isipan nang may dalawang unipormadong pulis ang lumapit sa kanila.

“Alec?” tawag sa kaniya ng isa sa mga ito. Ang pinsang niyang si Jeffrey.

“Kuya Jeff,” anas niya.

“What the hell is happening here?”

“Kilala mo ba ‘to buddy?” tanong ng isa pang pulis sa kaniyang pinsan.

LUNAWAN: The Devil's VesselWhere stories live. Discover now