Chapter 5

1.5K 30 0
                                    

{Chapter 5}

Kinagabihan, ay nagsiuwian na din sina mama at papa ganoon din sina ate dahil wala daw magbabantay sa mga anak nila at iniwan lang nila ang mga junakis nila sa parents ng kani-kanilang asawa. Bago sila umuwi ay tinulungan muna nila si Nezro at Zavier na magligpit ng mga gamit. Inakyat ko na muna sa taas si baby Kalie at para makapagpalit ako ng damit bago muling bumaba.

Nadatnan kong abala pa rin sina Nezro at Zavier sa pagliligpit habang naghaharutan sa kusina. Naghiwalay naman kaagad sila ng makita ako. Hmp! 'Tong mga ito talaga! Nagagawa pang magharutan habang nagliligpit.

"Shower lang muna ako babe," ani Zavier bago humalik sa pisngi ni Nezro at umalis.

Oo nga pala. Dito nakatira si Zavier sa bahay paminsan-minsan since nakikitira lang din naman ako dito...hindi naman ako para kwestyunin pa iyon.

Lumapit ako sa pwesto ni Nezro at mahigpit siyang niyakap. Nabigla siya sa ginawa ko at bahagya pang nilingon ako.

"Ano na namang drama mo? May pagyakap?" Nakanguso akong kumalas sa kaniya at hinarap ako. Kinuha ko ang kamay niya.

"I just wanted to say thank you for this. Thank you for preparing this, kahit hindi naman na kailangan." Nakangiting ani ko sa kaniya habang mataman lang niya akong tinitignan.

"You deserve this, Jia! You deserve to be congratulated for giving birth to your child na inaanak ko. Gusto kong icelebrate ang munting ganap mo bilang isa ka na ngayong ina," hinaplos niya ang pisngi ko at pinunasan ang luhang tumulo dito.

"Isa lang ang mahihiling ko sa'yo ngayong isa ka ng ina..."

Napayuko ako hindi dahil sa nahihiya ako sa kaniya. Napayuko ako dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kaniya. Mula sa pagkupkup niya sa'kin hanggang sa pagpapatuloy niya sa'min ng anak ko sa bahay niya. I'm so blessed to have this person in my life. Napakabuti ng puso niya.

Inangat niya ang mukha ko at pinakatitigan ako.

"Maging mabuti kang ina sa anak mo. Yun lang. Yun lang ang gusto kong gawin mo. Palakihin mo siyang mabuti at punong-puno ng pagmamahal. Busugin mo siya ng pagmamahal mo at pag-aalaga. Gawin mo lahat para sa kaniya kahit wala siyang tatay habang lumalaki siya, punan mo ang pagkukulang ng tatay niya kung kinakailangan."

Wala na! Bumuhos na talaga luha ko.

"Just promised me that, hmm?"

I nod and smile to him. "Yes. I promise. Thank you! Thank you sa lahat!"

∆•∆•∆•∆•∆

Pagpasok ko sa kwarto ko ay mahimbing na ang tulog ni Kalie. Lumapit ako sa crib at inayos ang mga maliliit na unan na nakapalibot sa kaniya. Marahan kong hinaplos ang noo niya. Napaupo ako sa kama at napadako ang tingin ko sa maliit na kahon sa kabinet. Lumapit ako dito't kinuha iyon.

Pagbukas ko ng maliit na kahon ay bumungad sa'kin ang mga piece of paper na may hand written pa ni Jarren. Naaalala ko pa noon hubby niya ang pagbibigay sa'kin ng bouquet of flowers kasama itong mga papel na may sulat kamay niya.

Isa-isa kong tinignan lahat ng papel na iyon hanggang sa may pumukaw ng atensyon ko. Address niya sa mansyon nila. Pinakatitigan ko iyon hanggang sa maalala ko ang dahilan kung bakit sinulat niya iyon.

"Babe, anong sinusulat mo?" Ipinulupot ko ang mga kamay ko sa braso niya at humilig ng bahagya sa balikat niya.

"My address babe." Kumunot ang noo ko't tinignan siya nilingon niya naman ako at ngumiti siya ng tipid bago tinupi at ibigay sa'kin ang papel.

Bumuntong hininga siya ng makitang tinignan ko lang iyon sa kamay niya.

"Keep this babe. Alam ko kasi na hindi mo kabisado ang address papunta sa mansyon so, here. Itago mo yan for emergency." Ngumiti pa siya bago kinuha ang kamay ko at pilit na isarado ang palad ko.

"Emergency? Bakit may sakit ka?" I asked innocently. Natawa naman siya at mahinang pinisil ang pisngi ko't kinabig ako sa balikat niya.

"Basta lang babe. Just keep it. Magagamit mo 'yan in the future I guess?"

Iminulat ko ang mga mata ko nang maalala ang eksenang iyon. I should throw this in the garbage kung gugustuhin ko pero may kung anong bumubulong sa'kin na itago ito at 'wag itapon. Binalik ko ito sa kahon at sinarado bago muling binalik sa dati nitong pwesto sa cabinet.

"D*mn this!" I whispered bago humiga sa kama at ipinikit ang mga mata.

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Where stories live. Discover now