Chapter 4: Mga Bunga

11 0 0
                                    

Her side.

"San Martin Police Department. Itaas ang kamay," utos ko sabay diin ng nguso ng baril sa batok ni Dean Diaz. Ramdam ko ang kaba at paninigas ng katawan niya. Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang mga kamay.

"Pano niyo nalamang ako si Dean Diaz?" tanong niya na siya ring patunay sa lahat ng mga hinala ko.

"Hindi ko sinabing alam ko yun," sagot ko. Napatingin ako kay Alexander. Tsk. "Detective," tawag ko sa kanya. Ngunit nakatingin lamang siya sa akin na may blangkong ekspresyon.

Alam ko ang ibig sabihin nun. Gusto niyang arestuhin si Ortega. Pero hindi maaari. 'Wag muna. Umalingawngaw ang katahimikan. Natuod ang lahat.

Sa isang iglap, biglang tumakbo si Ortega at akmang susundan ito ni Alexander.

"Detective!" muli kong tawag ngunit sinamantala ito ng mga kasamahan ni Dean Diaz at sabay-sabay silang tumakbo sa aking gawi.

Alam kong hindi kami pinahihintulutang magpalabas ng bala hangga't maaari ngunit kinabit ko ang gatilyo at nagpalabas ng tatlong warning shot. Napayuko ang lahat maliban kay Ortega na nagpatuloy lamang na tumakbo sa may likod ng building at kay Alexander na nakatitig sa akin.

Pumasok ang aming backup at si Alexander ay nakatingin pa rin sa akin... nangungusap ang mga mata. Siguro'y humihingi ng patawad. Ngunit lalo lamang lumalim ang galit ko sa kanya.

●●●

Nang makalabas mula sa presinto nung gabing 'yon ay agad kong hinabol si de Gracia saka walang anu-ano'y nagbato ng suntok. Tumama ang kamao ko sa bibig niya at natumba siya sa lupa. Tumulo ang dugo sa sulok ng kanyang bibig.

"River!"

"Aguas!"

'Di ko pinansin ang mga palahaw ng squad member at superior officer ko, bagkus ay madiin kong hinawakan ang kwelyo ni de Gracia at tumingin sa mga mata niya na puno ng kung anong emosyong hindi ko matukoy.

Ang kapal ng mukha. 

"Alam kong simula nung unang araw natin dito ay hindi na tayo magkasundo," gigil kong sabi. "Pero hindi ko naman inakalang iiwan mo akong nakatali ang mga kamay sa isang buy bust operation." At hindi lang 'yon! Kung hindi siya tumatanggap ng suhol mula sa mga motorista, sana'y hindi siya nakilala ng babaeng 'yun. 

Dalawang pares ng mga kamay ang nagtanggal ng hawak ko mula sa kanya.

"Tama na!" sigaw ni Sergeant Lara. "Ano ba talagang nangyari?" Narinig nga nila ang usapan kanina sa intercomms na suot namin pero maingat si Ortega. Hindi niya ipinakilala ang sarili niya.

Maski sa pananalita niya kanina, hindi mo matukoy sa pakikinig lang ang tungkulin niya sa transaksyong 'yun. Andun nga siya pero parang... parang multo.

Tinignan ko si de Gracia. Napatitig siya sa akin saka pinunasan ang dumurugo niyang bibig.

"Andun si Ortega kanina," sabi niya.

"Ano?" agad na sagot ng Sergeant. "Bakit hindi mo sinabi sa briefing? At wala 'yun sa report mo!" Napatahimik si de Gracia. Nakatingin lamang sa lupa habang nilalaro and dila sa maliit na hiwa sa sulok ng kanyang labi.

Malamang ay nagdadalawang-isip na sabihin ang totoong nangyari. Muli kong ikinuyom ang kamao ko. Nang mukhang ayaw na niyang magsalita ay pinangunahan ko na.

"Hindi niya rin sinabi kanina na nung nagkatutukan ng baril, tumakas si Ortega at nagtangka siyang sundan ito, habang nakatali ang mga kamay ko kay Dean Diaz at sa mga alipores niya."

DazedWhere stories live. Discover now