Prologue

26 0 0
                                    


Prologue

UNTI UNTING iminulat ni Cassandra ang kanyang mga mata nang maramdaman ang malamig na tubig na dumadagsa sa katawan niya. Nakaramdam siya kaagad ng hilo at pagkaikot ng paningin pero hindi niya iyon alintana nang unti unti niyang napoproseso kung nasaan siya.

Nasaan ako?

Kahit masakit at nangangalay ang kanyang katawan ay isinikap niyang gumalaw upang makita kung nasaan siya. Umupo siya at nakita ang sarili na nasa tabing dagat.

Tumingin siya sa paligid. Wala siyang ibang makita kundi ang dagat na maalon, sikat ng araw, at mga puno na tinatangay ng hangin.

Naalala niya ang huling nangyari sa yateng sinasakyan niya dahilan para mamuo ang luha sa mga mata niya. Naalala niya mula sa umpisa hanggang sa mauntog ang ulo niya at nawalan siya ng malay.

Kahit masakit ang buong katawan niya ay sinikap niyang tumayo at tumakbo papunta sa kung saanman. Naghanap siya ng ibang taong maaaring kasama niya sa islang ito. Hanggang sa makarating siya sa pinakataas ng bangin upang tingnan ng maigi kung may mahihingan siyang tulong.

"Hindi..." bulong niya sa kanyang sarili nang makitang walang malapit na isla sa islang naroroon siya. Wala ding komunidad o syudad na maaari niyang hingan ng tulong. "Hindi pwede..."

At ngayon ay tumulo ang kanyang luha nang mapagtanto niyang siya ay nasa...

"Isolated Island. N-nasa Isolated Island ako."

Isolated IslandWhere stories live. Discover now