Chapter 4

9 0 0
                                    


CHAPTER 4
Isolated Memories


"ANO ANG SUNOD NA NANGYARI?"

Lumuha ang mga mata ni Cassandra nang maalala niya ang susunod na nangyari.

"Nagising ako na parang nililindol yung barkong sinasakyan namin. Umuugong siya at nahuhulog na ang ilang kagamitan na nakalagay sa cabinet. Hanggang sa napagdesisyunan kong lumabas ng cabin ko at nakita ko ang ilang pagpanic ng mga pasahero. I went out to check what was happening at nagulat ako dahil sa maitim na ulap, at mataas na alon ang sumalubong sa amin..." She could see the big wave that was coming to the ship. Tumulo ng tumulo ang mga luha niya. "sinubukan kong gumawa ng paraan para makatulong sa ibang tao pero huli na ang lahat. Nilamon ng alon na iyon ang barkong sinasakyan namin and the next thing I knew, tumama ang likod at ulo ko sa matigas na bagay kung kaya't nawalan ako ng malay."

And her memories end there.

Hindi niya na maalala ang susunod pang nangyari dahil tila naging blangko nalang bigla ang mga nakita niya.

"That's it. I think you did enough today." Ani ng imbestigadora na si Ramona atsaka ito tumayo at sinabing magw-wrap up na sila. "Thank you for today, Miss Cassandra. Please take your medicines as we need more story from you."

Tumango siya atsaka siya nito iniwan sa kwarto. Napatingin siya sa kalangitan. Alas siyete na pala ng gabi. Siguro ay gising pa naman ang ina at ama niya. Tatawagan niya muna ang mga ito.

Kinuha niya ang cell phone niya at tinawagan ang numero ng ina. Ilang ring lang ay sinagot din naman ng mga ito ang tawag niya. "Ma?"

"Anak... napatawag ka? Bukas pa sana ang dalaw namin sa'yo e."

"N-namiss ko lang po kayo, ma. Si Papa po? Kumusta po siya?" Pigil ang pag-impit ng iyak niya. Miss na miss niya na ang magulang niya. Gusto niya ng umuwi pero kailangan niya pa munang magpagaling. May bali pa ang kanyang binti at ang ribs niya ay may galos pa.

"Ayos lang naman ang lagay ng papa mo. Etong si Casmir ang hinahanap ka kanina pa. Gustung gusto ka na niyang bisitahin pero ang sabi ko ay bukas pa namin ikaw bibisitahin."

"Pwede ko po ba siyang makausap?" Aniya at narinig niya ang pagpasa ng kanyang ina ang cellphone nito kay Casmir.

"Ate!" Tawag ni Casmir sa kanya. "Ate, k-kailan ka po ba u-uuwi? Miss na m-miss na po kita, ate ko."

Napapikit siya ng mariin sa sinabi ni Casmir. Miss na miss niya na din ito. Oo nga at nadadalaw siya siya ng mga ito sa ospital pero iba pa din na magkakasama sila.

"Malapit na po baby ko. Malapit na. Basta habang wala ako, 'wag kang magpapasaway kay Mama at Papa ha? Lagi kang magpapakabait. U-uuwi din ang ate."

"Ate dalian mo po ha. P-please."

Tumango siya na para bang nasa harapan niya ang kausap. "Oo. Bibilisan ko."

Please let me remember everything. Please. Kailangan na ako ng pamilya ko. Please nagmamakaawa ako.

Ilang minuto pa silang nagkwentuhan ng nagkwentuhan hanggang sa binaba na ang tawag at nagpahinga na din siya. Kumuha siya ng baso na may tubig na nakalagay lang malapit sa kanya atsaka ininom ang tableta kung saan matutulungan siyang maalala ang mga nakalimutan niyang alaala.

Pagkatapos ay nakatulog muli siya.

Nagising nalang muli si Cassandra nang tumama na ang sikat ng araw sa mga mata niya. Biglang nagkaroon siya ng ganoong klaseng déjà vu. May parang kung anong pumasok sa isipan niya na nagising din siya dahil sa tama ng araw.

"Gising kana pala." Sabi ni Ms. Ramona. "this is Doctor Gary, isa siyang physical therapist. Titingnan niya ang lagay ng bali ng paa at mga ribs mo."

Tumango siya atsaka chineck-up siya ng nasabing doktor. Makalipas lang ng ilang minuto ay natapos din sila.

"Kailangan niya pa rin magpagaling at magpahinga. Fortunately, unti-unti nang gumagaling ang mga bali at sugat niya sa katawan." Ani ng doktor sa kanya.

Mabuti naman at umaayos na ang lagay niya. Ang sabi ay nakuha niya ang bali at sugat sa katawan hindi dahil sa aksidente apat na buwan na ang nakakaraan kung hindi sa mismong araw na na nahanap siya ng mga mangingisda. Ang ibig sabihin, recent lang ang mga bali at sugat niya.

Ano kaya ang nangyari at bakit nagkaganito ako?

"Kumain kana at uminom ng gamot." Sabi ni Ms. Ramona atsaka ito naupo sa desk table niya para magtrabaho. Kaharap nito ang laptop at mukhang abala ito sa pagttrabaho.

Halata naman ang pagiging mailap ng ginang. Sa pagkakaalam niya ay walang naging asawa ang imbestigadora. Itinuon siguro nito ang oras at atensyon sa pagttrabaho.

Mukhang napansin ng ginang ang pagtitig niya rito kung kaya't nag-angat ito ng tingin sa kanya at nagtatanong ang mga mata. "May kailangan ka?"

Napalunok siya ng laway. "Gusto ko sanang lumabas para makalanghap ng sariwang hangin."

Saglit na natigilan si Ms. Ramona atsaka siya tinitigan. "Sige." Aniya. "Pero kapag may mga paparazzi o reporters na nagtatanong sa'yo tungkol sa kaso mo, wala kang sasabihin. Nananatiling confidential ang investigation process natin. Naiintindihan mo ba?"

Tumango siya. "Naiintindihan ko."

"Ipapasama kita kay Greg at isang nurse."

Tulad ng sinabi ng ginang, sinamahan nga siya ng lalaking nagngangalang Greg at inakay siya nito paupo sa isang wheelchair, at kasama ang isang nars. Lumabas sila at nagtungo sa garden para makalanghap ng sariwang hangin.

Humaplos ang malamig na hangin sa balat niya at may mga kung ano siyang naaalala. Napapikit siya ng mariin.

Are those my memories?

Napatigil siya sa pag-iisip nang may makita siyang isang babae na naglalakad lakad kasama ang mukhang asawa nito. Kitang kita ang bilog na bilog na hugis sa tiyan nito. Hinuha niya ay siyam na buwan na iyon.

Bigla siyang napaluha.

"Miss Cassandra, okay ka lang ba?" Tanong ng binatang si Greg. Nang hindi sumagot ay nagtanong muli ito sa kanya kung ayos lang ba siya. "Ibabalik ko na ho kayo sa kwarto niyo."

Iyak siya ng iyak. Parang hinaplos muli ang puso at isipan niya. Hanggang sa makarating siya sa hospital room niya ay umiiyak pa din siya.

"Miss Cassandra, bakit ka umiiyak?"

Tumingin siya kay Ramona na bakas ang pag-aaalala nito sa kanya.

"N-naalala ko na ang nangyari... n-naalala ko na."

"Miss Cassandra, tell us. What do you remember?"

Sinenyasan ni Ramona si Greg na i-set-up ang video camera upang mai-record ang investigation process. Mabilis naman ang naging kilos ni Greg at ilang sandali lang ay nakatapat na kay Cassandra ang isang video camera kung saan ay nakarecord siya.

"we... we were stranded... in an island..."

"Stranded? In an island?"

"O-oo. N-not just in an island. B-but in an isolated island."

Bakas ang pagbadha ng gulat sa mukha ni Ramona nang banggitin niya ang salitang isolated island. Nararamdaman niya na mas mahirap malalaman ng mga investigation team ang paghahanap sa mga nawawalang pasahero kung nasa isolated island sila. Hindi basta basta ang paghahanap ng isla sa laki ng karagatan!

"You are saying that you were stranded in an isolated island for four months?" klaro ni Ramona na siyang ikinatango niya. "Holy shit! This is harder than we thought."

"At sa islang 'yon... madaming kahindik hindik na kahit sinoman... hindi nila gugustuhing bumalik doon. Hindi dahil sa gutom, pagod at prustasyon." Tumingin si Cassandra sa mga mat ani Ramona. "kundi sa mga patayan na nangyari sa isolasyong isla na iyon."

Pansin niya ang pagtaas ng balahibo ng ginang sa huling sinabi niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Isolated IslandWhere stories live. Discover now