Chapter 3

418 11 0
                                    


Clint Del Valle

Clint Del Valle

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Zarniah's POV

Nang uwian na lumabas na agad ako ng room namin. Malapit nako sa gate ng makita ko yung likod ng pamilyar na lalaki.

Napangiti naman ako ng may maisip na kalokohan.

Lumapit ako sa kinaroroonan niya.

"Yes Dad. I'll be there in 30 minutes. Pauwi nako."

Nang malapit na talaga ako sa kanya binangga ko siya ng malakas.

Tumilapon naman yung phone niya.

"Ayy sorry. Hindi ko sinasadya. Nakaharang ka kasi sa daan eh." Naka ngiting sabi ko sa kanya.

Hindi niya ko sinagot at yumuko nalang siya para kunin niya yung phone niya.

Seriously? Ang weird niya talaga. Wala man lang ka emo emosyon yung mukha niya.

Nang makuha na niya yung phone niya tiningnan niya lang ako sa blangkong expression.

"Sorry ulit ha? Hindi ko yun sinasadya."

Tanga mo pag naniwala ka HAHAHA.

Bahagya namang tumaas yung sulok ng labi niya. Yawa ang gwapo tingnan nun. Wait? What? Gwapo? Mali! Ang panget pala tingnan!

Tumalikod na siya sakin at nag umpisa ng mag lakad.

Abat! Tinalikuran nanaman ako? Aishhh!

Nag lakad nalang din ako papunta sa kotse ko. Naalala ko pala na may lakad pa kami nina Mommy.

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot na yun pauwi.

Nang maka uwi nako nadatnan ko sina Mommy at Daddy sa Sofa na naka upo. Nakabihis na sila. Mukhang inaantay nila ako.

"Hi Mom. Hi Dad." Lumapit ako sa kanila at kiniss sila sa both cheeks.

"Ang aga naman ata Mom? Dad? Naka bihis na agad kayo?" Tanong ko sa kanila.

"6:00pm kasi yung time na napag usapan Niah." Sabi ni Daddy.

Kaya naman pala.

"Andun na sa taas yung damit mo. Nahanda kona. Mag bihis kana dun at pag ka tapos mo tawagin moko para maayusan kita."

Tumango naman ako kay Mommy at umakyat na ng kwarto ko.

Pag dating ko sa room ko nakita ko yung damit na susuotin ko na nakalapag sa kama ko. Para siyang cocktail na kulay red.

Nag half bath na muna ako at pag katapos nun ay nag bihis na. Tinawag ko naman si Mommy at umakyat siya dito sa room ko.

Inayusan naman agad ako ni Mommy. Nilagyan niya ako ng light make-up at yung curl ko na buhok pina straight niya. Pinalitan niya yung earrings ko at nilagyan ako ng necklace.

The New Hot Professor Is My Future HusbandWhere stories live. Discover now