Simula

4.9K 64 2
                                    

A/N: This is the second installation of Bloodline Series. This book contains major spoilers and revelations. It is advised to refrain reading this book if you haven't read the first installation of the said series (Revoking The Oath).

Trigger warning: Contains grammatical errors, traumas, and sexual contents.

You have been warned.

Simula

"You don't deserve to be loved, this clothes, this house, the food that you eat, you don't belong here." Right, Mom was right.

Mapait akong napangiti habang nirereview ang kaso na hawak ko ngayon. The mother wants custody of her daughter since the father committed a crime and the mother is scared for her daughter's life being.

Habang binabasa ko ang kaso ay hindi ko mapigilang alalahanin si Mommy. Hindi ko kasalanan ang nangyari sa kaniya, now that I'm old enough to understand, I know that my existence has nothing to do with me being a sinner, if that's what my mom wants me to be.

Wala akong kasalanan, hindi ko naman hininging mabuo. Alam ko 'yon, wala akong masamang nagawa. But then, I guess a part of me really destroyed Eleanor Sinclair, my biological mother.

She was raped and me being the fruit of evil. Kahit pa na sabihin nila Papa at Kuya na hindi ko kasalanan at kahit pa ngayon na malaki na ako, alam kong may parte pa rin sa akin ang mali.

Pinikit ko ang mga mata bago sumandal sa swivel chair ng opisina. Nilapag ko na rin ang binabasang kaso sa lamesa bago nagmuni muni sandali.

Remembering my mother's anger and hatred towards me still has a painful effect on my chest. Kapag naaalala ko ang mga sinasabi niya ay hindi ko mapigilang masaktan, I mean who would be? All I wanted was Mom to love me, pero kahit ng mamatay siya ay puno pa rin siya ng galit sa akin.

Though Papa is kind enough for me to take me as her real daughter, kahit pa na ako ang dahilan kung bakit nagkaganoon ang asawa niya ay itinuring pa rin ako nitong anak. The Sinclairs took care of me, feed me, clothed me, and welcome me.

My brother loves me, he treasures me. Ngunit kahit na ganon na lamang ang pagmamahal ng pamilyang yon sa akin ay hindi ko pa rin magawang makuntento. Don't get me wrong, I really really do appreciate them. Kaya lang ay pakiramdam ko ay may kulang pa, it's not enough for me, I need more.

"Attorney? Attorney?" Para bang nagising ako sa riyalidad ng marinig ang pagtawag.

"What is it?" Nakapikit pa rin ang matang tanong ko ng marinig ang assistant kong pumasok sa loob at tawagin ako.

"Atty. Gil, may tawag po kasi kayo," Rinig kong sabi ni Letecia.

"Tell the caller that I'm busy, may kaso pa akong rereviewhin." Sabi ko.

"Atty. Gil, si Engr. Sinclair po ang tumatawag."

Mabilis akong nagmulat ng mata at agarang napabangon sa pagkakaupo. Maging si Letecia ay nagulat sa naging reaksyon ko, inilapag ko ang palad sa harapan at agad naman niyang nilapag don ang telepono.

My brother is calling me, it must be important. Really important. Nahanap na kaya siya?

"Kuya, nahanap—"

"My office. Now." May diing sabi nito sa kabilang linya bago pinatay ang tawag. Napakunot naman ang noo ko bago ibinigay pabalik kay Letecia ang telepono.

He sounds mad. Hindi naman siguro sa akin?

Dali dali kong kinuha ang mga gamit bago lumabas ng building at sumakay sa nakaparadang sasakyan. Mabilis akong nagmaneho papunta ng opisina nito.

Nilingon ko ang cellphone habang nasa biyahe, wala namang text or tawag mula kay Kuya. Kaya naman nagtataka ako kung bakit niya ako gustong papuntahin sa opisina niya. Tsaka ko lamang naalala, marami pala siyang opisina. Saan ako pupunta ngayon?

I sighed before maneuvering my car to the nearest one. Tatlo kasi ang opisina niya dito sa siyudad kaya naman nagdalawang isip pa ako kung saan ako liliko. Nang makarating ako sa tapat ng malaking gusali ay agad akong bumaba ng sasakyan.

The workers greeted me as soon as they saw me, hindi na ako nag abala pang bumati at nagdire diretso na sa huling palapag kung saan ang opisina nito. When I got in front of the wooden door of his office, I didn't hesitate to open it up.

"Kuya, I'm here." Bungad ko sa kaniya. My brows furrowed at his state, magkasalubong ang dalawang kamay nito na nakapatong sa lamesa niya habang ang ulo nito ay nakadikit rin doon na para bang nagdadasal.

"Huy, Kuya." Tawag ko uli sa kaniya bago lumapit. Nang nasa tapat na ako ng lamesa nito a doon ko lamang napansin na may tinitignan pala siyang mga litrato sa ibabaw ng lamesa.

"Nahanap mo na ba si Audrey?" Tanong ko rito bago kumuha ng isang litrato. Nagkalat iyon sa lamesa niya at masasabi kong napakarami iyon.

Ngunit nagulat na lamang ako kung sino ang nasa loob ng litrato. Hindi ako nakagalaw at nanatili ang mga mata sa dalawang taong magkahawak kamay sa larawan.

Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig roon, hindi ko maalis ang tingin ko kahit pa ipilit ko ang sarili na huwag ng tignan pa iyon. Bumaba ang tingin ko sa lamesa niya at mas lalo pang nakadagdag iyon sa kaba ko.

Kuya stayed silent but I know what's inside of those silent treatment. His anger—rage. Gusto kong magsalita ngunit walang lumalabas sa bibig ko, just by watching my brother seated on his chair makes me tremble.

Alam kong pagod na pagod ito, at kahit pa siguro bolahin ko ay hindi iyon uubra. After all this time, this man right in front of me can go wild because of what happened years ago.

Sa mga nagdaang taon, marami na ang nagbago. But there's one thing that stayed beneath my brother's heart, his love for Arisha Santiago.

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto, ngunit hindi ko iyon nagawang lingunin dahil sa itsura ni Kuya sa harapan ko. Everyone knows who is he, Engr. Kyros Sinclair. Everyone knows how this man could turn your whole career into ashes.

Hindi ako natatakot para sa akin, he can't hurt me. He will not hurt me, he treasures me the most. Siya na ang nagsabi na hindi niya ako makakayang saktan, kahit pa noon, kahit na isa ako sa dahilan kung bakit nasira ang pamilya nila, isinigurado niya sa akin na hindi niya ako pagbubuhatan ng kamay.

"You fucked my sister."

Halos marinig ko ang dagundong ng puso ko sa inihayag nito. Nanlamig ang buong katawan ko ng makitang nakaahon na pala ang ulo nito ngunit hindi nakaharap sa akin kundi sa taong nasa likuran ko. Puno ng galit at hindi inaasahan ang boses ni Kuya na mas lalong nakaragdag ng kaba ko.

His jaw tightens so as his eyes burned in fury. My brother's voice screams dominance that lingers in his entire office, my heart skips a beat when I heard the familiar voice of a man spoke from my back.

Earl gave him a low chuckle, "The best part of my life,"

Atty. Earl Iverson Romualdez, my brother's bestfriend.

REST MY SOUL | Bloodline Series #2 By Arynvel ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora