Kabanata 8

902 17 4
                                    

Hatid

It's been a week since our classes at Lyceum-Northwestern University started. Freshmen week ang nauna kaya karamihan sa mga department ay walang klase, ang iba naman ay nag start agad gaya sa allied health.

"She's pretty, and kind. I'm just worried that others may harm her because of her family status," Masayang pagkwekwento ko kay kuya ngunit napawi rin naman at napalitan ng lungkot ng maalala kung papaano makatingin ang iba sa kaniya.

Simula ng magsimula ang klase ay hindi ko inaasahang magkakaroon ako ng kaibigan. I don't have any friends back in high school because they think I'm weird for some reason, of course not, hindi ako weird.

"Who are we talking?"

Napahalukipkip ako sa tanong ni kuya habang pinapanood itong magdilig ng halaman gamit ang hose, my brother is topless revealing his tanned and well-toned body. He's wearing a jeans and no slippers.

Basa na rin ang katawan nito dahil inayos pa nito ang hose dahil nasira iyon bago siya magdilig ng mga halaman namin sa bakuran. Nakaupo ako ngayon sa hagdanan ng mansiyon sa labas habang napapairap na pinapanood siya.

"My friend, kuya! I told you already, her name is Audrina Arisha Veronica Santiago!"

Nakita ko ang pagngiwi nito ng banggitin ko ang buong pangalan ni Audrey. Nilingon ako nito bago sumagot.

"Ang haba naman ng pangalan niya," Komento nito. Nagkibit balikat naman ako bago nagpatuloy sa pagkwekwento.

"Hindi ba't may trabaho ka kila Gov? baka makita mo siya," Dagdag na sabi ko pa sa kaniya. This time, he shrugged. Napabuntong hininga naman ako bago siya pinagmasdan.

Nitong mga nakaraang linggo rin ay nagkaaksidente sa trabaho ni kuya dahilan para masugatan siya. Hindi naman ganon kalalim ang sugat na natamo niya, pero inabisuhan pa rin kami ng doktor na huwag muna siyang maggagagalaw.

Nuong isang araw naman ay pinilit nitong magtrabaho kaya naman nagalit si papa at wala ng nagawa si kuya kundi ang makinig. Nagkaroon tuloy siya ng maliit na sugat sa noo, kahit na ganon ay gwapo pa rin naman.

Kaya naman eto siya ngayon at nasa bahay, kung hindi nagiging hardinero ay nag aayos naman siya ng kung ano ano sa loob ng bahay. Mamaya ay aalis na rin ako at bababa na, maaga ang klase ko bukas.

Maayos naman na si kuya, kaya nga lang ay pinagbabawalan na siya ni papa na makisama sa ibang mga trabahador na may mga delikadong trabaho. But knowing my brother, he's as stubborn as me. Mana mana lang.

Hindi ko pa rin nasasabi sa kaniya ang pagtatrabaho ko sa Starbucks, humahanap pa ako ng magandang tiyempo at sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang panahon.

"Baby girl!" Napairap ako ng makita ang humangos na si Mavi na kakapasok lamang ng gate namin, kunwari pa ay maluha luha itong dumalo sa akin at niyakap ako.

"Miss na kita, miss mo rin ba ako?"

I rolled my eyes once again after hearing his stupid voice. Hindi ko kasi pinapansin ang mga ito sa eskwelahan, iyon rin kasi ang napagkasunduan namin ni kuya at alam kong nasabi niya na rin ito sa dalawa.

Sadyang OA lang si Mavi

Gaya noon ay takot pa rin si papa at kuya na masangkot ako sa kung ano anong usapan dahil sa pamilya namin, mas mabuti nga iyong hindi ako kilala ng ibang tao. Mas kokonti ang nakakaalam, mas madaling itago.

Even my only friend, Audrey, didn't know. Hindi ko siya sinabihan, hindi sa wala akong tiwala ngunit iyon na kasi ang napagkasunduan namin ni kuya at papa. Nalaman ko rin kasing siya pala ang nag-iisang anak ni Governor Santiago, mahirap nang masangkot pa uli sa politiko.

REST MY SOUL | Bloodline Series #2 By Arynvel ✓Where stories live. Discover now