Chapter 6

4.4K 141 14
                                    



Isang linggo na pamula ng tumira sila Dennise at Avery sa bahay ni Alyssa

Sa loob ng isang linggo na yun ay madaling nakapag adjust si Avery sa bago nilang bahay at buhay. Lagi niya pa ring naaalala ang kanilang mama pero hindi gaya ng dati na iiyak siya pag sumagi ito sa isip niya, madalas marinig dito ni Dennise na..

'Masaya na si mama sa heaven kaya dapat happy na din tayo Ate Den'

Hindi alam ni Den kung paano agad naka cope up ang kapatid niya, dahil na rin siguro sa bago niyang environment

Hindi niya na rin nakikita na nag uusap ang kapatid niya at si Alyssa pero parang wala lang naman kay Avery ito. Okay naman siya ng ganun para na rin hindi masyadong mapalapit ang kapatid niya kay Alyssa, takot pa rin siya na baka may gawing masama ito sa nag iisa niyang kapatid.

Para naman kay Dennise ang isang linggo na yun ay parang parusa.

Doon na nga siya natutulog sa kwarto ni Alyssa, pero tatabihan niya muna si Avery hanggang sa makatulog ito bago siya umalis at umakyat sa kwarto ng kanyang Master.

Noong pangalawang gabi niyang matulog sa kwarto ni Alyssa ay sinaktan siya uli nito, nakatikim siya ng isang malutong na sampal dahil nahuli siya sa pag akyat dahil nga pinatulog niya pa si Avery.. Kaya simula noon ay mas maaga niya ng pinatutulog si Ave para maka akyat siya sa tamang oras sa kwarto nito


Sa parehong gabi rin ay muling sinira ni Alyssa ang kanyang maid's uniform dahil tumanggi siyang matulog na ang tanging suot ay ang under garments niya, di natuwa si Alyssa kaya naman winarak niya ang damit, pinilit pahigain at patulugin

Wala na lang magawa si Dennise pagkatapos nun kung hindi tahimik na tumangis. Di niya magawang umiyak ng malakas dahil baka saktan nanaman siya ni Alyssa

...........................

Alas kwatro ng hapon ng dumating si Dennise galing sa eskwelahan niya, pag pasok niya pa lang ng gate ay nakita niya na agad ang hardinerong si Diego na may inaayos sa garden ni Alyssa

Magaan talaga ang pakiramdam niya kay Diego marahil kasi ay kasing kaedaran niya ito, kaya pag kababa pa lang niya ng bag niya sa loob ng bahay dumiretso na agad siya sa kinaroroonan nito

"Alam mo bang nakakabaliw ang pagsasalita ng mag isa?"

magiliw na tanong ni Dennise kay Diego na iniisprayan ng kung ano yung halaman habang nagsasalita na tila ba may kausap

"O Dennnise ikaw pala yan! At hindi  ako nagsasalita mag isa ano.." nakangiting sagot ni Diego kay Dennise

"So ano pala ang ginagawa mo, aber?" medyo nakataas ang kilay na tanong ni Den pero bakas sa boses nito ang pagbibiro

"Kinakausap yung mga flowers..." sagot ni Diego na naka tuon ulit ang atensyon sa bulaklak

"Huh? Ang weird mo naman pala kinakausap mo yung mga halaman.." clueless na sagot ni Den na nakakunot pa ang noo

"Ops! Ops! Wag mo ikunot yang noo mo hindi bagay sayo, kaya ko ginawa yun dahil mas nagbbloom ang halaman kapag kinakausap mo ito habang inaalagaan mo siya..." paliwanag naman ni Diego sa kaninang nakakunot na si Den

"Ah ganun pala yun! Di ko alam.." masiglang wika ni Den dahil sa nalaman niya

"Kaya lagi na kitang kakausapin para naman gumanda ka hahahahahaha" -grabe

"Hala! Grabe ka naman parang sinabi mo namang panget ako..." may pahampas hampas pa si Dennise kay Diego

"Sabihin mong maganda ako! sabihin mo! hahahaha" kinurot kurot pa ni Den si Diego sa tagiliran habang ang binata ay iwas ng iwas naman kay Den

Slave For YouWhere stories live. Discover now