08.

20 3 0
                                    

Karina Ace Wu

"Hello, bebe ko," Gab greeted and encircled her arms around my waist.

Napangiwi naman ako sa pandidiri. "Heh! Tabi nga! Init init, yayakap. Anong kailangan mo?" I removed her arms from my waist. Naglalambing lang naman 'to kapag may kasalanan o may kailangan.

"Samahan mo ako, par."

Sabi na may kailangan 'to, e.

"Sa'n na naman?" tanong ko habang inaayos ang mga gamit ko. Uwian na kasi at hinihintay ko lang makalabas ang lahat ng classmates ko bago ako lumabas nang tuluyan.

"Si Klea nag-aaya kumain sa labas. Ayo'ko naman tanggihan pero kinakabahan ako samahan siya 'pag kaming dalawa lang," sabi niya, natatawa pa nga sa sarili niya. "Sumama ka na, i-guide mo ako. Kapag nag-fuck up ako rito, ikaw sisisihin ko."

I can't help but laugh out loud. "I-guide? Ano ka bata? Ang laki laki mo na, hindi ka pa marunong lumandi mag-isa. Isa pa, why are you worrying so much? You're so good at jokingly flirting with me tapos kapag totoong crush mo na, hindi ka na makagalaw."

"Uy, anong crush crush?" Sumingit naman si Jared. Kakabalik lang nito galing sa restroom.

"Samahan mo raw siya lumandi sa crush niya. Kailangan niya ng third wheel," natatawang sagot ko kay Jared.

Sa hindi malamang dahilan ay biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. Mula sa kaninang nakangiti at mukhang interesadong makinig, naging tila malungkot ito at walang gana.

"Crush mo? Sino?" he asked.

"Si Klea, 'yong muse sa ABM 3-A," mabilis na sagot ni Gab. "Na-k'wento ko na 'yon, 'di ba?"

Jared nodded. "Akala ko hindi ka papatulan no'n. Masama kasi ugali mo." Biro nito saka pilit na tumawa.

"Kapal ng pagmumukha," Gab said and rolled her eyes. "Ano na? Sino sasama sa 'kin? Please, kahit ngayon lang para hindi naman ako masyadong awkward sa harap ni Klea," sabi nitong muli.

"Pass ako r'yan," tanggi ni Jared. "Habulin ko muna activities ko, matatambakan ako, e."

"Wow, masipag ka na ngayon?" Panunukso ko. Pabiro ko ring hinipo ang noo at leeg niya. "May sakit ka ba?"

Hinampas naman nito ang kamay ko kaya lalo akong natawa. Pikon, e. "People change," mayabang na sabi nito. "Una na 'ko. Babye!" He took his bag and waved.

"Laro maya, ah," pahabol na sabi ni Gab bago pa siya tuluyang makalayo.

Hindi na sumagot si Jared, hindi namin sigurado kung sadya bang hindi niya sinagot si Gab o hindi niya lang talaga narinig. Ni hindi na nga nakipag-fist bump sa amin. Minsan yumayakap pa 'yon bago umuwi pero ngayon nauna na siyang umalis at hindi man lang kami nilingon noong tumalikod na siya.

"Napano 'yon?" Gab asked. Maging siya ay hindi rin sanay sa ganoong asal ni Red. Parang iwas na iwas na ewan.

I shrugged my shoulders. "Ewan ko. Tara na nga. Libre mo ako, ah!" I said, making a deal. Biro lang iyon pero kapag pumayag siya, e 'di mabuti.

Ayos lang naman siguro sumama. Si Klea naman 'yon, e. Fun naman siya kausap, medyo close na rin kami dahil friendly siya. I'm actually the one who initiated the conversation with her. Tinanong ko kasi siya about the cookies last time. Kinumusta ko lang dahil baka hindi na masarap ang cookies ko o kaya nama'y hindi nila nagustuhan. It's been a year na rin kasi since I last baked cookies.

I baked cookies that day dahil death anniversary ni Daddy. It has been my tradition to bring cookies kapag dadalaw ako sa kaniya. I eat them while telling him stories. Kinukuwento ko ang nangyayari sa buhay ko habang kumakain ng cookies para hindi ako masyadong ma-bored dahil parang kausap ko lang ang sarili ko.

Uncertain SomethingWhere stories live. Discover now