Chapter Twenty-Four (Part 1)

62.5K 1.2K 2
                                    

Author's Note:

Dahil may utang ako sa inyo, I will have a double update today. Enjoy the chapters!

~~

"Hello, Ate!" Masayang bati sa akin ng mga kapatid ko na naguunahang kausapin ako..

Napangiti agad ako ng malaki. Miss na miss ko na ang mga kapatid ko.

"Frederick, Fatima! Napatawag kayo? Okay lang ba kayong dalawa diyan, eh sila Mama?" Agad an tanong ko sa kanila.

"Ano ka ba, Fatima pangalan kong unang sinabi ni Ate Freia eh, mamaya ka na." Saway niya sa bunso namin na agad namang umangal. "Eh, Kuya naman eh. Ako rin!" Malungkot sa sabat niya sa background na agad nagpatawa sa akin.

"Ate, alam mo ba? Top 1 ako sa klase ko! Tsaka okay lang po kami dito." Pagmamalaki ni Frederick na agad na nagpapintig ng puso ko. Nag-aaral talaga ng mabuti ang mga kapatid ko.

"Ako naman Ate Best in Math ako! Kaso Top 3 lang po ako sa klase Ate eh. Sa susunod na lang ako magiging Top 1. Miss ka na namin Ate, uwi ka na dito." Sabi ni Fatima. Napangiti naman ako bago sumagot, "Ayos lang ang Top 3 basta't nag-aaral kayong mabuti kahit wala kayong pwesto sa klase okay na sa akin."

"Hindi nga pwede umuwi si Ate busy pa raw siya sabi ni Mama." Sambit naman ni Frederick.

May kung anong kumurot sa puso ko. Pagkarinig ko pa lang sa mga boses ng mga kapatid ko, gusto ko ng umuwi papuntang Laguna. Sa dami ng iniisip ko, ang tagal ko ng hindi nakabalik sa amin. Mahal na mahal ko ang mga kapatid ko. Lahat ng ginagawa kong sakrpisyo para sa kanilang dalawa. Gusto kong makatapos sila, makuha ang gsuto nila ng hindi naranasan ang sobrang hirap na pinagdaanan ko noon. Kagaya ni Travis, sobrang lapit ko sa mga kapatid ko. Alam kong willing akong gawin ang mga bagay para lang sa ikabubuti nilang dalawa.

"Malapit na akong umuwi dyan sa atin, Frederick...Fatima. Kaya kayo, alagaan niyo muna si Mama at Papa, ha?" Sagot ko sa kanilang dalawa.

"Dalhin mo na din yung boypren mo raw sabi ni Mama. Dapat makita muna namin 'yan, Ate!" Maangas na sabi ni Frederick na agad namang nagpatawa sa akin.

"Siyempre naman. Dapat maging kasundo muna niya kayo. Magdadala rin ng pasalubong 'yon para sa inyo."

Nagtagal pa ang pag-uusapnamin ng ilang minuto bago ko sinabihang masyado ng gabi para magtagal silang gising. Sinabihan ko na sila na matulog na dahil hindi sila pwedeng magpuyat. Gustong-gusto ko na silang kwentuhan bago sila matulog. Lagi ko kasing ginagawa 'yon simula mga sanggol pa lang sila para masanay silang nagbabasa. Hilig ko rin kasing magbasa lalo na kapag wala akong ginagawa.

Kailangan ko ng humanap ng araw para makauwi sa probinsya. Hindi naman siguro problema kay Travis 'yon dahil saglit lang naman.

Isang katok sa pintuan ng guest room kung saan ako nagsestay ang kumuha ng atensyon ko.

Si Trisha.

"Pwede ka bang maistorbo, Ate?" Mahinang tanong niya sa akin.

Tumango naman ako at sinenyasang umupo siya sa kama sa tabi ko. Dalagang-dalaga na siya. Mula sa pinakitang litrato ni Travis sa akin sa wallter niya, marami nang nagbago sa kanya. Maputi na siya kagaya ni Travis, halatang ayaw maarawan. Kulay brown dina ng mga mata niya katulad ng buhok niya na halatang pinaayos.

"Anong gusto mong pag-usapan?" Tanong ko sa kanya.

"Ate, alam kong marami nang nasabi sayo si Kuya. Alam kong marami na siyang nakuwento na napagdaanan niya sayo at lahat 'yon totoo. Sa umpisa, maraming ugali at salita si Kuya na magtutulak sayo palayo sa kanya pero masaya ako kasi nakahanap na siya ng taong tinanggap siya ng buo. Ikaw pa lang ang dinala niya dito na nakasabay namin sa pagkain ng dinner. Never naming ginawa 'yon nung kasama pa niya sa Christine. Hidni kasi ako sumasabay sa mga hapunan kapag nandito siya."

Ngumiti siya sa akin.

"Noong kinukwento ka niya sa akin, kahit kunwari hindi ako nakikinig sa kanya nakita at narinig ko ang saya sa boses at mata ni Kuya. Minsan ko lang marinig 'yon, Ate alam mo ba? Naging masungit at matapang na si Kuya pagkatapos siyang makipagsagutan sa Daddy namin noong gabing 'yon. Nasaktan kasi ng sobra si Kuya noon kaya siya naging ganoon sa ibang tao. Cold-hearted and distant. Walang ngang makatagal sa ugali niya Ate eh, kahit ako. Naisipan niyang tumira sa sarili niyang condo unit dahil hindi na rin ganoon kalapit ang loob niya with our parents."

Seryoso siyang habang tinitingnan ang naging reaksyon ko sa mga sinabi niya.

"Ate, whatever happens from this day forward I really hope that you'll be there for my brother. You are the reason for his smiles again. Ikaw ang dahilan kung bakit mas naging maganda na ang pakikitungo niya sa mga employees namin sa business." Pagtatapos niya.

Hindi ko alam na ganon pala ang tingin nilang nagawa ko para kay Travis. Naniniwala ako na mabuting tao ang isang Travis Reyes. Hindi nga lang puro magandang katangian ang meron sa isang tao. May mga masasamang ugali si Travis na nagiging mitsa ng away naming dalawa, pero hindi ko susukuan ang mga simpleng bagay na 'yon. Alam kong may mga tinatagong kwento at emosyon si Travis na kahit sa akin ay hindi niya sinasabi. Ayos lagn naman sa akin dahil may mga bagay na alam kong hindi dapat sabihin kahit kanino kahit gaano pa kayo kalapit sa isa't isa.

Pagpasok ko sa Reyes Furnitures Corporation, isang demonyo ang tingin ko kay Travis. Walang bahid ng kahit anong kabutihan sa katawan niya. May mga araw na kulang na lang bigyan siya ng tinidor ay lagyan ng sungay at buntot hindi mo na maiisip na tao siya. Mas madalas siyang sumimangot kaysa sa ngumiti na akala mo pasan niya ang buong mundo.

"Pero alam mo Trisha? Hindi ako nagsisi na nakilala ko ang Kuya mo. He might be hard to handle at times, pero mabuting tao siya behind those claws." Sagot ko sa kanya habang natatawa.

"You saw his fangs already? Sabi ko na nga ba demonyo talaga siya eh." Sabi pa niya habang umiiling-iling.

I'm starting to love his sister. Hindi naman pala siya mahirap kausapin.

Mr. Devil Is My Boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now