Chapter 2

3.4K 126 0
                                    

Nathalie Aya Pov

Nandito kami sa SSG office dahil pag uusapan namin kung ano ang magiging takbo ng aming entrance at kung ano anong activities ang eligable na laruan ng mga bata.

Wala ang President dahil kinausap niya ang Principal kung okay ba sa kaniya ang naplanuhan namin na activities.

"Now, we have some sports that is Basketball, Volleyball, badminton, takraw, Chess, and running. Sinong mag volunteer na maghahanap ng players sa bawat sports?" Tanong ko sa kanila while I'm taking the lead sa ganitong bagay since I'm the Vice naman.

"Ako nalang Aya sa Takraw, marami akong kilala na Grade 10 na marunong mag Takraw." Sagot naman nito kaya tumango ako, we already talked na you lose you eliminated kase maraming students dito sa school namin at hindi namin kayang mahandle lahat.

"Sino naman sa basketball?"

Walang sumagot sa kanila,alam ko na halos lalaki talaga ang sasali kaya baka walang basket ball girl's.

"Ikaw nalang jasper, kayong dalawa ni Jeffrey." Sabi ko, alam ko din na sobrang lazy ng dalawang toh pero hindi naman pwede na hindi sila tumulang. Tumakbo silang SSG kaya gampanin nila yan.

Ina-sign ko na sa iba ang iba pang sports kaya wala na kaming problema kung sino ang magbabantay sa maglalaro.

Ang pag uusapan nalang namin ay Miss Entrance for year, naisip yun ng President kase alam niya na marami ding sasali na babae. Na release na namin yun na activities at marami kaming natanggap na name's about sa sasali.

Every grade from Grade seven to 12 ay may isang contestant na siyang magdadala sa kanilang grade o pambato.

Hindi sa patalinuhan ang magiging basihan kundi sa mga manunuod.

"Aya, ikaw nalang kaya ang contestant natin for the upcoming pageant." Suggest ng kasamahan ko, actually gusto ko talagang sumali. Nalimutan kong tanungin si Tita kung sang ayon ba siya sa gusto ko pero natatakot kase ako.

"Baka kase hindi papayag si Tita." Malungkot kung sabi kase knowing Tita that she is really protective towards to the person she loves.

At isa na ako doon.

"Sos, sa gandang mong yan hindi mo gagamitin. Talagang panalo kana kapag sumali ka kaya pilitin mo ang tita mo. Mabait yan eh." Sabi naman ni Nathan pero nagdadalawang isip parin ako, e text ko nalang kaya? Free time siguro niya ngayon since it's lunch time na.

"Tanongin ko muna siya." Sabi ko sa kanila at tumango naman ang mga ito.

"Alis muna kami, kakain lang sa canteen." Paalam nito at kinuha na ang kaniyang gamit at tumayo.

"Sige, susunod nalang ako." Sagot ko.

Umalis na sila habang naiwan naman akong mag isa, kinuha ko ang phone ko at umupo para e text si tita kung papayag ba siya pero feeling ko na hindi talaga.

Text....

Aya
Tita, free kaba?

Tita Laura
Yes, why?

Kahit nag te-text lang kami, parang rinig ko ang boses niya na sinabi saakin yung salitang yun.

I know how much napaka over-protective niya saakin dahilan kung bakit yung ibang gusto kong gawin ay hindi ko na magawa. Kapag si Mommy naman, wala sitang pakialam at di rin naman yun susuporta saakin.


Aya

May ipapaalam sana ako tita.

Tita Laura
What is it then?

Aya

Kukunin kase akong pambato for
Contest sa aming entrance. Pwede
poba akong sumali?

Napakagat ako sa daliri ko, kinakabahan at pinagpapawisan.

Tatanggi yan, I'm sure!

Tita Laura
No, no you won't.

Tita Laura
See?

Aya

Bakit po?


Tita Laura
Can we talk about it if when we
at home? I'm busy checking some
papers.

Aya

Okay po tita.

Hindi na siya nag reply kaya nanghinayang sana ako, tama ako na hindi talaga papayag si Tita kase ayaw niyang iparada sa harap ng maraming tao ang katawan ko baka raw mabastos ako which is true naman.

Siya yung topong formality is the real beauty, and not to display your inner body structure.

Talagang over protective si Tita pero naiintindihan ko naman ang side niya, hayyys. Sa iba ko nalang ibibigay ang chance.

Dahil wala narin naman akong gagawin at nawalan narin ako ng gana, umalis nalang ako sa SSG office at sumunod sa Canteen. Ganito pala ang feeling na ni reject ka kung anong gusto mo noh?

Hindi ko naman sinisisi si Tita kase alam ko naman mula sa umpisa eh wala na talaga akong pag asa kaya tanggap-tanggap nalang.

Nan
g makarating na ako sa Canteen ay naabutan ko ang mga kaibigan ko na kasama na naman nila si Knight, ang dakila kong manliligaw.

"Hi Aya!" Bati nito saakin, ngumiti lang ako tyaka tumabi kay Olivia. Ilang besis kona siyang sinabihan na wala akong time sa love na yan tyaka hindi ko siya type noh, kahit siya ang Campus heart Rob ay never akong magkakagusto sa kaniya.

Alam ko kaya ang mga sekrito niya na palihim silang nagkikita ni Ma'am Joseline kase ginagamit niya si Ma'am para makakuha ng malaking grade's kaya kahit hindi siya nag-aaral ng mabuti ay nakakakuha siya ng 93 sa subject ni Ma'am.

May pangiti ngiti pa siya habang nakikipag usap sa mga kaibigan, duh eh kahit kapatid pa niya lahat ng kaibigan ko ay wala akong pakialam noh. Isumbong ko kaya siya kay Tita.

"Sabi nila ikaw raw ang pambato ng grade natin, I'm sure panalo na tayo."

Hayys, napaka chismoso ng mokong nato.

Alam naman pala niya eh dapat iba ang kaniyang topic kase sobrang boring niyang kasama.

"Sure ka diyan, hindi na ako sasali kase hindi pumayag si Tita." Inis na sabi ko at inirapan siya.

Ewan ko ba, naiinis talaga ko kapag nakikita ko siya kase parang nakita ko ang hell sa mukha niya.

Dati nga akala ko ilaw ang pinaka bright, pero nong nakita ko siya. Nalaman ko na noo pala kase kapag tinatamaan siya ng araw, nagrereflect ang ilaw sa noo niya at talagang nakakasilaw.

Mula sa maingay na usapan nila ay napatahimik sila pagkatapos ko iyong sabihin.

"What? Bakit naman hindi? Sa mama mo nalang kaya ka magpapaalam?" Sabi ni Bakla na kambal ni Olivia, wala din naman akong makukuhang support mula kay Mama. Okay din naman kay Kuya kase supportive siya saakin.

"As if naman sasaya ako."

"Bakit?"

"Wag nalang natin yang pag usapan, kumain nalang tayo." Sabi ko at nanahimik naman sila, siguro next time hindi nalang talaga ako papayag kapag yayayain nila ko sa ganiyang bagay baka umasa na naman ako.

Gusto ko talaga na sumali sa ganiyang mga kasiyahan, rampa at singing Contest pero hindi kase gusto ni Tita kaya wala akong magawa. I know naman na kabutihan ko lang ng hangad niya kaya siya ganon umasta.

Bakit ba kase ayaw pa niyang mag-asawa!

Tita Laura's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon