Chapter 30

2.1K 56 3
                                    

Nathalie Aya Pov

Today is our blocking dahil bukas na ang performance ng buong school, kailangan daw na perfect at walang mawawala sa step lalo na kung saan ang pwesto, pagpasok at paglabas.

Marami din kase ang tao that time at tyaka 5pm gaganapin. Kami na ngayon ang nag practice dito sa stage kung pano kami papasok para hindi maligaw sa final.

Pagkatapos ang insidenting iyon ay palagi na kaming inaasar ng mga classmates namin na meron na nga talagang something saaming dalawa ni Knight, sina Oliver at Olivia naman ay panay tanggol saakin na wala talagang kami which is true naman.

Dumidistansya narin saakin si Knight pero hindi naman yung hindi talaga ako papansinin, what I mean yung palagi siyang magtatanong kung komportable lang ba ako sa posisyon namin. Hindi na siya dumidikit saakin lalo na at inaasar kami ng barkada niya.

Buti nalang ay unti-unti ng nagbago ang dating Knight, natatakot kase siya na mangyari ulit yung binugbog siya ng mga lalaking pinagkautangan niya. He said na karma narin niya iyon kaya hindi na niya uulitin, baka hindi na siya bibigyan ng second chance na mabuhay.

Pagkatapos ng practice ay binigyan kami ni Ma'am ng 2hr rest dahil may meeting ang faculty for the variety na gagawin tomorrow.

Shit. Sinabi rin ni Ma'am na may mga tao din na pupunta galing sa ibang school, may guest din silang inimbitahan na siyang nag donate na pera para may pang decorate sa school.

As in, sobrang ganda talaga ng decorations na nilagay since sobrang laki ng pera ang binigay ng tao na yun kaya pinapunta siya dito at sure naman na darating siya.

"Aya, nakita mo ba si Oliver?" Tanong ni Tanya sakin.

"Wala, bakit?" Sagot ko naman dito.

Huh? At bakit naman niya hinahanap ang kaibigan ko. Almost 30 minutes na ang rest pero simula nong matapos ang practice hindi ko pa siya nakikita.

Saan na naman kaya nanlandi yung kaibigan ko, isusumbong ko talaga siya kay Kuya kapag makita ko siya na may kasamang iba.

"Wala lang, may naghahanap kase sa kaniya sa labas."

See? Diba may singko sa utak.

Sabi wala lang pero may naghahanap sa labas.

"Saan siya?"

"Nasa labas ng room, pogi kase eh!" Patiling sagot naman nito.

Pogi? Baka si Kuya, siya kase ang unang sumagi sa isip ko eh.

Since wala ang bakla ay ako nalang ang lumabas, nakita ko si Kuya na panay linga-linga sa paligid. Siguro hihanap ang boyfriend niyang tuma-target na naman kung sino ang makalandian.

I'm sure kasama na naman niya ang tupakin niyang kapatid na si Olivia, mga malandi yung magkapatid na yun eh.

"Kuya," tawag ko sa kaniya at nilapitan siya. Kaagad naman itong lumingon saakin.

"Where's Oliver?"

"Ewan ko, baka naghahanap na naman ng lalaki kasama si Olivia." Kahit hindi ako sure ay yun ang sinagot ko since yun naman talaga ang ginagawa ng dalawa kapag wala ang mga ito.

Dahil kung nandito sila, panay chika yun saakin sa mga nasagap nilang chismiss na narinig lang sa tabi-tabi.

"Ahhh," tipid na sagot naman nito.

Ano bang nangyari sa kanilang dalawa? Nag away ba sila?

Hindi naman kase pupunta si Kuya dito kung wala siyang importanting pakay.

"Bakit mo ba kase siya hinahanap kuya?"

"It's our 10th months anniversary, Aya."

Napa 'ohh' ang bibig ko, aww sana all ganon na sila katagal.

Tita Laura's Secret [STILL UNDER REVISION]Where stories live. Discover now