Chapter 36

2.4K 77 1
                                    

Nathalie Aya Pov

"Ang tagal naman nila. San ba tayo pupunta." Reklamo ni Oliver.

"Hayys, ewan koba bakla. Kanina pa ako nakabihis, sabi 6pm sharp tas 6:01 na," Si Olivia.

"Ewan ko nga rin eh, wala nga akong knows about dito." At ako naman.

Kanina pa kami naghihintay dito sa tabi ng kalsada, sa harap ng bahay ng kambal dahil may lakad raw kami sabi ni Kuya Vince. Kasama raw ang kambal kaya sila lang dalawa ang nakabihis while ako ay pang school padin ang suot. Buti nalang hindi ako nag uniform.

Mas malapit kase ang bahay ng kambal sa school kaya dito nalang kami nag hintay. Were going somewhere pero hindi namin alam kung saan man yun, buti nalang talaga na pinayagan ang dalawa basta si Kuya ang mag bayad. Buraot kase ang parents nila.

I took my phone para tawagan si kuya kung paparating na ba siya but when we saw a Van na dahan dahang huminto sa harapan namin ay nakaramdam ako ng kaba.

When someone open it, muntik na akong mapatalon ng sumigaw ito.

"BIOT!!" It was kuya na biglang sumigaw sabay talon mula sa Van.

Baliw talaga ang lalaking ito.

Kung may sakit lang ako sa puso, baka kanina pa ako inataki.

"HAHAHA, grabe reaction ng kapatid ko ah. Parang hindi naman sanay."

"Sino ba naman ang hindi magugulat don, kuya!"

"Sorry na, baka magalit sakin si Tita Laura niyan."

"Nandito si Tita?" Gulat na tanong ko. I took a glimpse at the Van pero hindi ko naman siya nakita.

"Oo, kasama siya pero sa sasakyan niya siya sumakay. Kasama ko rin ang kapatid niyang si Ma'am Lorrie." Sagot nito.

Ahhh, so hindi pala dito sumakay si Tita. Tinignan ko ang likod ng Van and there I saw Tita's Car. Sa kaniya pala talaga ang sasakyan na ginagamit niya. I thought hiniram lang niya since she said it.

Siguro dahil hindi sumakay si Tita sa Van eh ayaw niya don, baka mabaho or ang kalat ng loob. She's a type of a person na dapat malinis ang paligid.

"Nandiyan si Ma'am Lor?" Tanong ni Olivia.

"Oo teh, nandiyan bebe luvs mo kaya puntahan mo na." Oliver said at tinulak siya.

Dali dali namang pumasok si Olivia. Sa front seat siya umupo since si Ma'am ang nag drive. Talagang sila na pala, ako nalang ang wala. Natatakot kase ako. Sabi niya, gusto akong makita ng totoo kong Ama pero gusto ko naman na manatili kay Mommy pero takot ako naman sa kaniya.

What if malaman niya ang tungkol saamin ni Tita?

Mas lalo siyang magagalit sakin, pero I know naman na wala siyang pakialam saakin eh.

"Oh, ano pang hinihintay mo diyan?" Malditang turan ni Oliver habang naka cross arm ito.

He's referring to my Kuya.

"Oh, I almost forgot. Sorry Babe," Kuya said at hinawakan ang kaniyang kamay.

Yakks, hindi naman bagay sa kaniya na magpa-bebe siya kay Kuya.

Hindi siya nagpahawak, pumasok lang siya mag isa sa Van tas natawa lang ng mahina si Kuya sa kaniyang inasta.

Ang OA talaga.

"Hayys, ang cute talaga."

Muntik na akong masuka when he said na ang cute ng bakla.

Cute naba yun sa kaniya?

Tita Laura's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon