Chapter 50

1.8K 48 2
                                    

Nathalie Aya Pov

Nang makarating na kami sa kinaruruonan ng tatlo, nagpaalam na si Daddy na aalis siya. May kailangan pa siyang gagawin kaya iiwan muna niya kami and after he left, nagsimula na kaming apat na maglibot sa university na aming pag-aaralang tatlo.

Nag-uusap sina Ma'am Lorrie at Olivia tungkol sa kursong kukunin ni Olivia, ito namang si Ma'am Lorrie ay tinatanong siya kung bakit yun ang kaniyang naisip na kunin.

"Basta, yun lang. Ba't mo naman tinatanong?"

Sa tuno ng kaniyang pananalita, parang pinaglalaban niya ang kaniyang sarili.

Gusto kase ng gaga eh nursing ang kaniyang kunin based narin sa strand na kinuha namin, pero ani naman ni Ma'am Lorrie na napaka tamad niya para kunin ang kursong iyon.

"I'm telling you, Olivia. Choosing a course is not like choosing what you just wanted, its what you needed. Sa oras na pinili mo yan, wala ng bawian."

Nakatalikod lang si Olivia sa kaniya habang bini-busy ang kaniyang sarili na uminom ng milktea na kaniyang hawak.

Kita sa mukha ni Ma'am Lorrie ang inis, nakakunot ang noo, yung titig ng kaniyang mata sa kaibigan ko, at ang pagka-cross ng kaniyang kamay. Talagang magkapatid sila ng katabi ko.

Lumapit ako sa isa na ngayon ay walang balak na lapitan ako, talagang hinihintay na ako ang maunang lumapit sa kaniya.

"Ang init noh?" Ani ko sa katabi ko. Tumango lang naman siya habang nakatingin sa kawalan.

Tangik. Kung sino man ang nagpawala sa mood ng isang to, mga walang hiya kayo, di tuloy ako pinapansin. Sa ganda kong to! Hindi niya titingnan.

Hinawakan ko ang kaniyang damit sa may bewang banda at marahan itong hinila, eager for her attention but stil... Hindi siya nagsalita.

Tumingin ako sa dalawa pang kasamahan ko, signing them kung ano ba ang nangyari sa babaeng katabi ko.

"Binilhan kita ng milktea tas sabi niya na bawal sa'yo, ayan... Sinabihan nang ate na kahit ngayon lang painomim, yan an, nagtampo na si Antie." Natawa pa ito pagkatapos niyang ibulong iyon.

Lumingon sa banda niya ang katabi ko, giving her a death glare, ready to burry her alive. Ora mismo!

Kaagad na hinila ng gaga ang kaniyang jowang katulad narin sa katabi ko ang kaniyang itsurang hindi maipinta.

Parang milktea lang, ayaw talaga akong painomin.

"Ngayon lang naman, don't worry..." Tumingko ako, just to reach her ear at bumulong. "Bibigyan kita mamaya nang maraming kiss."

She rolled her eyes at binaba na ang kaniyang kamay mula sa pagka-krus ang kamay.

Alam ko na kaagad ang ibig nong sabihin, she's letting me, basta tumupad lang ako sa usapan.

Talaga naman, inlababu talaga sakin.

"Let's go?" Sabi ni Ma'am Lorrie.

Inabot saakin ni Olivia ang hawak niyang milktea at binigay saakin, its chocolate flavored milktea since gustong-gusto ko ang chocolate.

Tinusok ko ang straw at uminom, kadasipsip ko ay tutuk na tutuk siya saakin.

"Don't drink it all..." Bulong nito ng makalayo ng kaunti ang dalawa.

Huminto ako sa pag-inom at nanlabi.

Gusto ko lang namang uminom, ang sarap pa naman, sobrang lamig sa mainit na panahon.

"And let me drink also," she said, napangiti kaagad ako dahil doon.

Inangat ko ang hawak ko at pinainom siya, ako parin ang may hawak. Pagkatapos niyang uminom, may naiwan pang bakas ng lipstick sa straw kaya ng hindi siya nakatingin, uminom kaagad ako.

Tita Laura's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon