Chapter 32

2K 55 0
                                    

Nathalie Aya Pov

Maaga akong nagising habang may malawak na ngiti sa labi ko, today is my birthday and I'm expecting na baka naghahanda na si Kuya. Since tapos na ang performance, sasabihan ko muna si Ma'am na hindi ako papasok today.

Mag start na raw kase kaming mag practice sa graduation. May balak din akong imbitahin sina Oliver and Olivia, pati narin si Ma'am Lorrie para hindi naman tahimik ang birthday ko.

Kinuha ko ang phone ko para tignan kung baka nag text si Tita para batiin ako sa birthday ko pero bakit wala?

Panaginip lang ba kagabi na bumalik na siya? I thought she's Tita but it turns out na hindi pala. Umasa ako na bumalik siya pero wala talaga eh... Did she already left me?

Ayaw naba niya saakin?

Nalimutan ba niya na birthday ko ngayon?

Sa lahat naman ng tao siya ang unang nakakaalala tungkol sa bagay na yun. I'm worried about her kase hindi na siya active. Hindi ko rin malimutan ang ginawa ng babaeng yun kagabi.

Sino kaya yun? Bakit kaya niya aki hinatid? Kaibigan ba siya ni Tita? Bakit feeling close siya?

Bakit parang feeling close siya saakin? Dinala pa talaga niya ako sa park para tignan ang buong city tapos nagtanong pa kung single paba ako.

Sa ginagalaw at sa mga sinasabi niya ay para siyang si Tita, ganon kase sakin yun. Miss ko na nga na magalit siya saakin dahil may kasama akong ibang tao, lalo na kapag si Knight ang pag-uusapan namin. Kung nakita lang niya ang performance namin talagang patay ako.

Nag-send ako ng message sa gc namin na hindi ako pupunta sa School to celebrate my birthday, parang nainis naman ang iba dahil nag-reply sila sa message ko dahil ayaw ko raw mag-share sa handa namin.

Bakit? Mayaman ba kami para marami ang handa na lulutuin at tyaka, wala nga si Mommy at si Tita. Gusto ko pa naman na si Tita ang mag-luto sa pagkain pero wala siya.

Hayyys. Pagkatapos kung mag seen sa gc ay tumayo na ako at nagligo, habang nasa banyo ako hindi ko mapigilan na maisip yung babae kagabi.

Nagkaroon kase ng time na talagang magkalapit kami tas naamoy ko ang pabango niya, she's using some expensive perfume which is like Tita Laura. Talagang marami silang pagkahawig dalawa.

Kung sa boses naman ang pag-uusapan, kapag mahinhin ang babae na yun ay magka-boses sila pero kung mataas naman ang tuno ng pananalita niya ay hindi na.

Kung sa pananamit, mahilig si Tita sa mga fit sa kaniyang katawan like pencil skirt. She also like to partner it with a long sleeves polo which is ganon din sa babae.

Kung sa galawan naman, parehas silang demanding which is kaagad kung naalala si Tita sa kaniya.

What if nag stalk siya kay Tita para malaman ang tungkol sa kaniya at gayahin yun para mapalapit saakin. She also know me so ibig sabihin, hindi lang si Tita ang ini-stalk niya kundi pati narin ako?

By just imagining about that make my heart beat faster, nakakatakot ang mga ganiyan. Nabasa ko sa book na ang mga ganiyang tao ay minsan isang psychopath.

Pagkatapos maligo ay nag bihis na kaagad ako, I took my phone again at nag text kina Oliver at Olivia na pupunta ako sa Mall para mamili ng pagkain for my handa.

Lumabas ako habang nakangiti, baka nag prepare na si Kuya sa kitchen kaya tumungo ako doon. Only to see na nagluluto siya ng Egg, hotdog, at may breed na rin sa mesa which is sometimes niyang niluluto kapag breakfast.

"Good morning Kuya." Bati ko sa kaniya at hinalikan ito sa pisnge.

"Laki ng ngiti ah, anong meron?" Tanong nito.

Tita Laura's Secret Where stories live. Discover now