Chapter 11

2.7K 108 2
                                    

Nathalie Aya Pov

"What is the Factor in the environment and they are stimulites?" Ma'am ask.

Sobrang tahimik lang ng klase, we're having an oral resitation sa science. Nagalit kase si Ma'am dahil uuwi na sana sila pero biglang dumating si Ma'am, mainitin pa naman ang ulo niya kaya ayon.

Oral resitation na kami ngayon.

Inilibot ni Ma'am ang kaniyang paningin ng huminto ito saakin, she's asking me using her eye's na sumagot ako sa kaniyang tanong.

"Stimulus po Ma'am." Sagot ko naman.

Hindi kopa nasasabi pero I'm a humms student and I wanted to become a photographer.

Buti nalang talaga at nakapag study ako tungkol sa topic namin kahapon, hindi kase ako panatag kanina dahil may gumugulo sa isipan ko kaya nag study nalang ako para naman gumaan ang loob ko.

Napataas naman ang kilay ni Ma'am at naglakad tungo sa gitna at humarap saakin.

"It Open up sodium channel."

"Neurotransmitter po, Ma'am."

"What is the resting State?"

"-70 po ma'am."

"It carry signal Away."

"Axon Po ma'am."

Pareho na kaming nakangiti ngayon, Ma'am likes those students na nakikinig sa kaniya ng mabuti lalo na yung tama ang sagot sa kaniyang mga question.

"Good job Miss Smith, you are really smart kid. I can see that you have a really bright future that is waiting for you." Puri nito saakin.

Kinindatan naman ako ni Olivia mula sa likod kase takot yun sa Resitation, sinagip ko nalang siya since mabait naman siya saakin.

"Thank you Ma'am." Pagpapasalamat ko naman sa kaniya. Uupo na sana ako ng nakita ko na nakatayo si Tita sa pinto na kung saan ay napatingin din si Ma'am sa kaniya pati ang mga kaklase ko.

Iba na kase ang suot niya at nakapang business attire ito, sobrang gan— I mean bakit siya nandito?

Akala ko mamaya pang lunch kami mag uusap eh kakatapos pa nga lang ng first period.

"What do you want Miss...?" Ma'am ask.

Ahh, bakit naman siya nagpakita sa mga kaklase ko?

Hindi naman sa kinakahiya ko siya pero merong something talaga saakin na ayaw ko siya na makita ng mga kaklase ko, siguro dahil maraming playboy saamin— I mean dito sa room.

Lumapit si Ma'am sa kaniya at nag-usap naman sila Something kaya biglang nag ingay ang mga kaklase ko, kapag tatanongin ang tahimik pero kung chismiss ang daming alam.

Nakatingin lang ako sa kanila kase hindi ko alam kong ano ang kanilang pinag-uusapan, biglang nagtawanan sila at napalingon naman saakin si Ma'am tapos kay Tita ulit.

Teka, ano yun?

Maya maya ay bumalik na si Ma'am sa gitna at kinuha ang attention ng lahat.

"Aya, your excuse for today. Sasabihan ko nalang ang ibang teachers mo about this. You can go now." She said.

Nalilito pa ako sa sinabi niya at nagproseso, napalingon ako kay Tita at seryuso siyang nakatingin saakin na parang hinihintay na niya akong umalis na inuupuan ko.

Wala akong nagawa kundi kunin ang gamit ko at tumayo na dahil baka lumala na naman ang lahat, Hanggang ngayon kase ay hindi parin ni Knight ang picture na yun.

"Take care friend." Paalam ni Olivia saakin at nag wave pa.

Tumango naman ako at tumungo na kay tita, she show me her hands which means siya ang magdadala sa bag ko.

I put the sling on her hands at muntik na siyang ma out of balance, nalimutan ko kaseng sabihin na naghiram ako ng apat na libro sa library kahapon kaya mabigat.

Sinamaan niya ako ng tingin pero umiwas lang ako, siya naman ang may gusto na magdala ng bag ko eh kaya wala akong kasalanan.

Umalis na kami habang nasa likod ko naman siya nakasunod, sabi kase after lunch tapos pupunta dito after First period.

Nang makalabas na kami ay tinapon niya sa backseat ang bag ko kaya papasok sana ako doon para doon nalang din umupo kase wala siya sa mood ng sinamaan na naman ako ng tingin.

"Am I your driver?" Inis nitong turan.

"Sinabi koba?" Bulong ko naman at sinara ang pinto at binuksan yung nasa harap.

"I heard it, Aya."

Malamang may tenga siya, sa halip na siya ang mainis ay ako ata ang naiinis ngayon.

Pumasok na ako at sinara ang pinto, she turned on the engine ngunit hindi pa niya ito pinaandar dahil tinitigan muna niya ako.

"Bakit po?" Tanong ko while giving her a questioning look.

Nakatingin lang siya saakin pero parang may something wrong, sinara ko naman ang pinto at nilock, dito ako sa harapan umupo at wal—

Ahh, hindi nakakabit ang seatbelt.

Parang pipi naman ito, hindi ba siya nakakapagsalita?

Kinabit ko na ang seatbelt ko at doon pa niya pinadagan ang sasakyan.

Habang nasa byahe kami ay tahimik lang kaming dalawa, gusto ko sana kaseng magreklamo dahil bakit niya ko kinuha during class. Ayaw na ayaw ko pa naman nakaka-missed ng topic, pwede naman mamayang hapon nalang kami mag-usap eh.

"Is he your boyfriend now?" Biglang tanong niya.

Napabuntong hininga naman ako, ayan na naman si Tita. Wala pa nga akong boyfriend tapos dalawang araw lang magiging kami na kaagad ni Knight, hindi kaya ako cheap no para easy to get lang.

I secretly rolled my eyes.

"No and never akong papatol sa play boy na yun, he even have a secret relationship on one of our teacher para lang makapasa eh." Sagot ko naman sa kaniya na bahagyang ikinangiti naman nito.

She didn't say anything after what I answer kaya inopen ko nalang ang cellphone ko at nakipag chat kay Olivia.

Olivia
Na cancel ang class.

Ano raw? So wala bang klase?

Aya

Bakit?

Olivia
Sabi ni Ma'am tomorrow nalang
raw bumalik kaya pinapauwi na
kami ngayon.

How? Eh gustong gusto kaya ng adviser namin na may klase kami.

Tita Laura's Secret Where stories live. Discover now