Chapter 17

2.5K 82 1
                                    

Nathalie Aya Pov

"Bye Aya, Ingat!" Paalam saakin ni Olivia pagkatapos naming kumain sa McDo na kung saan ay libre na saamin ni Ma'am Lorrie.

Pagkatapos kase naming kumain ay may pupuntahan pa sana kami ngunit may tumawag kay Ma'am Lorrie kaya need niyang umuwi ng maaga pero she said na babawi nalang siya next time naming pagkikita.

"Bye Aya, see you again." Paalam din ni Ma'am Lorrie saakin kaya kumaway ako sa kanila pareho.

Ihahatid nalang daw kase ni Ma'am Lorrie si Olivia sa kanila, kinilig naman ang gaga kaya ayun, nagmamadaling sumakay sa sasakyan ni Ma'am.

Nang tuluyan ng makaalis ang mga ito ay kami nalang naiwan ni Tita sa labas ng Mall na kung saan ay walang masyadong dumadaan.

It's nine na ng gabi dahil napasarap ang usapan namin kaya di na namin namalayan ang oras.

"What are you look'in at?" Tanong nito saakin matapos niyang mapansin na nakatingin ako sa kaniya pero siya naman ang tumitig kaya ginawa ko lang siya.

"Ako dapat ang magtanong niyan sa inyo Tita." tumaas ang kilay nito sa pagsagot ko sa kaniya.

"Are you on your period?" Tanong nito.

Umiling ako.

"Hindi po, baka kayo."

"No, I just finish mine." Sagot nito.

Kaya pala mainitin ang ulo nong nakaraan. Bulong ko.

"I heard that kid!"

Nanlabi nalang ako bago pumasok sa kaniyang sasakyan.

Ang hirap intindihin ng matatanda!







Kinabukasan ay nagsimula na kaming mag practice ng aming sasayawin for our variety show kaya nandito kami ngayon sa field. May dalang speaker si Ma'am dahil yun ang gagamitin namin para ipatugtug ang music na napili niya.

Ang sayaw pala namin ay yung sweet romance dance na kung saan sinasayaw ng may formal event pero hindi naman lahat soft dahil may mga galawan parin mula sa book ang aming gagayahin.

Ma'am told us na bibigyan niya kami ng 98 grade kapag naging successful ang sayaw namin kaya seryuso ang karamihan saamin. Ang maingay lang talaga ay ang mga boys kaya minsan ay napapagalitan kaming lahat.

"Wag ka ngang dumikit sa'kin, ang gaspang ng balat mo."

"Hoy! Mas makinis pa nga ako sa'yo noh, baka mukha mo ang magaspang."

Si Oliver at Tanya ang nag-aaway ngayon.

Pano naman kase hindi sila mag-aaway eh ang arte nitong si Tanya, ayaw e shot yung galaw kaya reklamo ng reklamo si Oliver sa kaniya.

"Wag ka kasing dumikit, bakit kase ikaw ang naging partner ko!" Sabat naman ni Tanya.

"Ginusto ko ba tyaka mas okay pa nga sakin na si Aya ang partner ko eh mas maganda yun sa'yo."

"Tinanong ba kita kung sino ang maganda samin? "

"Hindi, baka kase di mo alam."

"Arghh, I hate you bakla."

"And I hate you too palaka."

Imbis na awatin ang dalawa, nagsitawanan lang sila.

Alam namin na sobrang talas ng dila ni Oliver kaya wala siyang pakialam kung nakakasakit ang kaniyang sinasabi o hindi.

"Hoy mahiya naman kayo sa lower grade, pinagtitinginan kayo oh." Sabi ni Kevin.

Talagang nakatingin ang mga lower grades sa kanila at natatawa pa. Napaka malas talaga ni Tanya.

Tita Laura's Secret Where stories live. Discover now