Chapter 22

2.2K 71 0
                                    

Nathalie Aya Pov

It's been 1 day pero na miss ko na kaagad siya, isang oras palang na hindi ko siya kasama ay parang may kulang sakin. Wala kase akong pinagtutuonan ng pansin kundi ang palagi nalang pagpractice or ang pag asikaso sa mga requirements para sa pag graduate ko.

Nandito ako ngayon sa room at busy sa pag-iisip sa kaniya, Olivia is talking with me pero tumatagos lang ito sa kabilang tenga ko. Tila ba na walang tao sa paligid, wala akong ibang maisip kundi siya lang.

No text, no calls.

Wala siyang update, hindi ko rin alam kung saan siya pumunta, basta may gagawin lang raw siya.

Yung card niya ay talagang iniingatan ko, wala akong plano na maggasta dahil wala naman akong bagay na gustong bilhin, all the things I want ay nasa bahay na.

"Hoy Aya, nakikinig kaba?" Olivia snap kaya naputol ang pag iisip ko tungkol sa kaniya.

"Ha?"

"Ayan teh, kakaisip mo yan sa kaniya. Anong balita, binasted kaba?" Tanong nito.

Sino ba ang tinutukoy niya? Si tita ba or si Knight? Si Tita lang naman ang iniisip ko ngayon at wala ng iba pa.

"Alam ko na inlove ka, hindi ko lang alam kung sino. So whose the unlucky person?" Tanong nito habang mapang asar na tinaas taas ang kaniyang kilay.

Yeah, she's unlucky on me.

Sa dinami dami ng babae na kaniyang magustuhan, ako pa talaga. Hindi nga ako marunong magluto at maglaba, tapos ako pa ang gusto niya?

Pwede naman si Mama nalang pero di naman sila bagay... Parang may something sakin na naiinis sa tuwing naiisip kung sino man ang kasama ni Tita ngayon

Hindi naman sa nagseselos ako, pero ayoko kasing pinaghihintay sa gate at tatayo ng ilang minuto sa tuwing wala akong sundo. Tapos kapag may boyfriend or girlfriend na siya, hindi na niya ako papansinin hanggang sa hindi na niya ako kakausapin.

Aghh, bahala.

Masakit na ang ulo ko kakaisip.

"May itatanong lang ako Olivia."

Humarap ako sa kaibigan kong nanahimik.

"Goes, makikinig naman ako." sagot nito.

Umupo ako ng maayos bago itanong yun, may gusto lang  akong malaman at ang the best answer will come from our friends dahil naranasan nadin naman nila yun.

You'll ask your friend if you don't have a parents.

"Pano mo ba malalaman na inlove ka sa isang tao?" Bigla niyang tinampal ang balikat ko at napatili pa.

This is a serious matter tapos hindi siya seryuso.

Baliw talaga!

"Well, makinig ka ng mabuti friend." Sabi nito kaya tumango ako.

Lumapit ako sa kaniya. Umupo din siya ng mabuti para sabihin na ang sagot sa tanong ko.

"Well... Hindi ko rin alam." binatukan ko kaagad siya sa ulo.

Napahawak ito sa kaniyang ulo.

Apaka baliw talaga! Hindi kopa ata nakitang nagseryuso ang babaeng ito.

"Aray naman, bakit ka nananapak?"

"Akala ko naman seryuso kana."

"Bakit ako naman ang tatanongin mo eh never pa naman akong na inlove." Sagot nito.

Shit, I think ibang kaibigan ang tatanongin ko this time. Nalimutan ko na baliw pala to, takas sa mental.

"Hindi ka naman pala inlove tapos habol ka ng habol kay Ma'am Lorrie."

"Yaks, si Ma'am Lorie nga ang humahabol sakin. Pabebe lang ako, what if paglalaruan lang niya ako?" Natawa ako sa sinabi niya.

"Ikaw? Hahabulin ni Ma'am? Para ka ngang aso na buntot ng buntot sa kaniya tyaka mas maganda nga si Ma'am sa'yo." Natatawang sabi ko.

Well, sobrang ganda at medyo cold si Ma'am para sabihin niyang hinahabol siya ni Ma'am Lorie.

Mas deserve pa nga niya si Tanya since pareho naman sila na delusional.

"Nako friend, kung alam mo lang."

Yes, alam ko na baliw na talaga ang kaibigan ko.

Hayys, sino naman ang tatanongin ko. Nakakahiya naman kung sino-sino nalang ang tatanongin ko.






It's 2pm ng hapon at sobrang ingay ng room, wala daw kaming practice dahil may meeting ang mga teacher about variety show namin.

Sobrang ingay nila dahil nag practice sila ng sayaw habang ako, nandito lang sa tabi.

Absent kase si Knight kaya wala akong kasama, wala din naman akong gana na mag practice at feeling ko ay nanghihina ang katawan ko.

"Excuse me." Natigilan kaming lahat ng may tumawag.

Isang lalaki na naka suit ito, yung pang amerikano style. May dala siyang bouquet of flower.

"Nandito ba si Nathalie Aya Smith?" Tanong nito.

Nakakunot naman ang noo ko habang nalilito, ang daming nangyari ngayong araw dumagdag pa to.

"Yes, nandito siya. Aya!!" Tawag sakin  ng class president namin.

Lumapit saakin ang lalaki habang walang expression ang kaniyang mukha, inabot nito sakin ang bulaklak.

Hindi ako nagdalawang isip na tanggapin, nakakahiya naman kung hindi. Sobrang daming tao dito, kailangan ba talaga sa harapan ng ibang tao?

"For you Ma'am." He said at ng makuha ko na ito ay umalis lang siya na walang sinabi.

Wow! Nagbigay ng bulaklak ng ganon nalang?

Sa tingin ba niya magugustuhan ko siya kung ganito siya magbigay?

Kapal ng mukha.

"Ang rude naman, siya na nga nanligaw. Sayang, gwapo pa naman." Sabi ng katabi ko.

Tama siya.

Hinarap ko naman ang bulaklak at kita na sobrang ganda nito dahil paborito kong bulaklak ang ibinigay. I think aabot ito ng three thousand. Mahal kase ang bouquet kung iisipin.

Paano kaya nalaman ng lalaking yun ang favorite flower ko.

May isang card na nakalagay dito, a purple card. Nakita ko sa TV na ang loob ng card ay isang letter from the sender.

Kukunin ko na sana ito ng tumunog ang phone ko, Tita Laura text me something kaya I open it to read.

TITA LAURA

Did you receive it?

The flower.

SHUTA! Galing pala toh sa kaniya? Hindi ako nagreply dahil sa hiya, my gosh....

Akala nila yung lalaki ang nanliligaw saakin, yun pala si Tita lang ang nag send.

"Hoy friend, sino yung lalaki? Ang gwapo ah, siya naba ang ipagyayabang mo kay Knight?" Pang-aasar saakin ni Tanya.

Ang kapal naman ng mukha ng isang to, nilalait nga mga kaibigan ko, may gana pang tawagin akong friend.

Feeling close.

Makapag sabi ng friend kala mo naman kung sinong close eh nandidiri nga kay Oliver. Kapal ng mukha, hindi ko nalang siya pinansin at lumingon kay Olivia.

"Ang kapal noh?" Pang lalait ko. Tumango naman ito at pareho kaming natawa.

AYA

Yes po.

It's beautiful.

I love it.

Tita Laura's Secret Where stories live. Discover now