Chapter 27

2.1K 65 1
                                    

Nathalie Aya Pov

"How's life again?" Tanong sakin ni Tita after she requested vedio call again.

It's already nine in the night, hindi ko alam kung tulog naba si Kuya pero hinayaan ko nalang siya na maglinis ng kusina kanina. Nahuli kase siya sa hapag kaya iniwan ko nalang siya doon, sobrang napagod kase ako kanina.

Pag open ko ng messenger para tignan ang update ng group chat, hinahanap talaga ako ni Ma'am. Hindi nalang ako nag reply para naman maniwala siya sa magiging dahilan ko sa lunes.

Mag out na sana ako ng mag vedio call ito saakin, biruin niyo... Nag request ng vedio call pero hindi pinapakita ang mukha niya.

Noon pa itong unang call niya, actually na miss ko na nga siya eh pero ang OA niya lang sa part na nahihiyang ipakita ang mukha niya.

Haggard ba siya? Maganda parin naman siya kahit walang ligo.

Hayyys, bahala siya.

"Okay lang naman po, Tita. You know what, I just found out something." Sagot ko dito.

Gusto kung sabihin sa kaniya tungkol kina Oliver at Kuya. Happy lang kase ako sa kapatid ko dahil nakita na niya ang taong mamahalin niya, hindi ang cheater na si Klara.

Buto pa naman ako sa kaniya dahil ang bait niya kay kuya at ang ganda pero knowing na ganiyan pala siya, wag nalang. Kahit baliw ang kaibigan ko, I'm confident na loyal siya kay Kuya.

Haler! Si kuya na nga ang naghabol sa kaniya eh. Basta Smith, may itsura talaga.

"What is it?" Tanong nito.

Nakita ko na para siyang humiga since ceiling nalang ang nakikita ko.

Ang daya lang kase na pinapakita ko ang mukha ko pero hindi ang kaniya, para tuloy akong tanga dito.

"About kuya new boyfriend?"

"Boyfriend? Vincent is gay?" Ramdam ko na nagulat siya sa sinabi ko dahil sa tuno narin ng kaniyang boses.

Well, I'm more shock dahil harap-harapan talagang sinabi saakin. Ako pa talaga ang first ever na sinabihan nila, wala pa kaseng alam ang gaga na si Olivia.

Napapansin ko rin na palagi siyang nakadikit kay Ma'am Lorrie, minsan nga nakita ko na galing siya sa office ni Ma'am.

Gosh, iba na ang tinitira ng gaga na yun.

"Opo tita, pero hindi bakla na babae gumalaw. Lalaki padin naman, bisexual lang." Paliwanag ko.

Hindi ito nagsalita sa kabilang linya.

Hindi na naman siguro siya mandidiri, knowing na may gusto si Tita saakin. Normal na dapat sa kaniya ang tungkol sa ganiyang bagay.

"Tita, are you there?"

"Yeah, I'm listening"

"So ganon nga, kuya said na sila ni Oliver for a almost a year na kase nag cheat sa kaniya si Ate Klara."

"What! She did? How dare she." Natawa ako dahil lumabas na naman ang pagiging strict and terror niya.

Para na akong Tanga na panay ngiti dito habang nakikinig sa kaniya, gusto ko tuloy makita ang naging reaction niya.

Bakit ba kase panay off cam siya.

"Opo, pero buti nalang sa kaibigan ko siya napunta since kilalang-kilala ko yang si Oliver." Pahabol ko pa.

I heard that she giggle kaya tumango ako habang napakagat-labi. Mga ilang segondo din ang katahimikan since na out of topic na ako.

Wala na akong topic, siya din naman ang gusto akong makausap. Sobrang boring ba diyan sa lugar na pinuntahan niya kaya kinakausap niya ako ngayon?

Tita Laura's Secret Donde viven las historias. Descúbrelo ahora