Chapter 23

2.1K 70 0
                                    

Nathalie Aya Pov

Sumakay lang ako ng taxi sa kanto pag uwi ko, wala kaseng magsusundo sakin kase may lakad siya. Buti nalang talaga may natutunan ako sa movie dahil kung hindi.... Baka kanina pa ako naglakad pauwi.

Sa left side kase ang daan pauwi sa condo ni tita while ang Bahay nina Olivia at Oliver ay nasa right side.

Sabi ng gaga kanina, pupunta raw kami sa mall para mag arcade pero bigla nalang nawala ng pinauwi na kami ni Ma'am.

Imagine that, siya ang nag plano tapos siya ang wala. Si Oliver naman ilang araw na ring absent eh patapos na ang klase. Napapangitan ata siya sa kaniyang partner kaya wala siyang gana mag practice.

Nang dumating na ang sasakyan sa harap ng condo ni Tita ay inabot ko sa kaniya ang card na pinapagamit ni Tita.

"Ayy Miss, hindi po ako tumatanggap ng ganiyan. Hindi naman to mall ang taxi ko." Parang nataranta si Kuya sa inabot ko. Panay iling ito.

It's just a black card lang naman, tyaka pera lang din ang laman nito, bakit naman siya matatakot.

"Sorry Kuya, fifty lang kase ang meron ako dito."

"Okay na yan Miss." Sagot nito.

I took my bag at kinuha ang pera ko, nilalagay ko lang kase dito ang mga pera na sobra para if may sudden contribution ay yun nalang ang ibibigay ko para hindi naman mamroblema si Tita sakin.

Actually, dala ko din ang bouquet of flowers. Pinagtitinginan nga ako kanina sa pathway habang dala ko yun while yung mga faculty naman kinilig sakin. They already know na yung lalaki kanina ang nagbigay sakin, they thought na siya talaga ang nagbigay pero ang totoo ay inutusan lang ni Tita.

Ewan ko ba kung ano ba talaga ang work niya, siguro mga fifty thousand ang sweldo niya every month or higit pa.

One hundred bigay niya sakin tas twenty lang ang magastos ko, may lunch na akong dala. Ang panget naman kung madami ang recess ko tapos ang sa iba walang pagkain, sharing is caring ako eh kaya libre nalang din sila minsan.

Kinuha ni Kuya ang pera na inabot ko at bumaba na, kaagaran din siyang umalis para siguro bumalik sa highway. Marami kaseng pasahero na mag-aabang sa labas ng mall lalo na kapag 7 na ng gabi.

I unlock the door dahil may duplicate naman ako, hayys. Sobrang lonely ko naman ngayon.

Binaba ko ang gamit ko at ko sa sofa at kinuha ang gift na binigay ni Tita saakin na nasa ibabaw ng mesa na nasa harap ko.

Kanina ko pa sana gusto malaman kung ano yun pero she said na pag uwi ko nalang raw para ma surprise ako. Mas ma surprised pa ako if malalaman ko kaagad, kanina pa kase ako nag o-over think kung ano.

It's a white box na may ribbon, sosyal diba?

I unbotton it at tinanggal ang ribbon, huminga ako ng malalim ng tumambad sakin ang isang box na malapad at may logo na circle na sa loob ay star.

It's the logo of converse. Don't tell me.....

Pinaypay ko ang sarili ko, don't expect too much aya. Baka yung karaniwang converse lang yan.

Kagat labi kung kinuha ang cartoon at nilapag sa mesa.

Inhale

Exhale

Inhale

Exhale

Pagkatapos kung pakalmahin ang sarili ko ay dahan dahan ko ng tinanggal ang takip. Nang mahulog ang box, dahan dahan ko ring tinabi ang takip because it's blocking my sight para makita ang laman.

Tita Laura's Secret Where stories live. Discover now