Chapter 20

2.6K 93 0
                                    

Nathalie Aya Pov

Pinauwi na kami ni Ma'am since tapos na naman ang practice namin. Absent si Knight without any reason kaya nakaginhawa ako ng maayos kase naging Peaceful ang buhay ko kahit ngayong araw lang.

Biglang umalis din si Olivia, nagmamadali ito dahil may lakad siya ng kaniyang family kasama din si Oliver.

Nagseselos talaga ako sa kanila, kompleto silang magpamilya at palagi pang nagbobonding while ako... Palagi nalang bahay, school, bahay, school, kapag may lakad naman... Need talagang kasama si Tita pero kung wala naman siyang energy o sa mood ay hindi ako papayagan kaya napaka peaceful ng buhay ko.

Naglakad ako patungo sa gate, akala ko si Tita Laura pero si Mama pala kaya nagmamadali akong naglakad.

Nang makalapit na ako, she sign na pumasok na ako kaya ginawa ko. Sobrang lawak ng ngiti sa labi ko dahil sa tuwa, It's my first time na sinundo ni Mommy dito sa school kaya sobrang saya ko.

Habang nasa byahe ay sobrang tahimik naman niya, she's always like that pero okay lang saakin basta kasama ko siya.

I wonder kung bakit wala si Tita, baka may ginawa kase siya or busy sa kaniyang work kaya siguro hindi niya ako nasundo.

Pero what if may kasama siyang iba? May kinikita na ba siyang lalaki? What if may boyfriend na siya pero hindi pa niya sinasabi?

But I know na hindi because she said na gusto niya ako and she wants me only.

Aghhh, bahala siya sa sarili niya. I don't care.

Pagkarating namin sa bahay ni Tita ay bumaba na kaagad ako, nagmadali akong pumasok because I know na wala si Tita kase wala pa ang car niya.

Bahala siya kung anong ginagawa niya.

Pagpasok ko ay lumingon kaagad ako kay Mommy, the wide smile I have ay biglang nawala ng mag iba ang kaniyang expression.

"Just like what I said, Aya. Masyado ka ng masakit sa ulo ng tita mo, how can you say such thing about her? Alam mo ba na pinapahiya mo ako sa harap ng ibang tao?"

"Ma-"

Lalapit sana ako sa kaniya dahil galit siya sa di mawaring dahilan at gusto ko siyang pakalmahin ngunit ayaw niya akong lumapit sa kaniya.

"Dyan ka lang Aya." Mariin nitong sabi.

Napakagat labi ko ng mapagtanto na narito na naman kami... Galit na naman siya saakin.

"You know what, Aya? You really disappointed me, habang lumalaki ka ay mas lalong tumitigas ang ulo. Ganiyan ba ang tinuturo ng mga kaibigan mo sa'yo?" Galit na sabi sakin ni Mama.

Hindi naman ganiyan sina Olivia at Oliver, kahit palagi nila akong pinipilit na gawin ang mga bagay bagay na gusto nila na kasama rin ako ay hindi naman umaabot sa punto na hindi na tama ang ginagawa ko.

I know my limit naman, tyaka Tita won't let me do such thing na hindi tama kaya lahat ng galaw ko ay alam niya.

"B-bakit ma? May nagawa ba akong mali?"

"Wag ka ng mag maang maangan pa, Aya." Lumapit ito saakin kaya napaatras ako, this time.... I need her again. I need Tita again, here.

Natatakot na ako kay Mama. She's making me more scared, ayoko ng mangyari ang ginawa niya sakin noong panahon na wala si Tita.

"Sumasali ka sa mga activities na hindi naman para sa'yo, sumasama sa mga bakla mong kaibigan kaya tumitigas narin yang ulo mo at..." Nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi ko naman ginagawa ang mga bagay na yan. "At kanina lang, pumunta ako rito para bigyan ang Tita mo ng allowance mo pero nalaman ko nalang na nakikipag-sigawan ka sa Tita mo. Kung hindi ko tinanong ang mga kapitbahay niyo rito kung nasaan kayo, hindi ko malalaman na mas lalo na palang tumitigas ang ulo mo!!!"

Tita Laura's Secret Where stories live. Discover now