Chapter 39

1.9K 57 3
                                    

Nathalie Aya Pov

"Pa, kailangan paba talaga to? Okay lang naman sa bahay eh." Pagrereklamo ko kay Daddy.

Hindi naman sa ayaw ko dito sa Mall pero may mga tao lang talaga na ayaw kung makita tulad ng isang babae diyan na Sobrang landi at ang lakas pa ng boses. Parang kambing kung tumawa, hindi ba naiirita si Tita sa kaniyang boses. Kung ako sa kaniya pakiramdamin muna niya ang kaniyang paligid.

Feeling close siya kay Tita tas panay pa ang hawak ng kaniyang kamay sa kaniya, gusto ba niyang putulin ko ang kamay niya? Kung okay lang sana na magdala ng kutsilyo e kanina pa siya walang gagamitin panghawak.

Nandito kami sa restaurant ngayon dahil mag celebrate kami sa graduation ko, paparating na raw si Kuya.

Yes, si Kuya lang dahil alam ni Mommy na kasama ko si Daddy kaya hindi siya sumama. Kami lang ni Tita, Daddy, Kuya Vince, Ma'am Lorrie, and this girl Gabie.

Okay na sana eh pero, dumagdag pa ang kambing na to. Feeling close siya masyado kay Tita tapos ito namang manyakis na to nagpapahawak.

"No, I really need to do this for you my princess. Never pa tayong kumain ng sabay, lets wait for your Kuya na dumating bago tayo umorder." Ani nito at wala naman akong magawa.

Gusto ko ng umuwi, hindi naman ako sanay sa ganitong lugar eh.

Gusto ko home made cook lang na pagkain.

"Babe, sige na. Let's have some vacation sa boracay, you know maganda, ang places doon."

"Stop Gab, nasa harap tayo ng bata tyaka it's not my thing na mag travel kahit mahalaga payan." Seryusong sagot naman ni Tita.

I tsk on my mind, kung ako yan baka kanina pa yan pumayag.

Unlucky for you, hindi ako ikaw.

"Pero may project meeting naman kaming gagawin doon, let's just bring Aya para pumayag ka."

Wow ha, gagamitin lang niya ako para makalandian niya ang Tita ko?

In your face.

I mentally rolled my eyes while looking at the two. Parang naramdaman naman ng isa na nakatitig ako sa kaniya. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ng babaeng malandi na yan sa kaniyang braso bago ko pa siya barilin sa isipan ko.

Kahit galit ako sa manyak na yan, Tita ko parin siya tyaka....

Basta bawal. Not in front of my salad. Feeling close pa. Ang kapal talaga ng mukha.

"No, it's vacation and she need to r-rest. Mapapagod lang siya sa Boracay." Sabi ni Tita at uminom ng tubig.

Naapektuhan ka noh?

Dapat lang.

"What If around the city nalang, pumayag ka naman Babe."

Forda eww one hundred times.

Sino kaba para maka babe babe ka sa kaniya?

"Still no Gab."

"How about Mall nalang?"

"Still no, Aya don't like to buy things na hindi naman talaga kailangan." Nakita ko pa ang marahang pag-tabig niya sa kamay ni 'G' girl ng gusto nitong hawakan ulit ang kaniyang kamay.

I was really proud how my woman— I mean Tita knows to build a wall.

Kung ako yan, baka unang request palang, papayag na yan. Baka nga lahat eh.

"Ehh, tayo naman ang pupunta."

"She need someone to cook for her."

"Pero hindi naman tayo magtatagal eh."

Tita Laura's Secret Where stories live. Discover now