Chapter 10

2.9K 104 2
                                    

Nathalie Aya Pov

Maaga akong ginising ni Tita kase may Urgent meeting daw sila ng kaniyang boss kaya nagmadali akong nagligo at nagbihis, binigyan nalang niya ako ng tatlong daan na baon para doon nalang daw sa school ako bumili ng maraming pagkain pambawi.

Hinatid niya ako sa school at nagmadaling bumaba pero hindi ko kinalimutan na halikan siya.

"Bye Tita!" Paalam ko sa kaniya at hinalikan ito sa labi.

She smiled and Kiss me again on my lips.

"Bye too, Aya. Don't forgot to eat more and don't eat junk foods okay? Text me if you're going home so that I can fetch you." Bilin nito at tumango-tango ako.

Siya na mismo ang nag sara ng pinto at nag wave saakin bago ito umalis kase emergency daw.

Kawawa naman si Tita kase siya nalang palagi pinag-uutusan ng boss niya, sana naman okay lang siya.

Pumasok na ako sa gate at binati si Manong guard, ngumiti naman ito kaya patuloy ako sa paglalakad hanggang sa may biglang sumapak sa likod ko that's why I groaned because of pain.

Napalakas kase.

"Sorry bae, na excite lang kase ako." It's Olivia, ganiyan siya humingi ng tawad.

Minasahe niya ang likod ko since doon sa part na yun niya ako binatokan ng malakas, pagkatapos ay inagbayan niya ako habang pangiti-ngiti pa ito.

"Ang ganda ng umaga natin ah, ano bayan?" Pang-aasar kong tanong sa kaniya.

Minsan kase, kapag dumating ito sa room ng umaga sakit ng ulo o di kaya makikipag usap about sa chismiss na dala ang palaging ginagawa ng gagang to. Pero ngayon? Kita ko sa mata niya na may something.

"Anong ano? Baka sino." Pagtatama nito saakin.

"Don't tell me may Love life kana, dugyot." Pang-aasar ko sa kaniya at bigla nalang niyang tinakpan ang bunganga ko at lumingon-lingon sa paligid.

Sira talaga to.

Papatayin niya ba ako, ora na mismo?

"Wag mo nga akong tawaging dugyot, maglakad ka nalang ng diretso." Sabi nito at hinawakan ang kamay ko at nagmamadaling naglakad.

She's acting weird.

Habang naglalakad ay nadaanan namin ang masungit na president ng SSG, nakatingin ito saaming dalawa ni Olivia pero I think hindi saakin kundi dito sa kasama ko.

Don't tell me again na ang nilalandi na naman ng kaibigan ko ay si Miss Sungit?

Takot kasi to sa commitment tas kung makalandi, walang pinipiling lugar.

Nang makarating na kami sa aming room ay pinagtitinginan kaagad kami or ako ng mga kaklase namin, paglagay ko sa bag ko sa aking upuan ay sinimulan na nila akong asarin.

"Sana all talaga si Aya, nakapartner si Knight tapos ni-myday pa."

"Haba talaga ng hair mo, Aya. Paano ba maging Nathalie Aya Smith."

"Kayo naba?"

Pang-aasar nila saakin, nagtataka naman ako kase hindi ko alam kung ano o tungkol saan ang kanilang pinag-uusapan.

Pagkatapos ding mailagay ni Olivia ang kaniyang gamit ay tinawag niya ako na lumapit sa kaniya kaya sumunod naman ako.

Nang nakalapit na ako ay inopen niya ang kaniyang phone tapos pumunta sa Facebook, she searched my Facebook account at pinindot yun.

Nanlaki ang mata ko ng makita na tinag ako ni Knight sa kaniyang post na "My First dance but not last, just be mine and we'll be the end"

Nagulat ako at the same time ay tumindig ang balahibo ko dahil sa takot, I wish Tita didn't see this post.

Kailangan kong masabihan si Knight na burahin ang post na ito bago paman makita ni Tita. Biglang nag ingay na naman ang mga kaklase ko dahil pumasok so Knight at inaasar pa ito saakin.

"Okay kalang ba, Aya?" Olivia said with a full worry.

Alam niya kung gano ka strict si Tita kase sinabihan ko siya tungkol sa kaniya para naman maiwasan din niya ang ikakapahamak saakin.

"Knight!!" Galit na tawag ko sa kaniya.

Napatigil naman sila ng kakaasar dahil sa sigaw kung iyon, hindi nakakatuwa ang mga ginagawa nila. Dahil sa kanila mapapahamak ako ng wala sa oras.

Dali dali akong lumapit kay Knight at mahinang sinabi na....

"Ibura mo yon." Sabi ko, nakangiti lang naman siya saakin na para bang wala siyang pakialam kung ano man ang ginawa niya.

"Why do I do that? Ako naman ang nag post kaya nasa saakin kung ibubura ko yun." Nakangisi niyang saad.

Kung wala lang talagang tao dito ay kanina kopa siya nasuntok, alam ko naman na hindi siya seryuso sakin at tyaka ginagawa niya lang ito para mas lalo siyang sumikat.

"Kapag hindi mo binura yun, ikaw ang ipapabura ko dito."

Tumawa lang naman siya ng malakas, wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah tyaka akala ba niya natatakot ako sa kaniya dahil lang ang lolo niya ang may-ari nitong school?

I have a rights to fight for my self.

"Hahahaha, nakakatawa ka naman Aya. I know you like it too, right babe?" He ask at nilakasan ang pagtawag niya saakin ng babe.

Muntik ko na siyang masuntok kung hindi lang ako pinigilan ni Olivia.

"Hayaan mo nalang siya, kulang lang yan ng pansin." bulong nito saakin at nilayo ako mula sa kaniya.

Kung hindi lang talaga ako inawat ng kaibigan ko ay baka hindi na siya nakakalakad ngayon, hindi pa niya alam kong pano ako magalit.

Tandaan, hindi porket maliit ko uurong na kaagad ako sa ganiyang hamon.

My phone vibrated from my pocket kaya kinuha ko kaagad yun dahil alam kona kung sino ito.

Tita Laura
Let's have a serious talk after
your class this morning.

Hindi na talaga ito biro, seryuso nato.

I wish Tita will forgive me.

Tita Laura's Secret Où les histoires vivent. Découvrez maintenant