Chapter 16

2.5K 83 3
                                    

Nathalie Aya Pov

Nandito pa ako sa sasakyan dahil hindi pa kami umalis ni Tita, she talk Ma'am Lorrie first that happen to be her sister i think kase tinawag siyang kapatid ni Ma'am Lorie kanina.

Habang nag-uusap ang dalawa ay nakita ko mula dito sa sasakyan kung paano yumuko si Olivia dahil parang umiinit ang kanilang usapan habang si Ma'am Lorrie naman ay panay ngiti lang habang kausap si Tita.

Maya maya pa ay umalis na si Ma'am Lorrie kasama si Olivia kaya tumungo nadin dito sa sasakyan si Tita at pumasok.

"Magkapatid po kayo ni Ma'am Lorrie?" Unang tanong ko pagkatapos niyang maisuot ang kaniyang seat belt.

Hindi narin ako makapag-hintay na itanong yun sapagkat gusto ko ring makilala ang kapatid niya. Mukhang friendly naman ang kapatid niya.

"Yes she is, she's my half sister sa Ama." Walang emosyong sagot nito. "Pano mo siya nakilala? " Balik tanong naman nito saakin at seryusong nakatingin diretso sa mga mata ko.

"Mula lang kay Olivia, by the way, saan po pupunta si Olivia at Ma'am?" Tanong ko na naman.

"She invited both of us na kumain sa labas, since gusto kang makasama ng kaibigan mo, sinama nalang siya ni Lorrie."

"Ahhh, so ate ka niya po?"

Napalunok ako ng pinandilatan niya ako ng mga mata dahil sa tanong ko.

Alam mo na naman kung sino ang mas matanda sa kanila, Aya. Ba't mo paba itatanong?

"Who do you think?" She ask.

Yumuko naman ako at pinaglalaro ang mga daliri ko.

Ayan kase!

"Kayo po." Sagot ko.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manubila habang napakagat labi, palihim kong tinitigan ang kaniyang mukha.

Doon ko lang na realize na hindi pala siya galit kundi pinipigilan niya ang kaniyang sarili na matawa.

"Okay, Okay. You still don't know anything." Sambit nito. Ngumiti ito ng bahagya bago sinusian ang sasakyan.

She turned on the engine at umalis na. Habang nasa byahe ay parehas lang kaming tahimik, I think mag McDo kami or Jollibee since ang daan kung saan ang fastfood.

I want to buy some stuff pero wala akong dalang pera. Wala din akong plano na manghingi sa kaniya dahil nahihiya ako.

Hindi sa dahil manipis ang mukha ko, kundi sa nararamdaman nito.




Makaraan ang ilang minuto na byahe ay nakarating na kami sa mall which is sa KCC. Kaunti lang ang mga tao na lumalabas masok since walang holiday at busy ang iba sa kanilang work or mga students na nag-aaral.

Lalabas na sana ako ng hindi ko mabuksan ang pinto, kita ko din naman mula sa likod ang sasakyan ni Ma'am Lorrie na kung saan ay huminto kaya napalunok ako at kinabahan dahil baka nakikita nila kami ngayon.

"Tita, na-nasa... Baka makita nila tayo." Nanginginig ang boses ko ng sinabi yun.

She didn't answer bagkos ay tinanggal niya ang kaniyang seatbelt, she bent down para makalapit saakin at hinalikan ako sa labi.

Sobrang lambot ng kaniyang labi, sobrang swabe lang ang kaniyang galaw na parang she use to do this.

Akala ko ba gusto lang niya ako? Why kissing me now?

Dati ay normal lang iyon saamin pero ngayon ay nararamdaman ko na iba na ang pinapahiwatig ng kaniyang mga halik, I was about to push her dahil tumatagal na ito saakin pero I was right.....

Tita Laura's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon