Chapter 4

3K 131 3
                                    

Nathalie Aya Pov

Weeks later ay mas naging close pa kami ni Tita, minsan dumadalaw si Kuya saamin para kamustahin ako tapos manunuod kami ng TV tyaka siya aalis para umuwi baka hanapin raw siya ni Mama.

Kasalukuyang nandito ako sa covered court ng school namin dahil we're going to practice our Cottillon dance for the JS prom na kung saan gaganapin na sa next week.

Super excited ako kase si Tita na raw bahala sa susuotin at mag memake up para sakin, pumili kase ang facilitator ng Prom namin ng mga matatangkad at magandang babae at lalaki for our Cottillon but only 11 pair lang kaya 6 pair sa grade 10 at 5 pair saamin. Tatlo ang pinili sa aming section at isa na ako doon, pumayag naman si Tita kase Once in a lifetime daw to kaya sobrang saya ko.

Nag tipon tipon na kami at hinihintay nalang ng isang babae, si Olivia.

Ang kaibigan ko na sobrang tagal dumating, kapag sabihan mo siya na 1pm pumunta, darating yan sa 2 kase matutulog pa ang babaeng yun.

"Since si Olivia nalang ang wala, mamili nalang tayo kung sino ang magiging couple." Anonsyo ni Sir Daryl sa lahat kaya nagsitahimik silang lahat.

"Gago talaga yung si Olivia" Rinig kong sabi ng isa sa mga lalaki na g12.

Humarap ako sa kanila na siyang nagtatawanan. "Watch your mouth, kaibigan ko yung ginagago mo."

Napahinto sila sa kanilang kagagohan at nag peace sign.

"Kalma," Ani pa nito. I mentally rolled my eyes.

Habang nag-iisip si sir kung sino ang magiging pair. I'm hoping na sana ay hindi si Knight ang magiging partner ko.

Sinali kase ang lalaking to dahil may itsura naman daw tyaka matangkad. Kung ako pa ang instructor na pumili, talagang ekes siya saakin. Feeling pogi, kagaya nalang ngayon, katabi ko siyang katayo tas pinag-aasar na kami ng ibang napili.

Eww, so disgusting shenjanayo! Disgusting shit!

Hindi ko nalang sila pinansin baka lalo pang magpapansin, pinapalabas ko nalang sa kabilang tenga ang narinig ko. Inuna muna ni Sir ang sa Grade 10, magaganda din ang pinili ni Sir na dancer at ang puputi. Nagtalo pa ang ibang girls dahil gusto nila si Dan ang kanilang partner kase gwapo din kase ang lalaking yun but in the end, si Tania ang kaniyang na partner and I can tell na bagay talaga sila.

After them ay kami naman, partner ni Olivia si Jayden at ang tatlong babae mula sa ibang department ay hindi ko kilalal since classmates ko lang ang kilala ang gosh.... Pinagdasal kona na hindi ko siya maging partner pero siya padin. Ahhhh.

"Ikaw naman Nathalie, your partner is Knight." Sabi nito, sobrang lawak naman ang ngiti ng lalaking ito habang ako ay diring diri na kase ayo ko talaga sa kaniya noh.

"Pag minamalas ka naman oh!" Bulong ko sa sarili.

"Gago Pre, ship ko sila"

"Ang magaganda ay bagay sa gwapo katulad natin." Sure ka bro?

"Eww, ang magaganda ay para lang sa magaganda."

"Ehhhhh, sana all sobrang ganda ng Partner ni Knight." Pang aasar ng kambal ni Olivia, isa pa to. Ewan ko ba kung bakit nakuha rin ang baklang to. Hindi ko rin nga alam kung saang part sila naging kambal eh mas maganda naman si Olivia kesa sa kaniya.

Maputi siya kaunti tapos itim ang buhok while si Olivia maputi tulad ko at blond ang buhok.

Inirapan ko siya habang ang iba naman kasamahan namin ay inaasar din ako, pati nadin si Sir. Kasalanan kase ng lalaking to eh.

"See, destiny na mismo gumawa ng paraan." Lumapit ito saakin at bumulong ito.

Gagi, bad breath ka bro!

Tita Laura's Secret Onde histórias criam vida. Descubra agora