Chapter 18

2.5K 86 2
                                    

AN: This chapter was edited and changed due to inappropriate scene and use of  words.



Nathalie Aya Pov

"It's the third time na pinagsabihan kita Aya pero hindi ka nakinig, how many times can you understand na don't ever flirt back to that guy!!"

Pagkauwi namin ay siya namang sigaw niya saakin ng mga katagang iyon.

Nagalit siya dahil daw nakikipag landian na naman ako kay Knight kahit di naman, nakaupo lang ako dito sa sofa habang nakatayo ito sa harap ko at walang tigil akong pinagsisigawan.

"Look at me kid! Pinagsasabihan kita because it's for your own good." She said at tumigil ng kakalakad sa harapan ko.

"Wala namang hahantungan ang usapang to Tita, magbibihis nalang ako." Tatayo na sana ako ng hinawakan nito ang balikat ko para hindi ako makatayo.

"I'm talking to you kaya wag ka munang aalis!"

"I don't think so Tita, may gagawin pa ako."

"No, mag uusap muna tayo."

Pinagsiklop ko ang mga kamay ko at tumingin sa ibang direksyon, kitang kita naman na ayaw ko talagang mapalapit sa lalaking yun pero bakit pinipilit niyang nakikipaglandian rin ako pabalik?

"Kapag kinakausap kita, saakin ang atensyon mo, hindi sa ibang bagay!"

Hinawakan niya ang panga ko at itinuon ang aking mukha sa kaniya.

"Don't ever avert your attention elsewhere, Aya. Nasa harap mo ang nagsasalita, hindi doon." Sabay turo niya sa direksyon kung saan ako humarap kanina.

Tumigil ito sandali pero kita ko sa kaniyang mukha na galit na galit na ito at naningkit na ang kaniyang mga mata.

Muli kong itinuon sa ibang direksyon ang mukha ko, rinig ko ang kaniyang malalim na hininga. Hindi pa nagtagal, naramdaman ko ang kaniyang palad na dumapo sa aking pisnge na may kasamang malakas na pwersa.

The slapped direction came where I look at. Parang nabali ata ang leeg ko sa lakas ng sampal na ibingay niya saakin.

Parang buong galit niya ang pinatong sa kaniyang palad.

I can't believe this, she slapped me.

"How dare you won't listen to me? Palagi ka nalang ganiyan, Aya! You don't even understand why I'm doing this!" Sigaw na naman nito saakin.

Hinawakan ko ang pisnge kong sinampal niya at dinama ang balat na siyang humahapdi na ngayon.

I poke my inner cheek.

Hindi ako papayag na palagi nalang siyang ganito, palagi nalang ako yung mali sa paningin niya kahit alam ko naman sa sarili ko na iniiwasan ko ang magalit siya saakin.

"You never understand ku—"

"Shut up Tita, alam ko at naiintindihan ko ang sarili ko more than you think na alam mo ang nakabubuti saakin!" Sabay tayo kong sagot sa kaniya.

Hindi makapaniwala niya akong tinignan because this is the first time akong sumagot sa kaniya.

Hindi ko kailan man nasigawan si Mama maliban sa kaniya, because in the first place, siya naman ang gumawa ng rason para sigawan ako.

"May gana kapa talagang sumagot saakin?" Galit nitong asik sabay turo saakin.

Sinampal ko palayo ang kaniyang kamay, kailan man, hindi ako papayag na ganitohin niya ako.

"Why? I can't? May bibig ako kaya pwede akong sumagot kung kailan ko gusto!"

"See? Yan ang natutunan mo sa pakikipag-kaibigan sa lalaking yun. Marunong kanang sumagot saakin. Marunong kana ring lumandi!" Madiin nitong sigaw sabay turo sa may itaas.

Tita Laura's Secret Where stories live. Discover now