Chapter 26

2K 66 0
                                    

Nathalie Aya Pov

"Yun akin oh!"

"Beh, mag maganda yun."

"Hindi! Mas maganda yun."

"Ang panget naman ng taste mo. Mas ganda yung blue."

"The purple one is more beautiful sis, Bulag kaba? "

"Mas maganda nga yun eh!"

"Kain nalang tayo, ang ingay niyo." Sita ko sa kanilang dalawa.

Kasama ko ang kambal kong kaibigan na si Oliver at Olivia. May nakita kase silang Teddy bear. Gusto ni Oliver yung purple while kay Olivia ay blue.

Nagtatalo silang dalawa kung alin ang maganda, pero nong nakita kong may kainan which is Dunkin donuts ay pinatigil ko ang dalawa para tumahimik na. Pinagtitinginan na rin kase kami ng mga tao rito sa Mall dahil sa ingay ng mga to!

Kaming tatlo lang ang nandito sa mall, kuya insisted to come with us dahil may gagawin sila na project with his team mates. Gusto pa ngang sumama ni Oliver pero hindi pumayag si Kuya dahil halos lalaki raw ang kasama niya roon at baka makipag landian siya. You know... Nagseselos po ang kuya ko dahil inlove siya sa bakla na sobrang ingay at makapal ang mukha.

What if ginayuma niya ang kuya ko para lang ma inlove yun sa kaniya?

Sana naman hindi, mukha pa namang mangkukulam ang mukha non.

"Hoy! Sabi mo Aya libre mo, ikaw magbabayad ha?" Sabi ni Olivia at tumango naman ako.

Ang mga gaga, tumakbo papunta sa loob. Nauna pa talaga saakin.

Ang kakapal ng pagmumukha.

Na bored kase ako sa room ko kaya naisipan ko na pumunta nalang dito, pero mas lonely kung wala akong kasama kaya tinawagan ko ang dalawa. Natuwa naman nang sinabi ko na libre ko nalang. Ang tahimik kong buhay kanina ay parang gira na, bakbakan ng salita ang palagi kung naririnig mula sa dalawang iyon.

Pagpasok ko, nakita ko ang dalawa na nasa counter na at nagsisi-order kaya lumapit din ako roon.

"Miss, dalawang burger akin tyaka yung chocolate donuts na may topings na chocolate." Natawa ako sa order ng isa.

Nauna kase si Olivia and she said, she wants chocolate na may tapings na chocolate. Diba ang bobo niya?

Binatukan siya ng kaniyang kambal dahil sa kaniyang sinabi, since sila na ang pumila ay naghanap nalang ako ng tamang spot para saamin.

Dito ang napili ko sa pinaka corner since medyo maraming tao dito, sabado kase kaya pa chill chillmuna bago sakit ng ulo.

"Miss, akin ay pineapple juice, burger, donuts din na chocolate, make it two every order ko." Rinig kung sabi ni bakla. Tahimik lang kase ang mga tao rito kaya rinig na rinig ko ang bawat sinasabi ng dalawa.

Ang takaw, nagutom na ata ang bibig niya kakadaldal nila sa daan kanina. Pinagtitinginan na nga kanina pero wala paring pakialam. Yung may sariling mundo ang dalawa.

Ilang minuto din ang lumipas at bumalik na ang dalawa. My gosh tatlong tray ang dala nila.

"Hi Friend, kain kana. Masarap yan." Alok sakin ni Oliver.

Baka akalain ng mga tao dito na sila ang nanlibre sakin, kahit na ako naman talaga.

"Syempre. Ikaw lang naman ang hindi." Sagot ko naman dito at natawa ang kaniyang kambal na gaga din pero pagbigyan muna ngayon.

"Guys may kwento lang ako sa inyo." Panimula ng bakla.

Tumango naman kami ni Olivia, nagsimula nadin kaming kumain habang magsasalita siya. Tiyak maraming lait na naman ang sasabihin ng baklang to kapag may chika.

"Do you remember nong pinartner ni Ma'am si Knight sa'yo Aya?" He ask me.

Tumango naman ako, ako na naman pala ang chika ni bakla.

"Well, narinig ko na nagpustahan sina Knight at ang barkada niya na if Knight succeeded na ma inlove si Aya sa kaniya ay siya ang panalo."

"And then?" Oliver inserted.

"Well... Ayun! Ginawa nga ni Knight, pero ang hirap kaseng paamuhin nitong si Aya kaya natalo si Knight."

"At bakit naman?" This time, ako na ang nagtanong.

"They gave him one week, sa taas ng tingin ni Knight sa kaniyang sarili ay sumang-ayon siya. Since natapos na ang one week pero hindi niya nagawa, kaya ayun.... Tumakas ang gago kase malaki pala ang taya nila."

Kinilabutan ako sa sinabi niya. Kaya pala palagi niya akong nais ayain na kumain sa labas para mahulog sa patibung niya at siya ang manalo. Kahit anong pagwapo din naman ang gawin niya ay hindi ko talaga siya magugustuhan, yowww.... He's not my type kaya.

"So anong nangyari sa kaniya?"

"Hinanap siya ng barkada niya. Nong nalaman nila na nagtatago si Knight sa uncle niya ay doon na siya binugbog sa bahay. Nasa hospital siya ngayon, hindi naman critical ang kondisyon niya pero hindi niya lang magalaw ang katawan niya since pinalo siya ng baseball bat."

Parang nanginig ang laman sa katawan ko at nawalan ng lakas ang mga tuhod ko.

Pakiramdam ko, ako ang binugbog. Nakakatakot isipin.

"So sino na ang magiging partner ko?" I ask.

"Siya parin, halerrrrr... Okay na siya, siguro next week papasok na siya. Binayaran na kase ng parents niya ang utang kaya hindi na siya hina-hunting."

Nakahinga naman ako ng maluwag, kahit hindi ko siya gusto ay hindi naman mabuti kung pagtawanan ko siya sa nangyari sa kaniya.

Siguro karma narin niya yun dahil sa ginawa nila akong laro. Ganon naba ako kaganda para gawin nila yun?

"Hayys, akala ko pa naman papalitan na. Kadire kase silang dalawa ni Aya magkasama, parang ang kasama ni Friend eh aso." Panglalait nitong babaeng katabi ko.

"Korak ka diyan, Maddie. Kaya kumain na tayo, kanina pa ako gutom." Oliver said at kinagat ang burger.

Grabe, ang laki ng bunganga. Biruin mo, isang kagat lang eh half nalang ang natira.

Sana naman tumatanggap sila ng card dito. Wala pa naman akong cash na dala.

Gosh, someone help me.

Baka magkautang ako nito sa Dunkin, ang rami pa namang tao.






"Beh, bakit hindi mo naman sinabi na wala ka palang cash na dala? May pa card card kapang nalalaman, buti nga lang may laman."

Well, pinagalitan ako ni Oliver. Katulad ng inaasahan ko ay hindi sila tumatanggap ng card kaya lumabas pa ako para mag withdraw ng kunting pera.

Nakakahiya nga kanina kase ang daming tao, pero nabawi naman kase sabi ng babae malaki raw ang laman kapag black card. Nanginginig nga ang kamay niya kanina kase gusto raw niyang makita ng mabuti.

Gosh, sobrang yaman ba ni Tita para magkaroon ng black card. Nag withdraw nga ako ng twenty thousand, kinakabahan na nga ako na gamitin yung card.

What if mawala ko? Talagang lagot ako kay Tita nito.

"Sorry na nga diba? At least nabayaran kona." Nangingiyak kung sagot.

Patuloy na kami sa aming ginawa na paglalakwatsa sa mall, mga five thousand na ang gasto ko pero hindi parin nag-give up ang dalawa.

Kanina pa kami dito sa arcade eh ang ingay, gusto ko ng umalis pero natatakot ako.

Kanina ko pa kase napapansin na parang may sumusunod na lalaki saamin. He's always watching us, kanina nasa loob siya ng Dunkin tapos ngayon nandito na naman sa Arcade.

I can't take care of myself. What if...

Tita Laura's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon