CHAPTER 22

13 11 0
                                    

Chapter 22
_________________♡_________________

Kumain muna kami sa mcdo, maaga panaman para umuwi at ayaw pa nila kaya naisipan nalang naming kumain na muna.

Isa pa pare parehas kaming gutom dahil siguro mga napagod din.

Kaniya kaniya silang order pero si Sean ang nag order para saaming dalawa. Kung maka alaga naman siya saakin ay para akong buntis.

Bumalik narin sila agad sa table namin dahil tatawagin nalang daw ang order number namin.

"Alam niyo naba kung anong section kayo?" Tanong ni Liara.

"Hindi pa ata sinasabi eh, sa sabado pa ata kasi sa monday ang start ng klase." Sagot ni Amara.

"Sana hindi ko ito kaklase!" Sambit ni Liara sabay turo kay Ralex.

"Ano? Ako nanaman!?" Reklamo naman nito kaya nag tawanan kami.

"Hindi naman talaga dahil mas matalino ako sayo! For sure mas mataas ang average ko sayo!" Pag yayabang naman ni Ralex.

Magiging mag kaklase lang naman kasi sila kung hindi nag kakalayo ang average nila. Pero mag malayo ay wala talagang chance na maging mag kaklase sila.

"Talaga lang ha! Baka malayo talaga ang average mo sa saakin kasi ikaw mababa!" Ganti naman ni Liara.

"Ito oh mababa." Sabi ni Ralex sabay pakita ng middle finger niya.

Sinapuk naman kaagad siya ni Tobi kaya napa aray aray ito.

"Bawal yan! Masamang creature!" Sabi ni Tobi kaya natawa ako.

Ang kukulit nila doon. Pinag titinginan nanga kami pero parang wala silang napapansin kaya kami na ni Sean ang nahihiya.

Hindi naman ako nakikisali sakanila at panay iwas ang tingin para mag mukang hindi ko sila kilala. Nakakahiya kasi yung ingay nila.

Natahimik naman sila ng sunod sunod ng tinawag ang mga number nila. Pag balik ay nag sikain na kaagad sila. Halatang mga gutom na.

"Ako na! Kumain kana diyan!" Suway ko kay Sean ng makitang gusto pa ata akong subuan.

"Sige na! Isa lang!" Pamimilit niya pa.

Wala naman akong nagawa kundi bitawan yung kutsara at tinidor para masubuan niya ako.

"Dami niyo namang alam! Putulin koyang kutsara at tinidor diyan eh!" Sabi naman ni Rhea.

"Next time wag niyo ng isama yang dalawa! Hayaan niyo sila!" Singit ni Mira.

Sinamaan ko naman sila ng tingin kaya nag tawanan sila.

Hinayaan naman na ako ni Sean doon kumain. Hindi kasi siya makakakain ng maayus kung susubuan niya pa ako.

"Nabusog kaba?" Tanong saakin ni Sean.

Tumango tango naman ako bago sumimsim doon sa mcfloat ko. May burger pa ako kaya iyon naman ang kinain ko.

"Patikim!" Sabi ni Liara.

Pinakagat ko naman siya doon sa burger ko. Nakatingin naman samin si Sean kaya natawa ako.

"Bakit?" Natatawang tanong ko sakaniya.

"Kakagat ako diyan kanina tapos nilayo mo, pero sakaniya hindi!" Pag tatampo niya at naka simangot na siya ngayun.

"Kadiri daw kasi yung laway mo!" Banat ni Liara at nag apir pa sila ni Ralex.

"Duraan kita diyan eh!" Banat naman ni Sean.

"Yuck! Babagra niyo!" Reklamo ni Mira.

"Oh ito na, kagatin mona yung burger ko." Sabi ko naman bago inalok sakaniya yung burger.

Letters Of TearsWhere stories live. Discover now