Chapter 37: The Untold Story Series 3: Lincold Loud. The Loud House Sister

319 0 0
                                    

Creepy story 8
xxx file || untold
May 27, 2023

"Ang swerte ko talaga at meron akong sampong kapatid na babae hayyyy akalain mo yon? Sa aming 11 na magkakapatid isa lang ung naging lalaki. At ako yon!" Proud na proud kong sabi sa best friend ko na si Clyde. Pero pansin ko ang mukha niya na puno ng pag aalala. Natawa nalang ako dahil sa itsura niya.

"Ano yan clyde? Ba't ganyan ang itsura mo! Hahahahah tumingin ka sa salamin nakakatawa talaga." Sabi ko pa na tawang tawa.

"Lincoln... Please, itigil mo na 'to." Sabi niya. Akala ko ay nagbibiro lamang siya pero sa mukha niya ngayon? Mukhang hindi. Kaya unti unting nawala ang ngisi ko sa mukha dahil minsan lang naman mangyari kay Clyde ito.

"Ano bang pinagsasabi mo Clyde? Anong itigil?" Takang tanong ko.

"Yan. Ang pag iilusyon mo na meron kang kapatid. Lincoln, only child kalang nina tito at tita at pati sila ay nag aalala sa kalagayan mo." Sabay hawak niya sa aking balikat.

Inalis ko naman agad yon at umatras ng kaunti. Hindi naman pwedeng mangyari yon dahil crush na crush ni Clyde ang kapatid kong si Lori.

"Nag jojoke kaba Clyde? Ha.. ha. Hindi nakakatawa ah, eh diba crush mo si Ate Lori? Tapos mag jojoke ka ng ganyan. Naghintay pako ng konting oras na ngumiti siya at sabihing nagbibiro lang siya pero hindi.

"Yung oras na yon, Lincoln. Sinasakyan ko lang yung mga iniilusyon mo. Sa katunayan si Lori ay hindi naman nag eexist, ganoon din naman sino Leni, Lynn, Luan, Luna, Lisa, Lucy, Lola, Lily, at si Lana. Ilusyon lang lahat sila." Umiling iling pa ako dahil hindi naman talaga totoo ang pinagsasabi niya.

"H-hindi... Nagkakamali k-kalang Clyde. Totoo yung m-mga sinasabi ko na may s-sampo akong kapatid na b-babae. Kaya imposible yang mga sinasabi mo." Sabi ko na unti unting lumalayo sakniya.

Nakita ko pa sa mukha niya ang awa. B-ba't iba ang pakiramdam ko sa sinabi niya? May kalahati sa akin na naniniwala at ang kalahati ay hindi. Totoo naman sila Lori at ang iba hindi ba?

"Clyde haha 'di ako nakikipagbiruan dahil totoo sila. Nakakasama ko pa nga at may kwarto pa sila." Sabi ko na pilit ipinapaliwanag sakaniya.

Tumingin siya sa akin na mas lalong nagpakaba sa akin.

"Lincoln... yung mga nakakasama mo ay... M-mga manika lamang. Nung una naming nakita yon na kinakausap mo ang mga manika ay napag alaman namin na may sakit ka, kaya ka dinala nina tito at tita sa hospital. At tama ang hinala namin na may sakit ka." Pagpapaliwanag niya.

Hindi ko na kaya ang pinagsasabi niya kaya tumakbo nalang ako. Tinawag niya pa ako ng ilang beses pero hindi ako lumingon, nilamon na ako ng kuryosidad at gusto kong malaman ang totoo. Hindi kay Clyde pero kina Mom and Dad.

Nang makarating ako sa bahay ay natagpuan ko na sila Mom at hindi na ako nagpaligoy ligoy pa.

"Mom... Totoo ba yung sinasabi ni Clyde? Ha?! Sabihin niyo ang totoo! Dad, m-may sakit ba ako? Only child lang ba ako at nag iilusyon na may mga kapatid ako?! Sagutin niyo ko!" Doon ko binuhos ang sakit na nararamdaman ko. 

"A-anak..." Yun lamang ang sinambit nila. Pero alam ko na ang sagot, na totoo ang sinabi ni Clyde.

Dali dali akong umakyat sa kwarto ko at natagpuan ang mga manikang bihis na bihis at ang manikang ito ay kamukha ng mga kapatid ko na sina ate Lori. Tama nga si Clyde na may sakit ako. Mas lalo pang kumirot ang dibdib ko at nag mukmok. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa maubusan nako ng luha.

Habang umiiyak ay parang tv na nagrereplay sa utak ko ang mga nangyari sa akin na kasama ang mga kapatid ko. Pero ngayon manika na ang mga kasama ko. Yung mga oras na kasama ko sila sa galaan at sa iba pang bagay. At nakikita ko ang mga itsura ng mga taong nadadaanan namin ang pag ka disgusto nila sa amin, kaya pala nagagalit sila ay dahil sa akin. Dahil sa sakit ko. Dahil sa ginagawa kong ingay at dahil sa pag iilusyon ko na may kapatid ako.

Nanatili pa din akong nakayuko at humagulgol.
___________

This is the reason why Loud House episodes is in comics style. Because all of the episode in the Loud House cartoon is just a part of Lincoln illusion.

Its_GoldenDarkness || I.G.D

One Shot CompilationWhere stories live. Discover now