One shot story

3 2 0
                                    

Monday at pasukan nanaman pero ilang linggo nalang ang dadaan tapos na ang school year kaya heto ako naghahabol maipasa yung assignment namin sa terror kong teacher, hindi ko namalayan na nakatulugan kona pala ito kagabi kung kaya dito kona tinatapos sa room namin bago ang time ni ma'am.

Malakas siguro ako Kay papa G, today kaya naman natapos ko yung assignment namin bago dumating si ma'am. Thankful din ako dahil lunch break na after nang klase ni Ursula.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~>>>>

Naglalakad kami ng kaibigan kong si Isariah at Jeanna pabalik ng classroom galing canteen habang higop higop ko ang binili kong chuckie ng mahagip nang dalawa kong magaganda mata ang isang chinito na seryosong naglalakad kasabayan ang mga kaibigan niyang nagtatawanan.

Oa pakinggan pero bigla nalang tumigil ang oras at tanging siya lang ang nakita ko sa mga sandaling yun.

Shet, napana ni kupido ang puso ni Inday!

Bigla lang akong bumalik sa ulirat ng hampasin ni Isariah ng malakas ang likod ko kaya bigla kong nabilaukan sa iniinom kong chuckie na ngayon ay tumalsik din sa suot kong PE uniform. Mabilis kong tinapunan ng tingin ang bruha kong kaibigan na ngayon ay kung maka tawa akala mo wala nang bukas.

"HAHAHHAHAHAHAHAHA" tawa ng bruhang si Isariah

Gagad naman akong dinaluhan ni Jeanna at pinunasan ang damit kong natalsikan ng lintik na chuckie.

"Saya ka?" Sarcasm kong tanong

"Medyo" sagot naman nito sabay tawa ulit. "Para ka kasing sira, kinakausap kasi kita ayaw mong sumagot, e" dagdag pa niya.

Ako pa ngayon ang may kasalanan siya nga itong nanghahampas. "Pwede naman kasing tapik lang" reklamo ko.

Hindi konalang pinansin si Isariah na tawa parin ng tawa habang kumakain ng kwek-kwek samantalang si Jeanna naman ay pinag patuloy na ulit ang pagbabasa ng notes para sa quiz namin mamaya.

Muli kong tinignan kung nasaan ang chinito na nakita ko kanina pero wala na ito doon kung kaya badtrip akong pumasok ng classroom hanggang sa mag uwian.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~>>>>

"Ingat sa pag uwi, lampa kapanaman" paalam ni Isariah gayun din si Jeanna na ginulo lang ang buhok ko bilang pagpapaalam. Hobby niya yun gawin sa buhok ko.

Sabay na silang umalis dahil pareho lang naman sila ng dadaanan samantalang ako naman ang naiiba. Malayo layo ang bahay namin sa school pero mas pinipili kong maglakad kesa gastusin iyon at siyang ilalagay ko sa alakansya para makaipon.

Pero malas nga siguro ako dahil hindi pa ako nakakalayo ay bigla namang umambon na siyang naging ulan kinalaunan. Agad akong tumakbo sa waiting shed na nakita ko sa hindi kalayuan at siniksik ang sarili sa gilid upang hindi ako abutin ng ulan. Hinalungkat ko gagad ang bag ko para sana kunin ang panyo ko doon ng maalala kong nakalimutan ko pala itong dalin, dismaya ko namang inayos ang bag ko at pinagpagan nalang ang damit nang laking gulat kong may biglang tumabi sa akin na matangkad na lalaking basa ng ulan. Nanlalaki ang mata ko ng makilala ito, ito yung chinitong nakita ko kanina.

Naamoy ko ang panlalaki nitong amoy habang nagpupunas ito ng sarili. Pinakatitigan ko ang muka nito at doon ko napag tantong mas gwapo ito sa malapitan. Perfect jawline, matangos na ilong, mapulang labi na dinaig po ang sa akin at ang chinito nitong mga mata na nakaagaw ng aking pansin. Gagad naman akong nag iwas ng tingin nang bigla itong tumingin sa akin.

Nakakahiya!

Tumikhim ako para matanggal ang pagkahiyang naramdaman ko'nang bigla itong may inabot sa aking panyo. Nagpabalik balik ang tingi ko doon at sa kaniya na naguguluhan kung aabotin ba ang panyo na inilahad niya. Nang hindi ako gumalaw siya na ang nag kusang naglagay nito sa kamay ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I like you, the way you like her                                  ( -juxxz ) Where stories live. Discover now