intro

34 0 0
                                    

broken films


"Class, for your finals project, you would have to make a documentary of anything you like — your interests have to shine through your work. Any questions?"


Wala.


Walang tanong at wala na ring nararamdaman si Lana. Pagod na pagod na siya sa semester na ito at dadagdagan pa talaga ni Mrs. Reyes ang mga problema niya.


Hindi nga talaga biro maging film student.


"Individual po ba ito, ma'am?" 


"No, you can do this by pair. Submit it to me next month at the 18th. Class dismissed."


Nang matapos ang klase, nakaramdam ng masamang elemento si Lana. Tumalikod siya, at tama nga, nakatayo roon si Rios, ang best friend niya since childhood.


"Ikaw nanaman?" Reklamo ni Lana. "Sawa na ako sa pagmumukha mo."


"Pasalamat ka nga napakapogi ng nakikita mo araw-araw," pagyayabang ni Rios. "Women would die just to have a look at me."


"I'd rather die." Lana glared.


"Oh, siya! Ano nang plano natin?"


"May interes ka bang hinayupak ka?" Tanong pabalik ng dalaga. Napabuga ito ng hangin nang marinig ang sagot ng kaibigan.


"Ikaw."


"Tangina mo talaga."


"I mean— Ikaw? Anong interes mo?" Napahalakhak si Rios, hindi pinapahalata ang kaba na naramdaman nito. "Feeling mo naman! Ew! Yuck! Kadiri, Lana!"


Hinampas ni Lana sa ulo ni Rios ang notebook niya.


"Feeling ko nice din mag-interview ng mga mag-ex o 'di kaya naman 'yung may tragic love story ganon?" Suggest ni Rios. "Ewan ko, parang gusto ko light lang pero nag-eenjoy ako sa pakikinig."


"Light tapos tragic?" Pamimilosopo ni Lana. "Pero, sabagay, goods din 'yan. Talino mo roon. Good boy!"


"Paano ba tayo magsisimula? May kilala ka ba?" Tanong ulit ng dalaga. Napangiti si Rios nang makaisip ng iilang mga tao na akma sa kanilang proyekto.


"Parang ito na ang aking broken arc," Rios chuckled. "Broken films ganon."


"Yeah..." Lana smiled with the newfound title. "Broken films."


broken films [kpop x oc oneshots]Where stories live. Discover now