TO THE MOON AND NEVER BACK

5 0 0
                                    

Beads of tears streamed down from my eyes down to my face as my emotions started to build up inside my chest. I silently cried, hoping everything was just a dream.

“L-love..” nahihirapang usal niya.

I took a deep breath to release this painful emotion. These past few days, alam kong inoobserbahan niya ang bawat galaw ko. He diagnosed with leukemia. After hearing that painful word from the doctor, ni hindi ko ipinakita sa kanyang umiiyak ako. But now is different.

“Y-yes, love?” I asked.

We are now in the living room in their house. Isa ito sa mga hiniling niya sa akin bago daw siya mawala. It hurts a lot knowing that this would be the last. I looked at him, scanning every inches of his face. His bald head, the tiredness of his eyes, his pale lips. I even scanned the visible bruises on every part of his body. Pumikit ako ng mariin, ayaw ng nakikita.

“I...love you..” he painfully uttered.

Tears began to form in my eyes for the ninth time.

“I-I’m dying.. please, Parolie..I d-don’t want you to l-lose yourself..” he almost pleaded.

“I already lost, Elias.” I looked at him. “The moment you diagnosed with no cure disease, I am not just lost..” I took a deep breath with my eyes full of tears. “... I’m d-dying.” humagulgol ako matapos kong sabihin iyon. Tahimik akong nagmura sa kung ano mang nararamdaman ko ngayon. Ayoko nito. Gustong gusto kong mag makaawa na wag siyang kunin sakin. Siya lang ang buhay ko. I already lost my family three years ago. Ngayong siya na lang ang pamilya ko, pwede bang kunin Mo na rin ako?

I’m hopeless. Yes. Alam kong ano mang oras mula ngayon ay iiwan na niya ako. Ayokong tanggapin, ni ayokong isipin na sa isang iglap, mawawala na siya sakin.

“P-parolie...promise me.” his voice cracked.

Iniharap ko ang mukha niya sakin at marahang hinaplos. “I promise..but fight, ‘hmm? Fight for me. I know you can.. p-please, I’m begging..please” I pleaded.

“I-I’m sleepy, love.”

Lalong lumakas ang pag-iyak ko. “No.. p-panaginip lang ang lahat ng ito, ‘d-diba? Sabay pa nating aabutin ang mga pangarap natin. Ikakasal pa tayo sa simbahan na pinangarap natin. Ihahatid pa ako ng mama mo sa altar papunta sayo. Napag usapan natin ‘yon dahil wala na akong mga magulang, ‘diba?” mahina akong humagikhik habang patuloy ang mga luhang umaagos, sumasakit na rin ang panga ko dahil sa pag iyak. Pagod na ako pero ayokong sumuko na sabihin sa kanyang lumaban siya. “Love naman.. yung mga anak natin, diba sabay pa tayong mag iisip sa mga magiging pangalan nila? You promised me, love.” I cried. “Ano? Magpapatalo ka sa p*tanginang sakit na yan? Hindi ka mamamatay, Elias, dahil ano? Sabi ng doktor? Hindi sila ang may hawak ng buhay mo! L-lumaban ka, Elias, kasama mo ‘ko. Nandito ako sa tabi mo. Hindi kita iiwan, love. Ipaglalaban kita. Please... fight, love.” mahabang litanya ko habang patuloy na umaagos sa mga mata ko ang mga malulusog na luha.

We cried a lot. Tanging mga iyak lamang namin ang maririnig sa bawat sulok ng bahay. Nang mapagod ay hinalikan ko siya sa noo at marahang hinaplos ang luhaan rin nitong mga mata.

“Can.. I sleep now, love?”nang hihina na niyang tanong.

Matagal ko siyang tinitigan habang patuloy na rumaragasa ang walang ubos kong mga luha. Ayokong masaktan, pero mas ayaw kong makitang nahihirapan siya. Is it really this early? I guess I have no choice. I have to accept it. Susunod na lang siguro ako sa kanya.

“Is this what you really want, love?” masakit sa pusong tanong ko. He nodded. He want to do this. So I did, too. Huminga ako ng malalim at bahagyang tinapik ang balikat ko.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Jul 23, 2023 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

TO THE MOON AND NEVER BACKOù les histoires vivent. Découvrez maintenant