POEM 12

0 0 0
                                    

Di ko alam, kaba ba o lungkot na lamang?
Hindi nanay, ngunit takot ay aking nadarama.
Kahit gabi, tutungo pa rin ako,
Marinig lang iyong tawag sa tuwing mag-iiyak ka.

Ngunit di iyak ng bata ang aking narinig,
Kundi iyak ng bantay, sa'yong tabi naghihintay.
Ayaw ko, 'di ko kaya,
Hindi dapat, ngunit wala na, siya'y nawala na.

Napakagaan pa ng iyong paglipad,
Ngunit bakit, 'di malaman, bakit agad?
Iniintay kita, umaasa sa iyong pag-uwi,
Ngunit wala, batang ngumingiti.

Sa'yong paglipad, ika'y iniwan,
Nanlalamig, nangungulimlim.
Mata'y namumugto ng taong may dala sayo,
Dala ng pagmamahal at pag-aalala, walang sawa.


Mahirap tanggapin, masakit para sa amin,
Mahal ka namin, aming prinsesa.
Sana'y masaya ka sa'yong paglalakbay,
Alam kong babalik ka, ito'y hindi pa ang tamang oras para iwanan ka.

Kaya't maghihintay kami, at sa pagbabalik mo,
Narito kami, nagmamahal nang wagas, handang yakapin ka, at tanggapin nang buong puso.

Emphemeral Euphoria; A Dance of YesterdayWhere stories live. Discover now