CHAPTER NINE

73 4 0
                                    

(ELDON POV)

"Capt. bat ganyan mukha mo?"tanong ni Colt. "Hindi kaba nilambing?"tumawa naman ang loko. Ilang buwan din kaming busy, wala kaming sapat na oras. Pupunta lang siguro kami sa baraks para mag report at kumuha ng mga gamit. Wala rin kaming sapat na tulog, lagi kaming  nakaduty. Bumalik na nga kami sa trabaho, minsan na rin kaming nakaencounter ng terorista, pero hanggat hindi nila kami ginagalaw ay hindi kami nagsisimula, dahil malaking gulo ang mangyayare pag nagkabangga kami. 

"Gagu, tapusin niyo na yan, para makauwi na tayo."saad ko.

"Miss mo lang misis mo. Mukhang hindi kayo ayos eh."saad niya ay tinawanan ako. Binato ko nga siya ng hawak kung bottle.

Hindi nga ako kinibo kanina, wala naman akong magagawa dahil kasalanan ko naman, hindi ako nagparamdam sakanya ng ilang buwan kaya may karapatan siyang magalit saakin, nasa Tarlac pala siya ngayon.

["Tiger speaking. Alpha, may hostage taking malapit sa drug store. Over."]saad ni Lucio mula sa radyo, seryosong napakunot noo ako. Dahil konektado ang radyo namin sa lahat ay nalaman din nila Colt at ng iba pa.

"This is Alpha speaking. What is the exact location? Over"tanong ko. Wala nang sumagot sa tanong ko.

"Tapusin niyo ang mga gagawin dito, that's an order."saad ko sa ibang sundalo nang makitang nagmamadaling naglinyahan na sila, bumaling naman ako sa dalawa bago suminyas. Nagsaludo muna sila ganon din ako at saka na sumakay sa kotse, bumaling naman ako kay Colt. "Find the exact location of Tiger and Snoopy, Wolf."

"Copy that, Alpha."sagot naman ni Colt.

"Connect our radio to HQ, Bomby."saad ko naman kay Sebastian.

"Radio 4356, it's already connected to the HQ, Capt."sagot niya naman.

"This Capt. Lee of Delta Team speaking, we're going to hostaging taking. Over."saad ko, hindi ko na hinintay ang sasabihin nila.

Agad naman nga namin pinuntahan ang lokasyon kung saan nangyayare ang hostage taking. Naabutan nga namin sila, agad akong lumapit sa dalawa. Ang ibang pulisya ay hindi makalapit.

"Ano na ang nangyayare?"tanong ko kay Wolf at tinignan ang pinaplano nila.

"Masyadong mapanganib pagpinilit ang paglapit sa hostage. May sugat na rin ang leeg ng bata."sagot naman ni Wolf.

"Asan ang Sarhento nila?"tanong ko kay Tiger. Agad namang tinuro ni Tiger, kaya agad akong lumapit.

"I'm Capt. Lee, wag niyo na munang pilitin ang mga taohan mo, dahil baka may mangyareng masama sa Hostage."saad ko, tumango naman ito. Suminyas ako sa apat na lumapit.

"May maliit na iskinita banda sa likod ng kinatatayuan nila. May malapit bang daanan para makalusot doon?"tanong ko sa Sarhento. Tinuro naman nito. "Wolf at Bomby kayong dalawa ang pumunta sa iskinita, magpasama kayo sa tauhan ni Sarhento. Snoopy, alam mo na ang gagawin mo, maling galaw wag mong puruhan. Now move."saad ko.

"Copy that, Alpha."sagot nila.

"Tiger, try to convince him. Don't try to scare the kid."saad ko. "Pag hindi mo kaya pabaguhin isip, patayin muna."pabirong saad ko, kaya naman nakatanggap ako ng batok kay Sarhento. Gag* ngayon lang ako nabatukan. Buti nalang matanda nato.

"Loko kang bata ka, baka dyan ka mawalan ng trabaho."saad ni Sarhento.

"Nagbibiro lang po ako."saad ko at napakamot sa batok at napabusangot, tinawanan naman ako ni Lucio at napailing-iling. Kasi naman napakaseryoso eh.

"Manong! Hindi po tama yang ginagawa niyo, kawawa yung bata."saad ko. Inalis ko naman ang mga armas ko, ang dagger lang ang tinira ko. Ganon rin si Lucio, inangat ko ang kamay ko habang lumalapit kay manong.

"Wag kayong lalapit! Papatayin ko ito."saad ni manong pero halata mo naman na hindi niya magagawa dahil sa  panginginig nito.

["This is Snoopy speaking, I'm ready position. Over."]

["This is Wolf speaking, we're ready position. Over."]

"Ano po bang problema niyo? Nandadamay pa po kayo ng bata."saad naman ni Lucio.

"Kailangan ko ng pera, kailangan ko bumili ng gamot para sa anak ko."saad naman nito at diin ang kutsilyo sa bata. Umiiyak na ang bata.

"May pera siya."turo naman saakin ni Lucio, lokong to.

"Hindi matutuwa ang anak mo sa ginagawa mo. Kaya hanggat maaari, ibaba muna ang kutsilyo kawawa ang bata. Kung pera lang naman ang kailangan mo, wag mo ng idamay ang bata, wala siyang kasalanan sa perang kailangan mo. Bibigyan kita ng pera. Ako ang bahala sa gamot ng anak mo. Doctor ang asawa ko."seryosong saad ko. Napaiyak naman si Manong at dahan-dahang nilalayo at binababa ang kutsilyo. Nang malayo na nga ang kutsilyo ay suminyas nako sa dalawa, pagkahatak ko sa bata sabay ng paghawak ni Wolf sa kamay ni Manong at agad na pinadapa ito.

"This is Alpha speaking, the hostage is safe. Over."saad ko sa radio.

Pagkatapos nga namin maligtas ang hostage ay bumalik na kami sa trabaho namin kanina.

Tinatapos na nga namin ang aming trabaho dahil nakatanggap ako ng report sa comando, pinapabalik na kami sa Manila. May bagong ibinabang utos saamin, kaya naman kahit na pagod na kami ay kailangan naming kumilos.

Ginabi na nga kami bago namin mapatapos ang trabaho, pinapahinga ko na nga muna sila dahil mamayang madaling araw kami babalik sa syudad.

To: Wifey
      Gising ka pa ba?

Kala ko ay hindi na siya magrereply dahil anong oras na rin, nagulat ako ng bigla siyang tumawag.

"Hello?"saad ko, sandali siyang hindi umimik. "Bakit gising ka pa?"tanong ko.

["Kasi hindi pa tulog?"]patanong na sagot niya, napailing nalang ako at napangiti. ["I can't sleep."]saad niya.

"Bakit? May problema ba?"tanong ko. "May problema kaba sa trabaho?"

["Wala naman, hindi lang ako makatulog."]sagot niya. ["May bumabagabag lang saakin."]dagdag niya pa.

"Ano naman yun? Pwede mo naman sabihin saakin."saad ko, napabuntong hininga naman siya.

["I miss you."]saad niya, agad naman akong natigilan pero napangiti rin. Kung ganyan ang bumabagabag sayo, lagi ka nalang bagabagin. Kidding

"I miss you so much."saad ko naman. "Ano ba talaga ang problema?"tanong ko.

["Wala, na miss lang kita."]saad niya.

"Hindi mo ako madadaan sa ganyan. Ano ba ang mga bumabagabag sayo? Pwede mo naman sabihin saakin, asawa mo ako."saad ko

["Masyado ba akong maganda para maakit sila saakin?"]tanong niya naman, napakunot naman akong ng noo.

"Naaakit? Sinong nang-aakit sayo?"tanong ko, hindi pa rin maalis ang pagkakunot ko.

["Hindi ba ako maganda?'']tanong niya

"Maganda ka. Napakaganda mo."seryosong saad ko. "Kaya sino ang naaakit sayo?"tanong ko.

["Ang asawa ko, naaakit saakin."]saad niya, napailing nalang ako.

"Magpahinga kana. Kailan matatapos ang medical mission niyo?"tanong ko.

["Bakit mo na tanong?"]saad niya.

"Date tayo. Gusto kung bumawi."sagot ko.

["Isang linggo nalang kami rito, bukas maaga kaming aalis. Ipapasyal daw kami ni Aling Anita."]saad niya, napatango-tango naman ako.

"Sige na, magpahinga kana. Wag muna isipin ang mga bumabagabag sayo, isipin mo nalang ang gwapo kung mukha."saad ko, narinig ko naman siyang tumawa. Kaya napangiti naman ako. "Goodnight, wife."

["Goodnight love."]saad niya. Pagkatapos ay pinatayan ako ng tawag, napangiti naman ako. Love.

Accidentally Married To The Unknown Guy [Under Editing] CompleteWhere stories live. Discover now