UW #2

9 0 0
                                    

Playlist: Impossible- James Arthur


UW#2: Sneak Out



Pagkatapos namin kumain ay inasikaso ko na si Mischa para makapasok na sa school. Nakaligo na siya at nakapagpalit na rin ng school uniform.



“Be a good girl, okay?” paalala ko habang inaayos ang buhok niya na hanggang balikat lang ang haba at linagay ang paborito niyang cute  hair clips.



“Yes, mommy!” sagot ni Mischa at inalalayan siyang bumaba sa stool sa harap ng bedroom vanity mirror niya. 



Humarap siya sa'kin at tumingkayad pa nang yakapin niya ako sa beywang. Mabilisang kumurba ang labi ko sa isang matamis na ngiti. May kung anong init na humaplos sa puso ko sa tagpong 'yon.




“Thank you, mommy!” hinahaplos ko ang buhok niya habang sinasabi 'yon ni Mischa. 



Kaya lang ay hindi ako nakuntento roon. Nayuko para pantayan siya at tuluyan na siyang kinarga. Pinulupot ni Mischa ang mga bisig niya sa leeg ko at siniksik ang ulo niya sa guwang ng leeg ko. Inayos ko ang puti niyang damit at pulang palda dahil nagusot sa pagkarga ko sa kanya. 



“Mischa…” pagtawag ko sa kanya dahil hindi siya umiimik at nakasiksik pa rin ang ulo niya. 


“I love you, mommy…” aniya at lalong siniksik ang ulo niya. Bahagya akong natuwa sa inaasta ng anak ko. 



Naglalambing na naman ang bata. Bilang ina ay hindi ko rin maiwasan na mag-init ang gilid ng mga mata ko. Bahagya akong tumingala para lang hindi tuluyang tumulo ang luha na nagbabadyang kumawala sa gilid ng mga mata ko. 



“Mahal din kita, anak. Mahal na mahal,” pabulong kong sabi na halos pumiyok pa.


“Mamaya ka na maglambing, baby...hmmm? You're going to be late na," hinahagod ko ang likod ni Mischa nang bumukas ang bedroom door ng anak ko. 


Niluwal nito ang isang bulto ng lalaki na halatang bagong ligo dahil magulo pa ang buhok. Hindi pa maayos ang polo niya at unbuttoned pa ang ibang butones.


“Naglalambing na naman ang anak mo. Ayaw bumaba,” sabi ko kay Voxx na papalapit sa'min. 


Akto na sana niyang kukunin ang anak ko galing sa pagkakarga pero pinigilan ko si Voxx. “Ako na ang kakarga kay Mischa, Voxx...ayusin mo nalang ang polo mo saka wala pa 'yung kurbata mo baka ma-late ka pa sa trabaho,” 



Pinagtaasan niya ako ng kilay at pinasadahan ang kabuuan ko. Nagtagal ang mga tingin niya sa hita ko bago inangat ang tingin sa'kin. 


“Ano?!” pinagtaasan ko rin siya ng kilay. Hindi pwedeng siya lang ang pwedeng gumawa no'n. 


“Akin na muna si Mischa,” he insisted. 



“Ako na nga muna ang kakarga sa anak mo,” pamimilit ko rin. Nagbuntonghininga siya na tila nawawalan na ng pasensya. Ilang segundo rin ang lumipas bago siya nagsalita. 




“Don't tell me…” he raked my whole body. “Ganyan ka lalabas ng bahay papuntang school ng anak mo?” 





Muli niyang pinasadahan ang kabuuan ko. Gumuhit sa mga mata ang disgusto. Na parang nakakadiri akong tingnan sa suot ko. Bakit ba kasi pati suot ko kailangan ng consent galing sa kanya? Ano bang pakialam niya do'n? Wala siyang karapatan na diktahan niya ako...kahit pa sa suot ko lang dahil katawan ko naman 'to! Kahit pa sabihing asawa niya pa ako. 


Until When? Where stories live. Discover now