CHAPTER 09

19 7 1
                                    

"Birthday sex," paulit-ulit na nag-echo sa utak ko ang salitang binitawan niya.

Papayag ba ako sa gusto niya? Alam ko sa sarili ko na gusto kong gawin ang bagay na 'yon kasama siya pero hindi pa naman ngayon. Ang nasa isip ko kasi ay masiyado pa kaming bata para sa gano'ng bagay. Siguro kapag tapos na lang naming grumaduate.

"Mukha kang natatae," he said bursting out into uncontrollable laughter.

"Bwisit ka!" Mahina ko siyang sinapak sa dibdib.

"I'm just kidding. You know that I can wait naman." Lumapit siya sa akin para halikan ang noo ko.

"Gusto mo rin e!" pambawing asar ko.

"Siyempre gusto ko pero hindi ko naman ipipilit kung hindi ka pa handa," maingat ang bawat salitang bigkas niya.

Gulat akong nagtaas ng tingin sa kaniya. "You imagine us doing that thing!?"

"Oo naman. Why? You're not comfortable with it? I'll try to stop imagining those things," parang humihingi ng despensang saad niya. "Mukhang kailangan ko ng bagong hobby para mabaling sa iba ang iniisip ko," tumatawang dagdag pa niya.

"Hindi naman." Akala ko kasi ako lang. Hindi ko na sinabi ang huling linyang pumasok sa isip ko. Hindi naman dahil babae ako ay hindi ko na iniisip ang mga gano'ng bagay 'no!

"So, is it fine with you if I imagine it myself?" malokong tanong niya.

"Bahala ka sa buhay mo. Hanggang imagine ka lang naman," pang-aasar ko.

"Alam kong ikaw din naman," sapaw na asar niya pa.

Nabigla ako pero hindi ko 'yun pinahalata. Hindi puwedeng isipin niya na guilty ako!

"Kaya pala inuungol mo ang pangalan ko nung natutulog ka," nakangising sambit ko.

Nakita ko ang gulat at hiya sa mukha niya. "What? When did I do that!?"

"Nung may sakit ka. Akala ko nga binabangungot ka pero nagulat na lang nung bigla mong inungol ang pangalan ko!" detailed na kwento ko sa kaniya.

"It's not me! Maybe it's a devil that possessed my body," nahihiyang paliwanag niya.

"Sus. Sabi mo pa nga u-ughh Irish." Ginaya ko pa ang ekspresyon niyang nasasarapan.

"Maybe it's not what you think it is."

"Anong tingin mo ang iisipin kong ginagawa natin sa panaginip mo aber!? E sarap na sarap ka nga sa pag-ungol ng pangalan ko," proud kong turan para mas lalo pa siyang maasar.

"Stop it. Wala naman akong naaalala na ginawa ko 'yan," depensa niya sa sarili.

"Paano mo maaalala? E tulog ka nga!" katwiran ko.

"Other personality ko 'yon," birong pangungumbinsi niya. Parehas naman kaming natawa dahil sa sinabi niya.

"Well, thankful naman ako na narinig at nakita ko 'yon. At least alam kong moanable ang pangalan ko," malokong biro ko.

"Let's stop talking about that. You're turning me on."

Dahil sa sinabi niya ay napatigil ako. Pasimple kong tinignan ang babang parte ng katawan niya at nakumpirma kong totoo nga ang sinabi niya. Pinamulahan naman ako ng mukha sa naisip.

"Kumain na nga tayo." Lumayo ako sa kaniya at bumalik sa pagkakaupo.

Pinagpatuloy na namin ang pagkain. Pagkatapos ay halos maubos na namin ang inihanda ko. Nilagay ko na lang sa refrigerator ang ibang natira.

"Mag-prepare ka na. Ako na ang maglilinis nito." Isa-isa niyang kinuha ang pinagkainan namin at naglakad papunta sa lababo. Sinundan ko naman siya.

"Birthday mo ngayon kaya ako dapat ang nagsisilbi sa 'yo," nakangusong paliwanag ko sa kaniya kahit hindi niya naman ako nakikita dahil nakatalikod siya.

Broken Promises (Under Editing)Where stories live. Discover now