Prologue

15.7K 297 6
                                    

"Tita Hilda, thank you so much po at nakapasok ako dito sa pangarap kong school. Kung hindi dahil sa recommendation niyo ay hindi po ako makakapasok dito." Masayang sabi ni teacher Filamrie, bago nito sinuyod ng tingin ang malawak na campus.

CEDA Hunstman University is her dream school, bata pa lang ay pangarap na nitong makapagturo sa paaralang ito. The University that one of the prestigious and well known school in the Philippines. Marami na din itong natanggap na mga awards and achievements.

Dito din nag-aaral ang ilan sa mga anak ng politiko, mga personalidad, at  pati anak ng mga artista sa television.

Dito din nga nag-aaral ang ilan sa mga anak ng Hunstman, na pulos maganda at gwapo, at saka mga sikat sila dito. Hindi lang kase sila mayaman kundi mababait din at friendly sa lahat ng antas, pwera lang kung kalabanin mo sila ay hindi ka nila uurungan.

"Walang anuman, Hija. I'm proud to say that you're belong to her kahit na hindi ka dito nakapagtapos ng pag-aaral." Tita said, and she's right.

Filamrie graduated at Ateneo last year, and she's a cumlaude graduate. Hindi siya mayaman pero sa tulong ng kaniyang scholarship ay nakapagtapos siya doon ng pag-aaral.

"Kaya po pagbubutihan ko ang pagtuturo dito nang hindi kayo mapahiya, Tita." Tumango naman ang Tita Hilda nito. Kapatid ito ng kaniyang yumaong ama.

"Sige na at ihahatid na kita sa classroom mo." Tumango siya at sumunod sa kaniyang Tita Hilda.

Nang makarating sila sa pinto ng kaniyang magiging classroom ay nagpaalam na din ang Tita Hilda niya, na isa ding faculty staff dito.

Huminga muna siya ng malalim bago pumasok sa pinto ng classroom niya.

Nakahanda ang maganda niyang ngiti nang bumungad siya sa pinto. Ngunit isang pares ng mga mata ang nakatitigan niya, a pair of golden eyes from one of her male student.

He was confidently sitting at the entrance of the doorway, kaya siya napatigil sa akma niyang pagpasok.
He was also smoking while chewing his bubble.

"Please, stop smoking inside the classroom!" Sita ng guro na mariin ang takip sa kaniyang ilong at paubo-ubo ito sa amoy ng yosi.

Narinig din niya ang tawanan ng ilang estudyante sa loob kaya seryoso niya silang binalingan.

"Classmates, please keep quiet!" Suway ng isang lalaking estudyante.

"What are you doing here? Can't you see I'm your new teacher? So will you respect me or I'll report you to the guidance counselor?"

May bahid ng galit sa boses ng guro habang nandidilat ang mga mata sa estudyante nito, pero ngumisi lang ang binatang estudyante, while he still smoking and not minding her.

"Okay, miss beautiful!" Tumayo ang binata at tinulak lang nito patagilid ang silya, dahilan para umingay iyon sa sahig. "Pasok ka na sa 'kin, miss beautiful." Ngising pagyuko ng binata at iminuwestra pa ang palad nito.

Kinalma ng dalaga ang sarili niya bago pumasok sa loob pero napatigil ito sa harap ng estudyante niya, nakangisig nakatitig ito sa kaniya at harapan pa na sinuyod ang kabuuan niya. Pigil na pigil ang sarili niya.

"I said, stop smoking and throw that stick, right now!" Bawat salita niya ay may diin, isang pambabastos na lang nito ay tiyak hindi na makapagtimpi ang dalaga.

"As you said, miss beautiful—"

"And be respectful!" Agad na sabi niya at saka lumakad na, ngunit ganoon na lang ang gulat na pagkagimbal ng dalaga nang may sumampal sa kaniyang pwet, kasabay noon ang pagsinghap ng mga estudyante niya.

"Ang lambot ng pang-upo mo, Ma'am! Pwede ko bang makita at mahagkan 'yan?" Nanlilisik na mabilis niyang hinarap ang nakangising lalaki at sa isang iglap ay malakas na sampal ang pinakawalan niya dito, sa lakas ay tumabingi ang mukha nito.

"Bastos! Please get out and you can't enter in this room!"

Puno na ng galit ang boses ng dalaga sa pambabastos na ito sa kaniya ng sarili niyang estudyante, the first time she encountered this kind of humiliation, this kind of rude student, in her first day of school as a teacher.

"Ouch. Ang sakit ng sampal mo, Ma'am! Parang kagat lang ng langgam!" Tugon nito sa kaniya matapos siyang balingan at parang balewala lang ang sampal niya dito, kase nakangisi lang habang ginagalaw ang ulo nito. Kasabay din noon ang tawanan ng mga kaklase nito.

"Hindi ka talaga titigil sa kabastusan mo?!" Medyo napalakas na ang boses ng guro dahil sa ubos na ang pasensya nito. Nanggigigil siya sa sobrang galit.

"Hindi. Hindi ako titigil na maikama ka—"

"I don't tolerate your bad attitude! Let's go to the deans office!" Inisang hakbang niya ang lalaki at marahas na hinaklit ang pulsuhan nito.

Nakangising nagpatianod naman ito sa kaniya at dahil sa tangkad nito kompara sa height niya ay nahirapan pa siyang hilahin ito. Alam niya kung saan naroon ang deans office kaya doon niya dinala ang lalaki.

"Ang lambot ng kamay mo, Ma'am. Mas lalambot pa 'yan kung ihahawak mo sa junior ko." Marahas niyang binitawan ang kamay nito, sakto naman na nasa harap na sila ng pinto ng deans office.

Nagpunas siya ng kamay sa skirt bago kumatok sa pinto, sumabay noon ang tawa ng lalaki. Nakakaloko ang halakhak nito, nanginginig naman siya sa galit at parang nandidilim ang paningin sa kaharap niyang masamang eapirito.

"Bastos ka talaga! Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo ng magandang asal? Gwapo ka nga pero ubod naman ng pangit ang budhi mo! Nakakahiya na dito ka pa nag-aaral sa magandang eskwelahan na ito!"
Ubos na talaga ang pagtitimpi ng guro at nasabi iyon sa estudyante niya.

She's a human being and have feelings that's why she said those words, even it's against the rules of the school.

Bawal pagsalitaan ng masama ang isang estudyante. But in her case, it was the right thing to do at pinoprotektahan lang niya ang sarili sa pambabastos sa kaniya. Nasa rules din na bawal pagsalitaan ng masama o bastusin ang isang guro dahil ang kapalit nun ay maeexpel sa school.

"Come in." Inayos muna ng guro ang kaniyang sarili at huminga ng malalim bago binuksan ang pinto.

Sumenyas siya sa nakangisi pa din na estudyante na tamad na pumasok sa loob, kasunod siya at sinarado ang pinto bago humarap sa dean.

"Good morning, Ma'am. May irereport po akong isang bastos na estudyante."

-MAYAMBAY-

Possessive Men #:3- Yvan's Possession Where stories live. Discover now