Kabanata 12

30 8 0
                                    

Kabanata 12

Blame

Kent is still consistent in his visits to our school. Eve seems very sticky to me whenever Kent is near. Hindi ko alam kung bakit, pero parang naintindihan ko na. Ayaw niya ulit ako mabuhol kay Kent. Though, I still have my feelings for him but I don't know if I can control it. Ilang buwan lang naman na hindi kami nagkita. So understandable nga na hindi pa talaga ako nakaka move on sa kaniya.

Gano'n pa rin ang ginagawa ko. Minsan pumunta ako kay Ate Melds para mag laba at minsan naman ay sa sabado. My mother didn't get mad at me now, kahit si Kuya Cike tahimik na rin. Lalong gumaan ang pakiramdam ko sa bahay simula nang magbibigay ako sa kanila nang pera.

"Ate naman e, pahingi nga kasi ng pera!" magmamaktol ng kapatid ko dito sa kusina.

Naghuhugas ako ngayon sa lababo kakatapos lang namin kumain ng umagahan. Nasa likod ko siyang nagmamaktol. Sabado ngayon, wala akong labahan kina Ate Melds kaya may oras akong gumawa sa mga school works ko. Umalis na kanina sina Mama at Kuya Cike habang si Kuya Michael naman ay nasa kwarto natutulog. Gigising 'yon mamayang hapon para sa trabaho niya.

"Chloe, hindi ka ba makakaintindi? Kasya lang 'tong pera ko sa dalawang buwan," ani ko sa mahinahon na tono.

Hinawakan niya ang braso ko at niyugyog 'yon.

"Ate, dadating na kasi 'yong package ko! Hindi ako binigyan ngayon ni Mama eh. Tsaka hindi ko alam na ngayon pala dating 'yon." Naiiyak niyang sabi.

Bumuntong hininga ako. Walang magawa. Ni minsan, hindi ko na kuha ang mga bagay na gusto ko. Kahit sa mga damit, kailangan ko pang maghintay ng ilang buwan o taong bago mabilhan ni Mama. Ayaw kong magiging katulad ang kapatid ko sa akin, na hanggang tingin nalang sa mga bagay na gusto niya. May ipon akong pera para sana sa pang college ko balang araw, kaya 'yon nalang ang kukuhanin. May pera naman ako pero sakto lang 'yon para sa dalawang buwan kong baon. Ayaw kong umasa kay Everlyn lagi. I stop washing the dishes and face my sister. Nakangiti siya sa 'kin. She claps her hands slowly near her chin.

"Magkano ba 'yang package mo?"

"One thousand five hundred, ate, then meron pang isa! Mga damit 'yon around one thousand six hundred lang naman,"

Nanlaki ang mata ko. Anong klasing package ba 'yon bakit ang laki?!

"Ano ang binili mo at ganiyan ka laki?" My voice sounds irritated but gentle.

She rolled her eyes. "Duh, 'yong mga make up tapos mga damit. Recommended 'yon sa favorite kung vlogger."

Umiling lang ako sa kaniya. Hinarap ko ang mga huhugasan ko at pinagpatuloy 'yon. Hinawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako.

"Ate, please. Naka-alis na kasi si Mama. Wala na akong mapanghingian. 'Wag kang magaalala pagnakauwi na si Mama ibabalik ko 'yong hiniram ko," she pleaded.

Lumingon ako sa kaniya. Nakakunot ang noo ko.

"Akala ko ba manghihingi ka?"

Binitawan niya ako at humakbang paatras ng isang beses.

"Baka kasi ayaw mo, e. Kaya napagisip kong manghihiram nalang ako." Malungkot ang kaniyang mukha. Dahan-dahan siyang yumuko.

Bumumtong hininga ako. Wala naman akong magagawa. Aaminin kung kailangan ko ng pera pero kasi hindi ko kayang humindi sa kaniya ngayong nagmamakaawa na siya sa 'kin. Mahal ko ang kapatid ko. Whatever it may cause my financial needs, as long as I make her happy, I'm happy too. Gaya nga ng sabi ko, ayaw kong matulad siya sa akin. Kaya ko pa naman maglaba araw araw. 'Di kaya ay magtipid makuha lang niya ang gusto niya.

How Love Grows (Completed)Where stories live. Discover now