Kabanata 15

23 9 0
                                    

Kabanata 15

Sweatshirt

Bumili ako ng gifts para sa anniversary namin ni Eve. We planned last Saturday that we would celebrate our anniversary at Mactan Bridge pagkatapos ay pumunta sa Basilica. Hindi ako pumasok ng school ngayon para lang maghanda ng mga regalo. Sa sobrang lapit na pala ang araw na 'yon nakalimutan ko pa. Bakit ko ba kasi nakalimutan?

Pagkatapos kung bumili sa mga kailangan ko. Dumeritso na ako pauwi para kumain ng lunch, sa bahay nalang ako kakain para makatipid man lang ako. Tatawagan ko pa mamaya si JP para i-update ako sa mga lesson ngayon. Though I don't really worry about that, I skipped classes today. Dahil sinadya ko talaga para lang magawa ko ang mga kailangan kong gawin sa anniversary namin. That's how affectionate I am towards my best friend; I treasure her a lot, and I think she deserves everything.

Pagkauwi ko sa bahay, nagulat akong nakita si Kuya Michael na nakatayo sa may tukador ng sala tila may ginagawa. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko kita kung anong ginagawa niya. Kumunot ang noo ko, at bigla tumalbog ang aking pulso. Umalis ako kaninang alas nuebe, isang oras lang naman ang tinagal ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya.

"Kuya…" I uttered.

Nagulat siyang lumingon sa 'kin at nalaglag ang kaniyang hawak. Nagulat din ako sa paglingon niya. Napatingin ako doon sa isang litratong nakataob na. Kinakabahan niya 'yong pinulot, madalian niya itong isinilid sa kaniyang bulsa. Hindi nagtagal ang tingin ko doon, kung hindi lang siya lumingon ay siyang nagpa angat sa akin ng tingin. Matamis na ngiti ang kaniyang iginawad sa 'kin.

"Nandito ka na pala, Felicity," aniya.

Hindi ako sumagot sa kaniya. Natawa siya at napakamot sa kaniyang batok.

"Hindi mo sinabing hindi ka pala pumasok? Alam ba 'to ni Mama?" tanong niya sabay lapit sa 'kin.

Isang hakbang pabalik ang ginagawa ko. Umiling lang ako sa kaniya at dumeritso sa kusina para maiwasan siya. Pero tila hindi niya ako tinantanan. Sumunod siya sa 'kin. 

"Pasensya ka na noong isang araw, Felicity. Hindi ko naman sinadya na ginulat kita. Alam kung iniiwasan mo ako dahil doon pero maniwala ka, wala akong balak na masama sa 'yo," pagsusumamo niya sa 'kin.

Hindi naman ako gaanong nagdibdib. Nagiingat lang ako sa isang bagay na hindi pwedeng mangyari, lalo na at iba na ang mga kinikilos niya ngayon. It's weird; the fact that we are not true blood related means he's too close to me.

I don't know, but it feels weird every day.

It doesn't feel so right anymore, as I say.

Bumuntong hininga ako bago lumingon sa kaniya. Inangat ko ng kaunti ang aking tingin at binaba din 'yon.

"Okay… lang, Kuya. Tsaka, hindi naman kita iniiwasan, marami lang talaga akong ginagawa sa… school," paliwanag ko.

Gumalaw ang kaniyang katawan at suminghap ng malalim. 

"Nasabi ko kay Mama na ikaw na ulit ang matutulog sa kwarto mo. Hindi naman ako diyaan lagi sa gabie at ukupado ito. Umaga ko lang 'yan magagamit. Ikaw na matulog doon ngayong gabi," 

My eyes widened. Pumayag si Mama?

"‘Wag kang mangaalala, pumayag na siya. At kapag sa linggo naman, pwede ako muna dito sa sala matulog. Doon ka nalang sa kwarto mo," dagdag nito.

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Namilog ang mata ko. Kalaunan umiling ako sa kaniya.

"‘Wag na, kuya. Gusto ko rin dito sa sala para madali akong magising. Salamat sa offer mo," sagot ko.

How Love Grows (Completed)Where stories live. Discover now