Kabanata 17

16 8 0
                                    

Kabanata 17

Truth

Umiyak lang ako magdamag. Sobrang sikip ng puso ko. Na para akong binuhusan ng maraming lupa para ibaon.I cannot recognize what I am feeling right now. Marami na. Sombra na ang sakit.

'Yong tipong mapapatanong ka nalang sa taas kung ito pa ba ang tamang landas na tinatahak mo. Kung tama pa ba itong naradamdaman mo. Hanggang kailangan ba dapat ako magtiis. Hanggang kailan ba ako dapat umiiyak ng ganito? Kasi… pagod na ako.

Pagod na ang puso kong intindihin sila. Pagod na ako…. Pagod na akong mabuhay.

 Hindi ko na alam kung ano na ang laman ng puso ko. Nagaakala ako na sa hirap na pinagdadaanan natin, sa ano mang pagsubok na tatahakin ko, may ina akong gagabay sa 'kin. Pero parang wala na akong pag asang mapasali sa pamilyang binubuo ni Mama.

Nangangailangan ako ng ina… pero mas pinili niya akong iwan para sa kanila.

How powerful the words can ruin someone's mind. 


Pumasok ako sa school na walang gana. Nag text sa akin si Eve kanina na kukunin niya ako pero hindi ako nag reply. Umalis kaagad ako sa bahay nang  hindi nagpapaalam kay Mama. Tulog pa naman sila, at parang wala lang naman sa kanila kung hindi ako pagpapaalam. 


Hindi ako kumakausap ng ibang mga kaklase gayong 'yon naman ang mga gawain ko kapag bored ako. Nakakapagod na kasi, 'yong tipong kinakausap mo lang sa tao pero iisipin mo na na iiwan ka din nila. Para akong napapaso dahil sa pangamba nitong puso ko. Nakakatkot madikit sa iba.


Ganito ba talaga ako ka walang kwenta? Nagpakabait naman ako, ah. Hindi pa ba 'yon sapat? 


"Felicity, ikaw nalang magpasa nito, ha. Sabi kasi ni Cheska na ang leader daw magpapasa ng mga papers sa isang grupo," sabi ng lalaki kong kaklase naka eyeglasses.

Tumango ako sa kaniya. "Tapos na ba kayo?" tanong ko sa iba.

Isa-isa silang umiling. Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang ginagawa dahil may hindi pa din ako tapos.

May group project kami sa Bio 1. Same thing, hindi na naman kami magka grupo ni JP at Ivory. Hinihiwalay kasi ng prof namin ang magkakaibigan para fair doon sa mga kaklaseng walang gaanong kaibigan.

Ako ang naatasan nila maging leader. Hindi na ako umapila pa gayong nakakapagod ngang magsalita. Hinahayaan ko nalang ang mga bagay-bagay na dumaan sa buhay ko. 

Nakakapagod na mag reklamo, wala namang magbabago.

Matapos ang ilang na binigay ng prof namin. Binigay na nila ang mga paper sa 'kin. Isa-isa kung tinignan kung may kulang ba. Pagkatapos kong ma-check lahat. Tumayo ako para sana lumabas na. Pero naagaw ang atensyon ko sa babaeng magulo ng konti ang buhok at makusot ang damit na umupo sa hulihang silya habang kaharap ang napunit na papel. Ramdam kung umiiyak siya dahil yumogyog ang kaniyang balikat habang nakayuko.

I was about to approach her when Katey called me.

"Felicity, tara na!" 

Napalingon ako sa kaniya. Ngumiti ako pero nagdadalawang isip na sumama sa kaniya. Nilingon ko ulit siya. Pero gano'n nalang ang gulat kong nakatalikod na siya sa 'kin.

Weird.

"Hoy, Felicity. Tara na. Sama na tayo!"

Nagulat ako sa kalabit ng kaklase kung si Katey. Wala sa sarili akong tumingin sa kaniya at tumingin doon sa babae. Si Ruby ito, 'di ba?

How Love Grows (Completed)Where stories live. Discover now