Kabanata 20

191 10 3
                                    


Trigger Warning: SA
Read at your own risk.


Kabanata 20

Felicity's Pain

Maraming school works ang ginagawa ko sa loob ng dalawang linggong panunuyo ni Eve. Binibigyan niya ako ng iba't ibang mga bagay. Hindi naman ako mahilig sa mga bagay kaya, kung pagkain ang binibigay niya tinatanggap ko.

Minsan nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba 'yon gayong sinasaktan ko si Eve. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nga ba ang hirap alisin nitong tampo ko sa kaniya. Sa babaw na dahilan pero grabe ang tampo ko. Bakit parang ang sakit na hindi ko makuha ang simpatya na gusto ko mula sa kaniya sa araw na durog ako? Bakit ngayon lang siya nagpapakita ngayong nailunok ko na ang ang sakit?

Pumunta din dito si Natasha kasama si Trisha tuwing biyernes. Parang may inaabangan. Minsan nga kung makatingin siya sa 'kin parang siyang may gustong sabihin na nangaasar. Hindi ko nga mawari kung ano 'yon.

The bell rang for our lunch break. Nagligpit na ako ng gamit ko at sabay kaming tatlo nina JP at Ivory na pumunta sa cafeteria. Eve usual nasa labas na ng pintuan namin. I smiled at her when she looked at me. Namilog ang mga mata niya. JP stopped when we reached the door.

 

"Eve, lagi ka nang namamalagi dito kapag lunch at recess ah. Jowa na kayo?" sabi niya habang palipat-lipat ang tingin sa 'min ni Eve.

Hindi niya yata alam na may pagtatampo ako kay Eve. Ivory just shook her head. Observant talaga siya pareho kay Eve. May alam pero piniling tumahimik at mag patay malisya.

 

"Eve sama ka na sa'min. We missed you being with us." Then she looked at me for approval.

 

Nagtaka akong tumingin kay Ivory. She raised her dark and well-aligned brows and smiled so sweetly.

"Kung papayag si Fely, why not," untas ni Eve.

Tumawa naman si JP.

"Bakit naman hindi papayag itong si Mingkay, eh best friend mo nga 'to," sabi niya pero mas natuon ko ng pansin sa pagtawag niya sa 'kin.

Napalingon ako sa kaniya at nakakunot ang noong tumitig.

"Mingkay?"

Bigla niya akong tinampal sa braso at tumawa.

"Oo, ang cute mo kasi minsan para kang pusa. Tas 'yong boses mo ang liit. Matagal ko nang gustong itawag sa iyo 'yan," 

Ngumuso ako.

"Pusa na ba ako sa paningin mo?"

"Hindi! Sa boses mo lang at sa pagpapacute mo! Para ka talagang pusa," pangpalakas loob niya.

Ngumiti ako na abot tainga. 

"Ang ganda talaga ng ngiti mo!" He urged me.

Ngumuso naman ako dagil bigla lumaki ang atay ko sa puri niya. I slightly put my hair at the back of my ears, like I am dalagang pilipina. Nagpapacute ang mukha ko at mahinang tinampal ang kaibigan.

"Enebe, Jepey,"

Ngumiwi naman si JP. "Jusmiyo, bakit ang ganda mo parin kapag gano'n? Jusko, hustisya naman oh!"

 

"I remember when we were still in our second year of high school. Von's group admired her very much because she is not that talkative and very pleasant. But little do we know that her voice conjectures our thoughts of her being so cute, Pati Boses Sumabay. She's an angel with her pleasing voice."

How Love Grows (Completed)Where stories live. Discover now