Chapter 1

27 4 2
                                    


Disclaimer: This is work of fiction, Names, Characters, Business, events, places, incidents and other stuff is from author's imagination or used in a fiction manner.

This story contains trigger warning, self harm, depression, and anything that's not certainly allowed to young ones. READ AT YOUR OWN RISK.

Note: This story may have similarities with other fiction stories, but it wasn't my intention to copy their stories.

Enjoy Reading, Everyone!




                               ***


"Hoy, sandali hinatayin mo 'ko!" Sigaw ko kay Raise, kaibigan ko.

Hingal na hingal ako sa pag takbo para lang mahabol ko s'ya eh pano ba naman ang tangang 'to, tumakbo para mahabol lang 'yung crush niyang paputang canteen.

Nasa 3rd year high school kami ngayon, at ikalawang linggo na ngayun mula noong nag opening classes, noong simula ay nahihirapan ako, kase bago ang mga kaklase ko. I don't know how to start a new friendship with these people surround me, transferee lang kase ako. Napapaisip ako kung meron kayang gustong kumaibigan sa akin? At hindi pa nag iisang linggo meron na akong nakilalang babaeng naging kaibigan ko at 'yon si Raise.

Si Raise ay isa sa mga matalinong kaklase ko simula't simula pa lang ng klase ang active na niya, at ako naman sabihin nating active 'rin. Raise was carefree and caring kind of girl minsan nga'y kahit sa labas ng room ang ingay kaya naging close kami.

Dahil nga sa sobrang ingay nya kung sino-sino lang ang nakikilala niya, at nag karoon sya ng crush sa school kaya ako bilang kaibigan nadamay na 'rin sa kalokohan nito wala naman akong pake sa 'crush' na 'yan.

"Oh? Ba't ganyan ang mukha mo?" nagtatakang tanong ni Raise,na mukha ngang matatawa sa mukha ko.

Iba talaga ang babaeng 'to, pag-katapos n'ya kong pahabulin tyaka mag tatanong kung anong nangyari sa mukha ko?

"W-wow ha? Pagkatapos mo 'kong iwanan at pahabulin magtatanong kapa?" Sagot ko sakanya habang hinahabol ang hininga.

Ganito ba talaga if may gusto kang isang tao gagawin mo talaga ang lahat para makita sya? Kase ako hindi ko pa naranasan ang mga ganyan,'noon nag ka 'crush' din naman ako pero hindi ganyan o sadyang nag-iiba lang sa feeling if malaki kana at unti-unting na iintindihan ang mga ganyang bagay? Ewan, bahala na nga wala naman akong pake dyan at isa pa uunahin ko muna ang pag-aaral ko 'no.

"Aki! Nadyan na siya, tignan mo! Dali, tignan mo!" Kinikilig na sabi ni Raise, at aba'y may pasabay pang hampas.


Kilig na kilig naman itong kaibigan ko ng makita 'yung crush nya, si Clyle. Famous sa campus si Clyle at maraming nagkakagusto sa kanya hindi ko 'rin masasabing hindi siya magugustuhan ni Raise e, ang gwapo at matalino pa. Kaso lang medyo pelingero 'to tsaka mayabang porket maraming nag-kakagusto sa kanya.


"Aray!" Sabi ko at sinamaan siya ng tingin "Ganyan kaba talaga kiligin? May kasamang hampas, ang galing mo. Pasalamat ka kaibigan mo 'ko."
Naiinis na sabi ko.

"Sorry, Aki, e ang gwapo nya talaga!" kinikilig at sabay hampas ulit sa braso ko.

"Aray ko, Raise! Pumangalawa kanaha, hali kana nga bumalik na tayo sa room hindi ko pa kinakain 'yung binili ko sa canteen." Inis ulit na sabi ko, dahil nga hinabol niya yung crush nya ay hindi na kmi nakakain at inuna pa niya tignan 'yung Clyle na' 'yon.

Love of Tomorrow ( GOF Series #1) Where stories live. Discover now