Chapter 2

19 3 0
                                    




"Ha? Bakit?...hindi man lang ako naka paghanda ba't ba agad-agad?!" parang ang bwisit nang araw na 'to, lunes na lunes naiirita ako...Eh, 'yung teacher namin ngayong umaga lang nag announce na mag p-perform raw kami mamayang hapon sa klase nya, ok lang naman...pero hindi ako naka pag rehearse, gano'n din ang mga kaklase ko.

" 'Wag ka nang mag problema d'yan, Aki...pare-parehas lang tayong hindi ready, relax." sabi nang kaklase 'kong si Rain.

"Hah..." napabugtong hininga na lang ako kase wala naman magagawa 'yung pagrereklamo namin, kaya nag practice na lang kami, mabuti nga dalawang subject ang vacant namin, mabuti lang.

"Huy, hindi kaya sabihan nalang natin si ma'am na hindi tayo prepared...pag katapos hindi na maitutuloy kase ni-isa sa atin...wala mag p-perform. Ano sa'yo, Aquila? Mukhang stress ka naman, eh." Pag-mamalaking sabi ni Raise, 'yung parang nakaisip s'ya ng pinakamagandang idea...pero oo nga 'no?.. Kaso baka magalit si ma'am, at tyaka ba't ako ang kaniyang tinatanong? Hay, ewan ko sa babaeng 'to.

"Eh, ba't ako? Ikaw ang nag isip niyan eh...Kundi ikaw ang mag sabi kay ma'am." Reklamo ko.

"Eh, Ikaw ang president kaya ikaw ang mag decision." Oo nga, president nga ako...kahit transferee ako, hindi parin ako iniwasan ng nomination na  'yan, nag introduced lang ako bilang former School council vice-president sa school ko noon, ako na agad 'yung pinili nila kase daw mukhang well experienced ako, kahit 'di ko naman sila close noon.



"Dibale na nga, pasasalamatan n'yo ako mamaya.. Tignan n'yo." Matapang talaga 'tong si Raise, walang inu-urungan.

Pag katapos namin sa dalawang vacant subjects, pumasok naman 'yung guro namin sa ikatatlong subject, at pag katapos nito recess na namin.. Mukhang hindi masyadong nakaka-stress ngayong umaga, pero mamayang hapon sigurado akong super stress na talaga dahil sa unexpected announcement of performance ni ma'am.

Habang nag le-lesson si ma'am, merong pumasok na lalaki mula sa isang section, hindi ko pa naman sya kilala at ngayon ko lang s'ya nakita, pero naiinis na agad ako sa presensya niya eh pano, kung sino siyang parang astig na pumasok.

Ewan, baka naiirita lang ako dahil sa unexpected performance namin later this afternoon. Pero...tinignan pa ako nang lalaking nakakainis at tinaasan ng kilay...Aba,matapang to, ah? Ahhh! Nakakainis talaga, ba't paba to pumasok parang sino umasta eh.. Akala mo naman gwapo.


"Akala mo naman kung sino, pangit naman." Bulong ko sa sarili ko dahil sa inis, kahit hindi ko pa naman sya nakikita nang malapitan pero pangit nayan, nakakainis eh. Pangit, pangit, pangit... Inis 'kong nilagay 'yung ballpen sa armchair 'ko at nakagawa 'yun nga medyo malakas na tunog...nakakahiya, ba't ba nakakainis at napakamalas nang araw na 'to?


"Huy, Aki...mukhang galit ah? Wala namang umaano sa'yo d'yan." napalingon sakin si Raise dahil nga sa tunog na nagawa ng pagkainis ko, pati 'yong ballpen nadamay.


"Wala, tahimik kana nga d'yan." Galit na sabi ko.


"Nag-tatanong lang, galit agad.. Tsk, tsk, tsk.. Palagi ka na lang galit, Aki." natatawang sabi ni Raise.


Binalik ko na lang 'yung tingin ko sa papel ko no'ng sumigaw bigla si Raise.
"Guys, tahimik kayo! Not on good mood si President Yvero!" Nagulat ako sa malakas na sigaw ni Raise at hiyang hiya, nandito pa naman si ma'am!


Tinaas ko 'yung tingin sa table ni ma'am at nakita 'yung lalaking may bibulong sa kasama niyang kaklase, at biglang nag tama 'yung tingin namin, tinaasan ko siya nang kilay at binagyan ng snab, and he gave me a freaking smirk? The heck! Nang-iinis, ba 'to? Sana hindi na lang siya pumasok sa room hindi pa 'ko maiinis ng ganito.

Love of Tomorrow ( GOF Series #1) Onde histórias criam vida. Descubra agora