Breaking The Rule

29 5 0
                                    

Naranasan mo na bang magmahal ng tao mula sa malayo ? Yung tipong gusto mong sabihin sa kanya kung gaano mo sya kamahal pero hindi pwede ? Hindi pwede dahil sa rule ng banda na hindi ka pwedeng mainlove sa ka-myembro mo.

Diba ang hirap? Ang hirap-hirap pala talaga. Nasasaktan, nagseselos, nagagalit ka sa kanya pero hindi man lang nya alam. Wala kang magawa kundi itago nalang yun sa sarili mo.

[Sometimes-Britney Spears]

Hindi ko maiwasang tingnan sya habang kumakanta ako, napakagwapo nya habang pinapatugtog nya yung guitara niya.

Noon pa man gustong-gusto ko na sya pero hindi pwede, rules ng banda na bawal ang magkaroon ng relasyon sa kapwa mo myembro . Iniiwasan kasi namin ang mabuwag kami dahil hindi naman maiiwasan na ganoon ang mangyari kung sakali, kaya kahit masakit ilihim pinipilit kong itago ang nararamdaman ko sa kanya.dahil importante din para sa akin ang bandang ito. They're like my family, well except for Kris.

~Sometimes I run,

Sometimes I hide,

Sometimes I’m scared of you

And all I really want is to hold you tight

Treat you right,

Be with you day and night

Baby all I need is time~

Nagulat ako ng napatingin sya saken na para bang may gusto syang sabihin sakin, napa-iwas nalang ako ng tingin dahil baka guni-guni ko lang nga yun, alam ko naman na hindi niya kailan man tatanggapi ang pagmamahal na mayroon ako para sa kanya.

Aaminin ko na kung minsan ay hinahangad ko rin na sana, sana may gusto din sya sakin pero alam kong imposible yun dahil hindi ako ang mga gaya ng mga tipo niyang babae

Maganda, sexy, yung tipong artistahin ang dating pero sino nga ba ako isang simpleng babae na puro pagkanta lang ang alam. Malayong-malayo sa tipo nya, pano ko nalaman ? Sa mga kwentuhan nila. Masakit dahil parang sinabe nya na rin na hindi sya magkakagusto sakin kahit kalian.

I've seen him so happy with her past relationships but it ended up failed, i don't know why. At doon ako lalo nabubuhayan ng loob na baka may chance kami kahit na iyon din ang nagdudulot ng sakit sa puso ko

Nang matapos ay umupo na kami sa table na nakalaan para sa amin kasabay nun yun ay ang pagbigay sa amin ng mga alak at pulutan. Ganito kami tuwing natatapos ang mga gig namin, kumbaga chill-chill lang. Atsaka kusang ibinibigay naman sa amin ito ng manager

“Jade, Yung totoo ? Kelan mo balak mag-boyfriend ?” napalingon ako kay louie, siya ang Drummer namin at sa kanya din ako pinakaclose

Alam nya ang tungkol kay Kris, sakanya ako naglalabas ng sama ng loob sa tuwing nasasaktan ako sa sitwasyon namin. He's always there to comfort me, he's my bestfriend slash brother from another mother

“Pwede ba Louie? Tantanan mo ko sa kakatanong mo nyan?” Sabe ko sa kanya ng hindi man lang siya tinitignan at nilagok ko na lang yung beer ko

“ Baket? Wala ka bang nagugustuhan?” Sabi naman ni Mark, ang bassist namin, Siya naman yung pinakabata saming lahat and the happy-go-luck type of guy.

“Meron” Tipid kong sabi habang nilalaro ko yung baso ko na may laman ulit na beer

“Oh ? sino naman yan? Wala naman siguro yan satin diba?” Si Kuya Shawn, ang pianist namin ang pinakamatanda naman, Nilingon ko sya hindi ko alam kung bakit hindi ako makasagot sakanya parang may nagtutulak sakin na sabihin kung sino

Napatingin ako kay Kris at nakita kong nakatingin sya sakin na para bang hinihintay niya rin ang sagot ko. Baket? Interesado rin ba siyang malaman kung sino yun? ‘pag ba sinabi ko na siya yun okay lang ba sa kanya? Pareho rin ba kami ng nararamdaman? O lalayuan niya lang ako?

Ang daming tanong sa utak ko pero mas pinili ko nalang na manahimik at uminiom nalang ulit ako. Uminom lang ako ng uminom.

“Bakit ba hindi pwedeng magkagusto ako sa isa sa inyo?” Hindi ko alam kung saan ko nakuha yung lakas ng loob ko para sabihin yun

“What are you talking about?” Takang tanong ni Kuya Shawn

“K*ngina naman Shawn eh, Sawa na ko magtago. Ayoko na dahil sa pesteng rules na ginawa mo nahihirapan ako” Siguro ng dahil sa tama ng alak kaya ganito nalang ang lakas ng loob ko para masumbatan si kuya Shawn.


“Bes, Halika na mukhang may tama ka na eh. Mga tol, pasensya na ah” Hinihila ako patayo ni louie pero hinarap ko sya at tinignan ko siya ng masama

“Bitawan.mo.ako” sabi ko sa kanya ng may diin sa bawat salita binitawan rin nya ko at muli akong humarap kila Shawn.

“Gustong-gusto ko siya pero pilit kong tinatago para sa banda na’to. Mahalaga din sakin to pero hindi ko rin talaga kaya dahil patuloy lang akong nasasaktan sa tuwing nagkukwento siya tungkol sa mga babaeng nagugustuhan nya ang sakit lang. Alam niyo ba 'yon?” Alam kong nangiingilid na ang mga luha ko pero pinipilit ko parin na ‘wag yun tumulo "Alam niyo ba kung gaano kasakit na hindi mo man lang masabi yung nararamdaman mo para sa kanya? Yung ang tanging magagawa mo lang ay tingnan siya sa malayo at umaasa sa wala?"

Inayos ko ang pagkakatayo ko at tumingin sa kanila ng masama “Sino yung gusto ko? Oh, Let me rephrase that, Sini yung taong mahal ko?” Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita ulit “Walang iba kundi si Kris"

Nakita ko kung paano siya nagulat "Oo g*go ikaw nga” pero hindi siya nagsalita at parang balewala lang yun sa kanya. Alam ko naman eh pero buti na yun at nasabi ko na rin sa wakas parang nabunutan ako ng tinik.

“Pasensya na, kesa mailang pa siya, kayo o ako, Aalis nalang ako. Maghanap na lang kayo ng bagong bokalista ninyo” Tumalikod na ko sa kanila siguro nga mas maganda yung ganito, lalayo nalang ako sa kanila. Ako man ang magiging dahilan ng pagkasira nila ngayon alam ko namang makakahanap sila ng bago. Baka nga lalaki pa ang hanapin nila para mas may assurance sila na hindi mabubuwag ang banda. Masakit man para sa akin ang iwan sila but i think i just did what's right

Maglalakad na sana ako paalis ng biglang nagsalita sya ”Teka, 'wag kang umalis” tumigil lang ako pero nakatalikod pa rin ako sa kanila

But i was shocked when i saw him in front of me and held my face and look directly in my eyes “Kung aalis ka sa bandang 'to, sasama ako sa’yo” Kumunot yung noo ko. Anong ibig sabihin nya?

"What for?" Naguguluhang tanong ko sa kanya

"Because i love you and i don't want you to leave" he said sinscerely

"Pero diba hindi naman ako yung tipo mong ---"

"Sshhhh, Sinabe ko lang yun para itago ko ang pagmamahal ko sayo. Ikaw! Ikaw mismo ang larawan ko ng babaeng mamahalin at mahal ko." Hindi ko napigilan na tumulo ang mga luha ko ng dahil sa saya. Kung panaginip man ito sana hindi na ako magising.

“Pasensya na Jade. Naduwag ako, hindi ko man lang nagawang sabihin sa’yo yung totoo. Jade mahal din kita, noon pa lang ay alam na nilang lahat yun. Sinabe nila sakin na ipagtapat ko sa’yo pero ako ang may ayaw dahil iniisip ko ang banda, sorry Jade. Sorry talaga.”

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin. Kita ko sa mga mata nya na totoo ang mga sinasabe nya napalingon ako sa pwesto nila Kuya Shawn lahat sila nakangiti hindi ko maintindihan kung baket sila mga nakangiti.

“Pasensiya na Jade kung naging hadlang ang rule natin sa inyong dalawa, alam naman namin na pareho nyong gusto ang isa’t isa. Go ahead and break the rule” Napangiti ako kay Kuya Shawn at hinarap ko ang lalaking lihim kong minamahal.

“Let’s break the rule then?” Ngumiti sya at unti unting lumapit yung mukha nya sakin the next thing I know ay magkalapat na yung mga labi namin. Hindi ko alam na magugustuhan nya talaga ako. All this time pareho kaming natakot na baliin yung rule para sa kapakanan ng banda pero ngayon Malaya na kami at pwede na namin mahalin ang isa’t isa.

“ I love you Jade”


“I love you too, Kris”



We broke the rule ....

Break The Rule (One-Shot)Where stories live. Discover now